Chapter 48-Jessica

19 1 0
                                    

"We all have done something in the past that we are ashamed of. We all make mistakes but we can redeem ourselves if we try to learn from those mistakes."ㅡ365 Days of Feels by NORINGAI.

×××××

Gaya nga ng sabi asungot na iyon ay nagpunta ako dito sa may greenhouse. Excited akong makita siya pero after waiting here for like 8 minutes ay naaasar na ako.

Hindi kaya pinagtritripan na naman ako ng Hunter na iyon?

Ay bakit ko ba kasi nakalimutan na galit parin ito sa akin. Umasa na naman kasi ako. Kasalanan ko rin lang naman eh. Iniwan ko siya noon at sinabi ko noong hindi ko na siya deserved kasi hindi yun ang dapat sa mga nang-iiwan.

Kinakain ko na lahat ng iyon. Pwede naman sigurong may second chance diba?

Biglang nagdilim ang paningin koㅡmay tumatakip sa mga mata ko.

Nagkaroon ako ng panic attack. Baka yung mga kidnappers na naman iyon!

Ginawa ko yung mga natutunan kong mga self-defence attack.

Napahiga ang lalaki na hawak-hawak nito ang mukha. Namukhaan ko agad ang lalaki!

"Araaaaaaay."

Si Hunter!

Agad ko siyang dinaluhan. "Hunter sorry! Hindi ko sinasadya. Nagpanic kasi ako. Akala ko kidnapperㅡladynapper na naman. Alam mo naman kasing natrauma na ako sa mga ganun-ganun." Napatigil ako at tumingin kay Hunter. "Teka nga. Bakit mo pala iyon ginawang asungot ka? Gusto mo ba akong mapatay sa takot?"

Tumayo si Jessica at tumalikod kay Hunter. "I know I've done painful to you pero sana wag ka ng gumanti. Alam mo bang sobrang kaba ko nung dumilim yung paningin ko? Akala ko mauulit muli yung mga nangyari sa amin. Akala ko maㅡ" Napatigil ako dahil naramdaman ko ang yakap ni Hunter sa likod ko.

Bigla naman akong napakalma.....and I feel safeㅡsafe inside his arms.

"I'm sorry nagulat kita. It is not that gusto kong gumanti. Gusto lang naman kitang sorpresahin." Mas humigpit ang pagkakayakap nito sa akin.

"Pero diba nga kinamumuhian mo ako dahil sa ginawa ko noon? Bakit nagbago ata?"

"I was blinded by hatred before. Syempre sobrang mahal kita noon tapos bigla mo nalang akong iniwanㅡsino bang hindi magagalit? Nang makita kitang muli ay sinabi ko sa sarili ko na maghihiganti ako but I have eaten my words. Noong nawala kayo ng mga kaibigan mo sobrang nag-alala ako. Biglang nawala yung galit ko kasi narealized ko na hindi ko kakayanin kapag nawala ka."

Hinarap ko si Hunter. I too can't hold back. Naluha ako. Mahal na mahal ko si Hunter. In the first place naman hindi ko naman sinadyang iwanan siya. But I am so happy today.

"Thank you." Ani ko. Umiling ito.

"No. Thank you. Thank you for coming back. Kung aalis ka man ulit hahabulin na kita at hindi na kita papakawalan." Then I felt his lips on mine. Napapikit ako at buong pusong tinanggap at tumugon sa halik nito.

God, I miss this.

Humiwalay na siya sa halik. Napakagat labi ako.

"Late na tayo."

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Saan?"

"The reason why I'm late."

"Ano iyon?"

Kinindatan niya ako. "Basta. Big day ito ng isang barkada namin at saka sa isang barkada niyo."

"Pwede bang pakisabi nalang?" Paglalambing ko.

"No to spoiler baby."

"Hmmmpt."

"Malalaman mo rin mamaya. Pero Jess, I just need to ask you something before we go."

"Oh ano yun?" May tampong tanong ko.

"Tayo na ba ulit?" At saka ito ngumiti na para bang nagpapacute.

"Gago may naghalikan bang hindi magjowa?!"

"So tayo na nga?"

"Tsk ang slow mo rin no? Diyan ka na nga!"

At nagwalk out na ako.

Hinabol naman niya ako at pinigilan sa may braso.

"Sorry naman baby, naninigurado lang naman ako. I love you."

"Tsk, I love you to gago."

Napatawa ito. "So tayo na?"

"Okay fine. Let's go kung anoman iyon."

Kinuha niya ang kamay ko at sabay na kaming naglakad.

Shet HHWW ang peg namin! Namiss ko ito!

●●●●●

So guys ito yung special chapter ni Jessica sa Foundation. Bale sunod-sunod na ito. So thank you nga po pala sa mga naligaw!(kaway-kaway)
Sorry sa slow update kasi hindi naman po ako full time writer hahaha studyante po ako😢 so ayun nga hindi po ito edited kaya maraming errors diyan.

So ayun nga! Ano kaya yung pupuntahan nila?

Sino kayang characters ang susunod na may special chapter?

Stay tuned!😜😄

Love.That One Word.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon