Gwen's POV
Hindi pa din matanggal sa isip ko yung mga iniisip at tanong ko kagabi at hanggang ngayon nga nasa isip ko parin.
Bakit ginagawa to ni Mark?
Dahil ba sa kapatid niya?
Dahil naaawa siya?
O dahil mahal niya ako?
Oo assuming na kung assuming pero kasi kagabi! Yung titig niya sakin at hindi ako manhid!
Kailangan ko na siguro siyang iwasan...ayokong makasakit ng tao. Kung mahal niya man ako hindi ko iyon masusuklian. I'm still stuck in the past. Yeahㅡstill Jasper in my heart.
Napabuntong hininga akoㅡas if babalik si Jasper.
Then suddenly I heard a knock on my door..napatigil tuloy ako sa pagmo-monologue.
"Bunso ready ka na? Tayo na sa academy."
"Ready na kuya saglit na lang."
"Geh hihintayin nalang kita sa baba." Tumingin muna ako sa salaminㅡokay Gwen, act normal okay? Wag mong pahahalata na na-iilang ka sa kanya. Then I faked smile at the mirror. Good kaya ko to!
~♧~
Andito kami ngayon sa Rooftopㅡang tambayan namin, lunch break na kasi.
"Uyyy mamayang gabi na ang concert ng EXO heto nga pala yung ticket niyo. VIP yan ahhh, sorry ngayon ko lang naibigay last week pa yan sana ehh." Ani ni Jasmin sabay bigay ng mga ticket. Tumango nalang ako except kay Rachelle.
"Girls sorry hindi ako makakapunta." Malungkot na sabi ni Rachelle. Takang napatingin ako sa kanya. Bakit na man siya hindi makakapunta? Kung ganun hindi niya makikita si Kai...siya kasi ang bias niya ehh. Ang bias ko kasi sa EXO ay si Baekhyun^.^
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Ehh kasi lumipat na kami sa mansion ni Lolo. Strikto kaya siya at hindi ako makakapunta dahil may lakad kami ng pinsan ko matagal na rin kasi akong hindi nakakapunta kaya hindi ko inayawan. Pa-cheer nalang sa asawa ko."
"Mukang hindi rin yata ako makakapunta." Malungkot na pahayag rin ni Jeoana.
"Uyyy bakit naman? Sayang oh libre pa." Ani naman ni Maejoy.
"Pssh sipsip...pero diba nga kasi kasal na ako at nakatira na kami ngayon sa iisang bahay." Pag-amin niya at lahat kami gulat. Ano yun agad-agad? Walang wedding ceremony?
"As in?! Bakit hindi mo pinaalam samin para nakadalo kami at diba sabi mo noon samin na next week pa! bakit napadali yata?!" Hysterical na sigaw ni Jasmin.
Napairap si Jeoana, "Ehh kagabi lang kasi. Tsaka hindi naman namin ginawa yung actual ceremony pumirma na lang kami sa marriage contract."
"Ahhhㅡehh anong pangalan ng asawa mo?" Rachelle asked. Napabusangot naman si Jeoanaㅡparang hindi niya gustong sabihin.
"Ehh kasi si....si.." Na-iilang na sabi niya pero hindi natuloy kasi biglang sumingit si Jas. "So it means kilala namin noh? Uyyy sino! Don't tell me yung pinakapanget na boy dito sa Love University? O kaya buong Love Academy?!" Napairap nalang si Jeoana sa tinuran ni Jasmin.
"Patapusin mo na lang sana Jasmin no." Sarcastic na sabi ni Jenica, napa-irap naman si Jasmin. "Ay nagsalita yung pipi." Sumbat niya kay Jenica, si Jenica naman napa-irap din. Silent type si Jenica pero noong nakasama niya kami parang nag-upgrade naman yung self-confidence niya.
BINABASA MO ANG
Love.That One Word.
De TodoAno nga ba ang Love? Ano ba para sa iyo ang salitang pag-ibig? Different people with different meanings of love There are people who don't believe in love and others cherish it. What if destiny plans to cross their fates? Meeting up with each other...