Chapter 43-Finding Them

29 6 0
                                    

Third Person's POV

Nakatanggap ng mensahe si Zach galing sa kapatid niyang si Jessica.

Zach alam na namin kung sino ang gumagawa ng lahat ng ito. It's Doctor Leo at kasama nito si Kristoff. Mag-ingat kayo Zach and wag na wag kayong susuko na hanapin kami.

Tinakbo niya si Ryle at sinabi ang nalaman. Nakipagtulungan narin ang pulisya sa kanila.

Paglipas ng isang oras ay nakakuha nanaman siya ng mensahe galing kay Jessica.

Zach hanapin mo ang sasakyan ko. Track my car, may tracking device yung sasakyan ko. FlareAudi. Mag-ingat ka Zach dahil it's either may nakabantay parin doon or sinira na nila ang sasakyan ko. Pero just try. I composed this message this noon and sent it after an hour. So kung nakuha muna ito ay nakuha na kami o kung ano pa man. Baka sira narin ang cellphone ko so you won't able to track that. So Zach mag-ingat ka.

He stood up dahil kailangan niya talagang hanapin ang sasakyan ni Jessica baka maging lead ito para mahanap na sila.

"Saan ka pupunta?" Xander asked to him.

"I have lead." Sagot naman ni Zach.

"Let's tell to the authority." Ani naman ni Grey.

Umiling si Zach. "Hindi pa I'll tell to them pag nakumpirma ko na and besides mas madali kung marami tayong umaaksyon. I can't just sit here doing nothing. My sister, cousin and my love are out there."

"Then we have no choice too Zach. Sasama kami sa iyo. It's better kung tayong tatlo nalang." Xander said. Sumangayon naman si Grey by nodding his head.

"Fine." Then they all go out at pumasok sa iisang sasakyan which is Zach's car.

....
HINDI mapakali ang lahat ng tao sa loob ng silid. They all failed, hindi nila nagawang mahanap ang kanilang mga mahal. But Zach, Xander and Grey are no where to be found dahil may pupuntahan raw sila. Pero kanina pa sila at ngayon ay hapon na.

Nanghihinang napaupo si Jenica. They got all her friends at hindi niya yata kayang mawala ang mga ito. Because of them she became brave, she became the best of her and see the other face of the world. She started crying. Hindi niya kaya.

Napahawak siya sa ulo niya dahil parang bigla siyang nahilo pero kasabay nun ay ang pagsakit rin ng puson niya. She think na siguro malapit na siyang magregla.

Alam na nila kung sino ang may pakana ng lahat at gulat na gulat si Kuya Ryle ng malaman niya iyon. Dahil daw kilala niya ang taong iyon. Hindi rin makapaniwala si Jenica ng malaman niyang kasangkot rin si Kristoff.

Tumayo siya at pinuntahan si Ryle na tumutulong na sundan ang sasakyan na kinalalagyan nina Krystal. There are cctv at sinusundan nila ito habang nakatutok sa monitor. Tumutulong na rin ang mga pulis para mahanap ang mga kaibigan niya pero hindi parin siya panatag.

"Wala ng cctv sa parteng pinuntahan ng van kaya nagpadala ako ng mga tao ko para puntahan ang ibat-ibang parte ng lugar na iyan. Sa oras na ito mahihirapan na tayo dahil kanina pang umaga nangyari ang insidente at hapon na pero gagawin namin ang lahat." Sabi ni Police Chief. Seryosong tumango si Ryle.

"Saan ba nagpunta sina Zach?" Tanong ni Ryle kay Jenica. But she just shrugged. Hindi rin niya alam.

...
SA KABIlang banda the three track Jessica's car. Pero may problema. There are men with firearms ang nakabantay sa paligid and others are playing cards.

Nagtinginan ang tatlo like they are communicating through there eyes. Hindi naman kaso kung labanan because they all know martial arts ang kaso lang ang kalaban nila ay mga baril. They really need a good plan.

....
PAGABI NA. Gising na lahat ng bihag. Nawala na yung bisa ng droga na dahilan ng pagkawala ng malay ng iba nilang kasama. At dahil wala na ang mga piring nila ay they can see how hopeless they are all.

"Gising na lahat boss!" Sigaw ng isang lalaki na mukhang butiki. Pinalapit ni Leo ang mga tauhan niya at may inutos.

Kumuha sila ng isa-isang bakal na tubo at pumwesto sa bawat harap ng bihag.

Kitang-kita ang ang takot sa mata ng bawat isa.

"Simulan niyo na!" Sigaw ni Leo at sinunod naman ito ng mga tauhan niya.

Daing. Iyak. Mga ungol. Pagmamakaawa. Ang tanging naririnig sa buong bodega.

Nagkulay dugo narin halos lahat ng mga damit nila at kitang-kita sa mga mata nila ang sakit at kawalan ng pag-asa. Meron naring sumusuko.

Natigilan si Kristoff. Hindi niya pala kaya. Hindi niya kayang nakikita ang mga ito na nahihirapan. Nabulag siya sa galit pero ang marinig ang paghihirap at mga daing niya ay hindi niya kaya.

Mamaya, mamaya itatakas niya ang mga ito.

...
PAGABI na pero nandoon parin sina Zach nakabantay.

"Zach mukhang papunta na sila sa loob." Sabi ni Xander. Oo nga't papunta na sila at kung ganun may pagkakataon silang kunin yung kotse ni Jessica.

Nagtataka parin si Zach kung anong meron sa sasakyan ni Jessica pero kung iyon lang ang way na mahanap ang mga ito ay kukunin nila ito.

Nakapasok na lahat ng bantay sa loob ng abandonadong building.

Todo ingat namang linapitan ng tatlo ang sasakyan at pasimpleng pumasok ang tatlo sa loob nito.

Binuhay ni Zach ang makina na nakaagaw pansin sa mga bantay na pumasok sa loob. Dali-daling pinaharurot ni Zach ang sasakyan. Merong nagpaputok ng baril pero sa awa ng diyos hindi sila nito tinamaan.
He drove as fast as he can. Nang mapansin nilang malayo-layo na sila at wala ng sumusunod ay inihinto na niya ang sasakyan.

Napansin ni Zach ang post it note sa may manibela.

"Pull the steering wheel and type michinoflare and click location?" Patanong na basa niya sa nakasulat. Kahit na nagtataka parin siya ay sinunod niya ang nakasulat. He pulled the steering wheel at gulat ang tatlo sa sumunod na mga nangyari.

May lumitaw nalang na keyboard sa harap niya at yung windshield ay parang naging transparent monitor at may lumitaw na salita na PASSWORD. Yung mga bintana rin ng kotse sa gilid at sa likod biglang naging itim ang kulay at tanging sa harap nalang ang pinanggagalingan ng ilaw.

"Wow! Agent ba si Jessica? Parang napapanood ko lang ang mga ito sa movies ah." Komento ni Xander but the two ignore him.

Zach typed the password at parang ordinary na computer ang naging labas nito. At gaya ng sinulat ni Jess pinindot niya ang location.

Lumitaw ang mapa sa monitor.

"So tayo yung red na arrow at si Jess yung red na dot?" Tanong ni Xander. Tumango ang dalawa.

"Gray copy the adress and send it to kuya Ryle. Sabihin mo ring makikita nalang tayong lahat doon." Utos ni Zach kay Gray at hindi ito tinanggian ni Gray. He immediately copy and send the adress to Ryle.

"Xander take a picture dahil iyon ang susundin natin. Hindi naman natin alam kalikutin tung errrrm'computer ni Ate." Utos naman niya kay Xander. Xander took a photo and gave to Zach. Inilagay ni Zach ang cellphone ni Zach sa phoneholder ng kotse.

Zach pushed the steering wheel at bumalik na ang lahat sa dati. Hanggang ngayon nagtataka parin siya. Parang hindi niya kilala ang ate niya, how come na meron ganun ang kotse niya?

Pero hindi iyon ang dapat isipin niya sa oras na iyon kundi puntahan kung nasaan ang mga mahal nila sa buhay.

The note:

Sabaw diba? Lol😂😂😂😂

Thank you for reading! Kung meron man lol😂😉😂

Love.That One Word.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon