LTOW CHAPTER 3-The Flashback

358 17 0
                                    

Boys at the multimedia....

Gwen's POV

Ginabi kami ng uwi ni Kuya kasi may meeting ako. Ako kasi ang Supreme President. And that was my hardest job.

Napaisip nanaman ako, yung kasing sinabi ni Rachelle ginugulo ang utak ko. Pero ewan, sinaktan na nga niya ako pero Mahal ko parin siya. Ganun talaga katanga ang puso ng isang tao. Ang komplikado ng pag-ibig.

Why so unfair? bakit di nalang maglokohan yung mga malalandi at manloloko at bakit  hindi nalang magmahalan yung mga Loyal at mga marunong mag mahal?

Bakit kung sino pa ang siyang marunong magmahal ang siyang madalas maiwan nang di alam ang dahilan? Why do people can't understand that?

Akala ko talaga napabago ko siya sa pagiging Casanova niya. Pero akala ko lang pala yun. Nasaktan ako ng sobra dahil sa maling akala ko.

***Flashback***

"Gwen kumusta kayo ni Jasper? Casanova parin ba? Bakit ka kasi pumatol doon?" Iritanf tanong ni Jasmin. Ano bang magagawa ko? natamaan ako sa pana ni kupido eh. Mahal na Mahal ko si Jasper, nagbago siya dahil sakin.

"Nagbago na siya Jasmin, hindi na siya yung Jasper na Casanova, siya na si Jasper na pagmamay-ari KO."

"Hay nako Gwen, wag mo kaming sisihin pag nasaktan ka ha." Paalala ni Madelyn.

"Di ako sasaktan nun." I'm confident dahil damang-dama ko iyon.

"Sige, pupuntahan ko pa siya sa GYM, try out kasi nila." Sabi ko sa kanila at pumunta na ako s Gym

Pagdating ko dito sa GYM, bakitwalang tao? Tapos na ang Try out? Nako! Siguradong magtatampo si Jasper nito.

"Babe! Kailan mo siya iiwan?" May narinig akong bulong. I think sa Comfort room yun dito.

"Babe mamaya ko na siya ibrebreak, ang boring niya. Hindi niya alam humalik, alam mo noong hinalikan ko siya kanina, tinalo pa niya ang statwa! Hindi man lang gumalaw or Nagrespond." Napatingin ako. Hindu ako pwedeng magkamali boses yun ni Jasper? Kaya naman dahil sa kuryosidad ko mas lumapit ako sa CR.

Love.That One Word.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon