Yieeer! Another update again! Paalala ulit hindi ito edited kaya paniguradong maraming errors haha. Stay safe! And sana na enjoy lahat ng mga naligaw dito😻
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Iniwan na namin si Krystal doon. Nauuna akong naglalakad kaysa kay Zach but he's just behind me.
Yung totoo, kanina ko pa iniiba ang usapan namin. I just can't answer his confession lalo na't naaalala ko na ang lahat that I used to be a spy before. Na isa ako sa naging daan sa mga plano ng Roosevelt clan. Guilty ako at feeling ko hindi ko siya deserve but I love him.
Ang gulo lang talaga ng mundo at napakaliit. Hindi ko akalain na kunektado lahat ng buhay namin. Kahit na sabihin ko man na past is past ay hindi naman ako makalimot. My ate died because of me, I should have prevented the death of Zach's mother and the accident of Mondozas.
Ang daming bakit. Bakit nangyari sa amin lahat ng iyon?
"Ang lalim ng iniisip mo..." Tumingin ako kay Zach na nasa tabi ko na pala pero agad rin akong tumingin sa harap. Patuloy parin kami sa paglalakad, but then I felt his hands on my shoulder at ipinaharap niya ako sa kanya. "Meron bang nanggugulo sa iyon? Pwede mo namang sabihin sa akin para matulungan kita."
Huminga muna ako ng malalim bago ko siya tinitigan sa mata. His eyes. Nag-aalala siya sa akin. Mahal ko rin siya but I can't let myself, hindi ko deserveㅡhindi ko siya deserve.
"Do you remember the first time we met?" I ask. Tumango naman siya at ngumiti.
"Why would I forget that? Nang marinig ko noon ang sigaw mo ay tumakbo ako sa iyo dahil sa wakas may kapwa na akong Pilipino doon dahil hindi talaga ako marunong magkorean pero noong nakita ko ang mukha mo ay napatulala ako kasi sobrang amo ng mukha mo at sobrang ganda mo...."
Kahit na gusto kong ngumiti sa mga sinabi niya ay pinanatili kong seryoso ang mukha ko. "I'm a spy before Zach, minamatyagan ko ang mga galaw niyo noon, I am involved to Roosevelt clan before."
Pinanood ko ang reaksyon niya pero hindi ito nagbago. Nakangiti parin siya habang nakatingin sa akin. Kinunutan ko siya ng noo, "Hindi mo ba gets? Involved ako sa Roosevelt clan...."
Pero wala parinㅡinstead, ginulo niya ang buhok ko. Porket matangkad siya eh no.
"And your brother told me that you risk everything just to come and warn me." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Yan ba ang gumugulo sa isip mo?" Tumango ako bilang sagot. Inilapit naman niya ang mukha niya na ikinamula ng pisngi ko. Seryoso ba siyang hindi niya ako nilalandi? Seryosong usapan kaya ito....
"Ito nalang isipin mo, parehas tayong nawalan sa araw na iyon. There is no one to be blame, and we both deserve to be happy. Tapos na iyon Rachelle at tayo ang ngayon." Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay. "We can look back to our past but we shouldn't live with that, we should walk forward kasi there's a future who awaits us..."
Tinanggal ko ang kamay siya sa pisngi ko kasi ang init na ng pisngi ko eh.
"At ano naman iyon aber? Future future, tsk dami mong alam."
Sungit mode teh?
Hindi pa kasi aminin, todo kilig ka gurl.
"Yung future na tayo, you and me..." At saka kinindatan ako ng shokoy. I acted like nandidiri ako sa sinabi niya pero sa loob loob ko ay nagwawala ang puso ko.
"Alam mo may pa - pick up ka talaga everytime eh ano?"
"Bakit hindi mo pa kasi aminin na mahal mo rin ako? Obvious naman eh." Saka parang nagpacute pa ito.
Lakas makabangko itong lalaking to ah. Mas gusto ko pa yung bad boy mood niya kaysa sa ganitong sobrang nagpapacute siya at palaging may pangromansa. Kasi yung puso baka hindi ko mapigilan.
Eh ano namang masama?
Mahal ka niya, mahal mo siyaㅡboom bakit hindi pwede?
Hindi ko rin alam o sadyang pabebe lang talaga ako kasi gusto ko rin naman siyang pahirapan na makuha ang matamis kong oo noh. I will have my sweet revenge sa pagiging slave niya ako noon. Naalala ko na naman yung mga Jonggo Vs Leezard na mga talunan namin.
We used to fight everything before and look at us now? Imagine na may past rin kami?
Tumawa ng malademonyo ang utak ko.
It's payback time.
Siya naman ang under sa akin.
I smirk at him. "Gusto mo ba talagang makuha sagot ko?"
"I don't like the smirk on your face but to answer your question, yes. Gustong-gusto kong makuha ang sagot mo."
"Then ligawan mo ako and of course aalipinin rin kita on the process..." saka ko siya nginitian ng napakalaki. Pinikit pikit ko rin ang mata ko na waring inaasar ko siya.
Ano ka ngayon Mister bad boy prince? Napatawa ako sa isip ko.
"Then I'll gladly court you kahit alipinin mo ako kung ikaw naman ang makukuha kong kapalit ng mga paghihirap koㅡwhy not?" At nginitian niya ako. "Naghihiganti ka ba saakin?" Tumawa ito. "Okay lang, at least palagi akong may rason para guluhin kita at kausapin. So master, anong gusto niyong gawin ko ngayon? Gusto mo ba ng yakap o kiss sa lips?" Tanong nito kasabay ng pagtaas baba ng kilay niya. Itinulak ko ang mukha niya. Narinig ko naman siyang tumawa.
"Master pagod ka na ba?"
Kahit naguguluhan ako ay sinagot ko siya ng bakit.
"Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isip ko ehㅡboom!"
Tinawanan ko siya. "Ang effort mo ah?"
"Siyempre...mahal kita eh." At kinindatan pa ako.
Waaaaaaaaaah bring back my bad boy prince! Hindi ako sanay na kalandian ng Zachary na ito!!!
"Yieeee, kinikilig na iyan." Then he poke me in my waist, lumayo naman ako ng kaunti kasi may kiliti talaga ako kahit konti lang. Naalala ko nanaman yung mga pangyayari sa kwarto niya noon.
"Ay master! Bago ko pala makalimutan, magpopropose si Rence mamaya kay Jenicaㅡand we need to be there. Sana rin pala kasal na agad ang sinabi ko sa'yo noh? Para wala ka nang kawala."
"At saan mo nakuha yang confident mong sasagutin kita ah?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. I hold my breath.
"Kasi kung hindi kita makukuha sa salita't gawaㅡkukunin kita sa dahas na paraan." He smirk at inilayo na niya ang mukha niya sa akin. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. "Tsaka ramdam ko naman na mahal mo ako, kahit maghintay pa ako kaya ko naman kasi alam kong may aasahan akong magandang sagot sa'yo." Kinuha niya ang kamay ko, pilit kong kinuha pero ayaw na niyang bitawan.
"Bitaw." Umiling - iling naman ito.
"No master, special service ko to."
"Bitaw na sabi, hindi pa kita sinasagot ah."
Umiling parin ito. "Wala nang oras, kailangan na nating tumulong doon."
Hinayaan ko nalang siya. Tae gusto ko naman eh, pero bakit parang ako yung under?! Siya kaya iyong slave ko ngayon. Napasimangot ako habang nakasunod sa kanya, yung mukha niya kala mo nanalo sa lotto sa sobrang liwanag nito. Palihim akong ngumiti sa nasaksihan.
Papahirapan muna kita ng konti my bad boy prince. Then I'll give my yes wholeheartedly. Kasi mahal naman talaga kita eh.
BINABASA MO ANG
Love.That One Word.
De TodoAno nga ba ang Love? Ano ba para sa iyo ang salitang pag-ibig? Different people with different meanings of love There are people who don't believe in love and others cherish it. What if destiny plans to cross their fates? Meeting up with each other...