"I can't make you love me, pero ikaw...you made me love you. Asan ang hustisya?"ㅡ365 days of feels by NORINGAI
Jasmin POV
Sabi nila hindi natuturuan ang puso pag nagsimula na itong magmahal, mahirap kontrolin, mahirap itigil at hindi nito kayang pumili kung sino dapat ang mahalin.
Pag natamaan kana wala ka nang kawala.
Kahit na sino pa iyan, kahit sino pa siya walang pakealam ang puso, kaya nga maraming nasasaktan dahil sobrang kumplikado ang pag-ibig.
I love Xanderㅡat hindi ko lubos maisip kung bakit ko siya minahal kahit na nasasaktan ako kapag inilalayo niya ang sarili niya sa akin o kaya naman nandidiri siya sa akin. Ano ba ang papel ko sa buhay niya? Isang panggulo o ang magpapabago sa kanya?
Pero kahit nasasaktan na ako sa mga inaakto niya sa akin patuloy ko parin siyang minamahal at saka papunta pala ako sa mansion nila...I want to see him. I badly miss him.
Nandito na ako sa labas ng gate nila at dahil namumukhaan ako ng guard agad naman nila akong pinapasok.
Tatawagan ko muna si Gwen para pagbuksan ako ng pinto. I want to surprise Xander...gusto ko lang ipakita na nag-e-effort akong makuha siya at diba nga sa plano ko I'll seduce him.
Biglang nagvibrate ang phone ko, tumatawag si Gwen!
I cleared my throat before answering the phonecall.
"This is gorgeos Jasmin! My Sister-in-law how may I help you?" Masiglang bati ko with my signiture famous line.
"Do you really like my brother?" She asked. Tong babaeng to paulit-ulit talaga?
"Oh paulit-ulit Gwen? Tinanong mo naman yan sa Hospital diba? Pero dahil tinanong mo ulit..It's a no for that! I don't like your brother!" Masiglang sabi ko. Hindi ko naman gusto ang kuya niya, duh? Hulog na hulog ako sa kuya niya...far from like na itong nararamdaman ko. "Dahil mahal ko ang kuya mo! Magka-iba ang like at love!" Sigaw ko.
"fine." Oh em gee...I can sense that she's rolling her eyes.
"Bakit mo naisipang itanong yan?" Tanong ko.
"Naniniguro lang basta pumunta ka nalang dito sa bahay." Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil natatawa ako. Hindi pa pala alam ni Gwen na nandito ako sa labas ng pintuan nila. Oh emm gee! I'm excited at her reaction!
"Mhhhh about that nasa harap na pala ako ng pintuan niyo hehehehe. Tatawagan sana kita kaso nauna kanang tumawag." Agad naputol ang tawag at agad nalang bumukas ang pintuan.
"Papapasukin mo ba ako?" Tanong ko at napairap naman siya.
"Kahit naman hindi kita payagang pumasok papasok ka parin..." Totoo naman na kahit hindi niya ako papasukin papasok parin ako. Duh? No one can take away my Xander.
"I have manners too..duh?"
"Ewan ko sa iyo, pasok na."
"Bakit mo pala ako pinapapunta rito?" Tanong ko. Oo nga...hindi naman ito basta-bastang nag-i-invite ng bwisita.
"My brother is sick," sagot niya at tumalikod siya papunta sa living room. Agad akong kinabahan at agad na umakyat sa hagdanan nila. Agad kong hinanap ang kwarto ni Xander at pumasok roon.
Then I saw him lying in his bed..shivering at balot na balot ang katawan niya ng makapal na comforter.
Biglang lumambot ang puso ko. Seeing him like thatㅡparang nanghihina rin ako. Ano pa bang magagawa? Natamaan na eh.
Linapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama niya.
Nakapikit siya and he looks like an angel.....napabuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
Love.That One Word.
RandomAno nga ba ang Love? Ano ba para sa iyo ang salitang pag-ibig? Different people with different meanings of love There are people who don't believe in love and others cherish it. What if destiny plans to cross their fates? Meeting up with each other...