Jenica's POV
Gabi na pero paulit-ulit ko paring pinapanuod tong video na kinuhanan ko kanina sa mall. Pero sorry siya, may crush nang iba si Grey at hindi ko alam ng pangalan ng babaeng iyon. Ang sabi ni Greg kababata niya yun kababata nila ni Greg hindi ko kilala kasi sa states ang childhood ko. Well, kinuha ako ni daddy noon eh mga 10 years old ako nung i-uwi ako ni daddy dito sa Pilipinas.
Doon ko rin nakilala si EG sa States. Lagi akong binubuly noon sa paaralan namin at si EG ang palaging nagtatanggol sakin kaya naging mag best friend at partner in crime kami.
Pero ngayon nandito na siya sa Pilipinas! Ano na kaya ang itsura niya?
"Ica may bisita ka!!" Sigaw ni Greg. Napa-isip ako. Sino naman kaya yun? Siguro ang barkada. Sila lang naman ang inaasahan kong bisita eh. Pumunta ako sa pintuan.
May isang babae nasa labas ng pintuan. Nakikita na ang pusod niya, sobrang ikli ng shorts niya, matangkad, maputi, curly hair. Teka nga sino ba siya?
Sino siya?
"Hey! JN it's me!" Sabi niya at niyakap ako. Kung ganun siya na si EG? Parang hindi siya si EG na kababata ko, hindi siya ganun manamit.....kahit nakatira kami sa states dalagang pilipina siya....hindi ganito.
"EG? Is that really you?" Tanong ko. Hindi talaga ako makapaniwala.
"Hay nako JN! Ako to, marami ba talagang nagbago? Pati ikaw rin ehh. Wala na yung makakapal at malalaki mong salamin.."
"Nanlait ka pa talaga ahhh."
"Well just stating the fact..."
"Nga pala, tara may pupuntahan tayo...." Dagdag niya.
"Saan naman? Gabi na rin ehhhh."
"Nako kung alam mo lang sa states...so tayo na?"
"Wait magpapaalam lang ako at magbibihis narin....."
"Wear something hot and cool, okay?"
"Bakit naman?"
"Para bagay sa pupuntahan natin."
"Ganun? Saan ba talaga tayo pupunta?"
"Haist...magbihis kana lang kaya..."
"Okay...."
Nakapagpaalam na ako kina Mommy at nakapagbihis narin naman ako. Crop top and skirt ang suot ko.
"Good! Hanep suot mo ah! Bagay na bagay!"
"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko habang pasakay na kami sa kotse niya. Curious lang.
"Somewhere wild....." Sagot niya at pinatakbo na ang kotse. Agad akong napakapit. Grabe! Sana buhay pa kaming makarating sa pupuntahan namin.
MALAKAS na tugtugan.
Ibat-iba ang kulay ng ilaw.
Amoy sigarilyo.
Amoy alak.
Mga taong nagtatalunan sa sayawan.
Mga taong may kahalikan.
This is the place they called bar.
"EG umuwi na tayo..."
"ANO JN?! DI KITA MARINIG!!!!" Sigaw niya. Malakas kasi ang music dito at sumasabay pa tong kabog ng puso ko. Kinakabahan talaga ako at hindi ko alam kung bakit.
"ANG SABI KO UWI NA TAYO!!!"
"WHAT?! ANG AGA PA! TARA PUNTA NALANG TAYO SA COUNTER!!!" Sigaw niya sabay hila sa akin.
BINABASA MO ANG
Love.That One Word.
De TodoAno nga ba ang Love? Ano ba para sa iyo ang salitang pag-ibig? Different people with different meanings of love There are people who don't believe in love and others cherish it. What if destiny plans to cross their fates? Meeting up with each other...