Third Person's POV
Sa isang sekretong bahagi ng paaralan may isang lalaki at babae na nagbabangayan.
"Paano?! Kailan?! Sumagot ka!" Sigaw ng dalaga sa binata.
"Eeeeh? Kailangan ko ba talagang sabihin lahat?" Tanong ng binata habang kinakamot ang likod ng leeg niya.
"Syempre..."
"Aiiist! Plinano ko lahat. First time I saw her hindi ako makapiwala pero dahil kamukhang-kamukha niya si Kee. I researched about her and booom! She's Kee." Paliwanag nito.
"I'm happy that you found her pero she can't remember us." Malungkot na sabi ng dalaga.
"Yeah.."
"Basta dongseng babalaan kita ha, pag ikaw nasaktan uupakan talaga kita."
"Geh noona.." Pagsang-ayon ng binata habang nakayukong tinitignan ang nasa palad niya, isang kwintas na kalahating puso.
"Tayo na...baka hinahanap na tayo doon."
Madelyn's POV
Pagdating namin dito sa room lahat sila tutok na tutok sa kanilang cellphone parang hindi pa nga nila naramdaman na may pumasok na tao rito. Iba talaga ang Royalties Syndrome.
Dumaretso na kami sa mga upuan namin.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang Underground Website.
As expected syempre top 1 doon ang Rankings ng Campus Royalties, pang top 2 ang pagbabalik ni Jessica at top 3 yung issue ni Gwen."Ang boriiiiiiing!!" Reklamo ni Maejoy.
"Ay oo nga pala Maejoy, matanong lang ha, yung nanghack sa Account mo natrace mo na?" Tanong ni Jenica sa kanya. Bigla namang nagsalubong ang kilay ni Maejoy at umiling.
"Hindi pa but soon or later.." She replied. I smell something fishy kay Jenica...may kutob ako na may alam siyaㅡkutob lang ha.
"Bakit mo pala naitanong?" Balik ni Maejoy sa kanya. Jenica just shrugged.
"Just asking...."
"Maiba nga tayo, ano na kayang nangyari kay Zach?" Tanong ni Jasmin parang nagtaka naman si Rachelle.
"Bakit mo naman iyan naitanong?" She asked.
"Ehhh kasi si Jess amazona yun. Ang alam kong nangyayari ngayon punong-puno ng pasa at sobrang sakit na ng katawan ni Zach dahil sa batuk nun hahahahahaha." Tawa niya.
"So pinag-uusapan niyo pala kami." Biglang sulpot ni Jess. Nagulat kaming lahat, kabute ba siya? Tae to ah? Kanina pa sulpot ng sulpot.
"Alam mo Jess para kang Kabute." Sabi naman ni Jasmin sa kanya.
"Diyosang kabute siguro noh?" She joked, napatawa naman ang lahat.
"By the way, sa groupings doon sa paparating na foundation doon ako sa grupo niyo." Balita ni Jess, napangisi naman kaming dalawa ni Jasmin. Mukang alam namin ahhhh, mukang napansin yata ni Jessica ang pagngisi namin kaya ayun she glared at us hahahahahaha.
"Alam mo OP na ako diyan sa pangisi-ngisi niyo." Reklamo naman ni Maejoy. Nag-unat naman ng kamay si Rachelle at humikabㅡhalatang bored.
"Laro nga tayo, ang boring kasi. Bakit kasi wala pa yung Prof natin sa English?" Reklamo ni Rachelle, napa-irap si Jasmin.
"Ano ka bata para maglaro?" Pagsusungit nito.
"Kung bumalik kaya tayo sa Rooftop? Nakakabagot na talaga." Ideya ni Gwen, sumang-ayon si Jessica.
BINABASA MO ANG
Love.That One Word.
RandomAno nga ba ang Love? Ano ba para sa iyo ang salitang pag-ibig? Different people with different meanings of love There are people who don't believe in love and others cherish it. What if destiny plans to cross their fates? Meeting up with each other...