Rachelle's POV
Sabihin niyo na panaginip lang ang lahat. Hindi ako makapaniwala na may nakikita ako ngayong puting kabaong dito sa bahay nila. Hindi ako makapaniwalang wala na siya.
My bestfriend. Hindi pa ako nakakabawi iniwan mo na ako. Hindi man lang tayo nakapagbonding kahit papaano.
Napahagulgol ako. Paglabas na paglabas ko sa hospital ay ito ang ibinalita nina Kuya. Actually sabi ni Kuya ay noong kalalabas ko raw sa operation room ay yun rin ang oras na nawala na siya.
Hindi ako makapaniwala na inilihim nila na wala na siya noong nasa hospital pa ako.
Lumapit ako sa kabaong kahit na nahihirapan parin akong maglakad.
I saw how peaceful she is. Napayuko ako and hug the white coffin.
"Ang daya mo! Ang daya mo!" Iyak ko. May humahaplos sa likod ko. Si Gwen. Mas lalo kong inilabas ang nararamdaman ko.
Naalala ko yung kwento ng mama ni Krystal.
She donated her heart to Krystal para mabuhay si Krystal. Kahit na alam na niyang mawawala na siya ay napakaselfless parin niya. I thank her for giving Krystal a chance to live. Krystal is now stable pero naroon parin siya sa hospital.
"Tahan na Rachelle, malulungkot rin si Bea pag nakita ka niyang ganyan." Pangcocomfort ni Gwen.
Naramdaman kong may tumabi sa akin. Tinignan ko kung sino at si Brake iyon. Alam ko mas masakit sa kanya ito but he's so calm pero ang mata niya ay walang buhay. I hugged Brake at naramdaman kong nagtaas baba na ang balikat nito. Umiiyak na siya.
Yumakap na rin siya pabalik sa akin at ako naman ay hinahaplos ang likod nito.
"Shhhhhh masakit pero kailangan nating tanggapin." Narinig kong sabi niya. Napatango ako habang umiiyak.
"Alam ko pero ayun nga masakit." Bumitaw na ako sa yakap at hinarap siya. Pinunasan ko yung mga luha niya.
"Sana lang don't close your heart." Sabi ko sa kanya. He shrugged.
"Hindi ko alam kung magmamahal pa ako."
Nginitian ko siya, "kaya natin to." Sabi ko at yinakap ko siya ulit while siya naman ay tinatapik niya ang balikat ko.
"Huy kayong dalawa baka biglang babangon si Bea sa kalandian niyo." Ani ni Jeoana. Babatukan na sana ito ni Gwen pero agad itong pinigilan ni Jeoana, "ooooops! Preno besh damage ang spinal cord ko." Then tumingin siya sa kabaong ni Bea.
"Huy Bea multuhin mo tong si Gwen ah?" Sabi pa nito babatukan na sana ulit ito ni Gwen pero nagpaused lang ito sa ere.
"Humanda ka pag magaling ka na!" Sabi nito pero binelatan lang siya ni Jeoana. Pero inalalayan ni Gwen si Jeoana papunta sa upuan nito. Eeeeeyks cold but sweet.
"Aalalayan na kita papunta sa upuan mo." Sabi ni Brake. Tumango ako.
Nagflashback sa akin yung mga nangyari sa amin. Well I hope tapos na ang lahat. Pinatawad na rin namin si Kris at okay narin ito matapos ang natamo nitong pinsala. Si Kuya Leo naman ay nasa hospital at nasa coma state. Dahil sa pagbaril niya sa direksyon ni Gwen sa oras na iyon ay walang nagawa ang SWAT kundi paputukan rin siya.
Umupo na ako at katabi ko si Madelyn na may benda sa braso nito. She gave me a look na nakikiramay siya. I nod at her.
"Kaz halika dito!" Aya ni Jessica kay Kaz dito sa direksyon namin. Nagtataka man si Kaz ay pumunta parin ito rito.
"Bakit?" Tanong nito.
"May gagawin akong ritwal para maging official member ka na ng barkada namin." Sabi nito. Nagliwanag ang mukha ni Kaz.
BINABASA MO ANG
Love.That One Word.
RandomAno nga ba ang Love? Ano ba para sa iyo ang salitang pag-ibig? Different people with different meanings of love There are people who don't believe in love and others cherish it. What if destiny plans to cross their fates? Meeting up with each other...