LTOW Chapter 33- With him part 6

128 7 0
                                    

"Hindi mo madidiktahan ang puso na magmahal o tumigil magmahal. Hindi mo siya mapipilit na umibig sa iyo at hindi mo rin mapipilit ang sarili mong kalimutan siya."ㅡ365 days of feels by NORINGAI

*Gwen POV*

Tinapunan ko ng masamang tingin ang pintuan papunta sa walk-in closet ko. Si kuya kasi nasa loob na naman siya ng walk-in closet ko at uma-aura na naman.

Sinundan ko siya sa loob at nadatnan ko siyang naka suot ng white wig na hanggang bewang niya at suot niya ang paborito kong cosplay costume. Ang custome ni Moka Akashiya.

Agad nagsalubong ang kilay ko. Walang ibang gagalaw sa cosplay costume ko na iyon! Dahil favourite anime character ko siya. I like her kasi ang supercool niya! First anime girl na nagustuhan ko ng sobra-sobra! Isa siyang royalty. SSS vampire siya at siya ang pinakamalakas. At saka coinsidence rin na magka-apelido kami!

"Kuyaaaaaaaaa!" I roared at nabitawan naman nito ang cellpho'ng hawak niya. Aba naman! Nagseselfie pa ata! Galing!

"Kuya bakit mo suot ang costume kong iyan! Alam mo namang paborito ko iyan diba?" Sigaw ko sa mukha niya.

"Ano ba naman bhebs! Ang paborito mo paborito ko narin!" Sagot niya.

Hay nako wala na talagang pag-asang magbago ang kuya ko. Kawawang Jasmin.

"Kuya naman magbago ka na kawawa si Jasmin pinapaasa mo!"

Umirap naman siya. Hay nako manang-mana talaga ako sa kanya-_-

"Hindi ko siya pinapaasa, siya ang may gusto nito hindi ako. Nevah ako papatul sa isang girlalooo!!!!" Sigaw niya, napatapik nalang ako sa noo ko.

"Oh siya sige basta hubad na! Yung costume ko!" Napangisi naman siya. Ano bang trip neto?

"Sige maghuhubad ako dito sa harap mo para makita mo ang tinatago ko like mo baby sister? My innocent sister?" Pilyong sabi niya at eto pa pinalalaki niya yung boses niya! Hot ng kuya ko^.^ May 8 pack abs pa siya!

"Sige aalis ako dito basta please lang kuya pakibalik ng maayos kundi malilintikan ka talaga sa akin!" Pagkatapos kong sabihin iyon lumabas na ako sa walk-in closet ko.

Sa panahon ngayon kung sino pa yung mga yummy papa ay siyang bumabaliktad.

Kaya beware sa mga gwapo.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng kama ko kaya kinuha ko ito.

Sino naman kaya itong nag-text?

Galing kay Besssss pala.

Eh sino paba? Edi si Jasper.

Ano kayang agenda nito? Binasa ko yung message niya.

From: Besssss

Gwen kailan ba uwi ni Ellaine?

Napa-irap ako sa message niya. Walanghiya talaga tong lalaking to noh? Wala ba sa vocabulary niya ang salitang awkward? Ex niya ako tapos sa akin siya nagpapatulong...porket nagka-ayos na kami?

Oo nga pala nakalimutan kong friends na pala kami ng ahasㅡeste ng lalaking iyon. No hard feelings diba? Diba nakamove-on na ako?

"Hey sis sino ba yang katext mo? Kanina ka pa tulala sa cellphone mo." Narinig kong boses ni kuya sa likod ko kaya naman hinarap ko siya.

"Wala kuya may nagtext lang na abnormal. Umalis ka na dito sa kwarto ko."

"Sige pero pwedeng humingi ng pabor?" Tanong niya.

"Ano naman yun?" Balik na tanong ko.

"Pwede bang ikaw muna ang bibili ng ipinapabili ni Mommy? Ingridients ng carbonara..bigla kasing naging masama ang pakiramdam ko eh."

Love.That One Word.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon