Chapter 42-Memories

52 6 0
                                    

Rachelle's POV

Sobrang dilim. At mga pag-iyak ang naririnig ko. Parang hirap na hirap yung umiiyak. Parang sobrang sakit ng pinagdaraanan ng iyak na iyon.

Natatakot ako.

Natatakot ako.

Napapikit ako. This is just a nightmare! This is just a nightmare! Wake up!

Iminulat ko na ang mga mata ko dahil wala na akong naririnig na mga iyak. Teka nasaan ako? Tree house ba ito?

Naglakad-lakad ako at tiningnan ang buong paligid. Limapit ako sa bulletin board kung saan parang freedom wall. May mga letter at pictures rin.

Nakarinig ako ng mga boses ng bata na parang paakyat rito. Agad akong nagtago sa likod ng kulay pink na sofa.

"Dalian mo Kae! Kahit kailan talaga ang lampa-lampa mo!" Natatawang sabi ng isang batang babae na parang little version ni Krystal. Nangunot ang noo ko.

Krystal?

Pumasok narin yung sinasabi niyang Kae at napatulala ako ng makilala ko ang batang babaeng iyon. It's no other than me and yeah I used to wear big eyeglasses before. Pero anong ibig sabihin nito? Bakit narito yung kid version namin ni Krystal?

"Gae, okay ka na ba talaga?" Tanong ng batang ako. Little Krystal laugh.

"Okay lang ako Kae wag kang mag-alala. Malapit na rin ang operasyon ko." Sabi ng nakangiting batang Krystal. Napahawak ako sa pisngi ko.

Bakit umiiyak ako?

"Hindi mo ba talaga sasabihin kina Apoy, Yelo at hangin?" Tanong ng batang ako. Umiling si Krystal. "Ayoko, ikaw na sapat na."

Yinakap ng batang ako si Krystal. May binulong ito na hindi ko marinig. Tapos bumaba na sila.

I wiped my tears. Oo umiiyak ako pero hindi ko alam kung bakit. Tumayo na ako at pumunta sa freedom wall. May nag-u-urge sa akin na tingnan iyon.

Pumunta na ako doon.

Mga picture ng limang bata. Dalawang babae at tatlong lalaki. Kinuha ko yung picture na dalawa lang kami si Krystal. "Sorry." Lumabas lang iyon sa bibig ko kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagsorry ako.

Binasa ko yung letter na sinulat ng batang ako. The 10 years old me.

Dear my friends,

Thank you.

Thank you dahil dumating kayo sa buhay ko. Hindi man naging maganda ang mga unang impression natin sa isat-isa ay naging magkakaibigan parin tayo. Iba-iba ang mga ugali natin and that makes us unique to each other.

Rence. Ikaw ang tumayong big brother namin. Thank you dahil lagi mo kaming pinagtatanggol ni Gae kahit na sa huli ikaw yung mas maraming pasa kaysa sa kaaway mo. Thank you for defending us kahit na alam mong hindi mo kaya ang kalaban pero ginagawa mo parin. Kahit na ayaw mong nadudungisan ang mukha mo ay hindi ka nagrereklamong nagkapasa dahil sa amin. Thank you kuya Rence! Mahal na mahal ka naminㅡkita. And sorry if I don't have a confidence to fight for myself. I'm sorry if I'm too weak. But I promise Rence na someday ako rin ang tatayo sa harap mo para ipagtanggol kita.

Grey. Grey kahit na hindi ka masyadong nagpapakita ng emosyon at nagsasalita ay alam kong importante kami sa'yo at alam mo ring importante ka sa amin. You're cold infront of other people pero kapag tayo-tayo lang ay inilalabas mo yung totoong ikaw. You're so fragile that I want to take care of you.

Greg. Huy Kenkoy! Ikaw ang nagbibigay buhay sa pagkakaibigan natin. Without you and your jokes our world will be boring. Thank you na kahit na may problema ay nandiyan ka nakangiti parin. Kapag ang bigat-bigat na sa amin at nandiyan ka para pagaanin iyon at kung natatalo tayo sa patintero at iiyak kami ni Gae dahil nadadapa kami ay andyan ka para magbigay ng jokes at mga asar. Thank you!

Love.That One Word.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon