Chapter 35-Preparation.

126 6 0
                                    

Ngayon nalang ulit....
✌✌

Jenica POV

Nagising ako dahil parang bumaliktad ang sikmura ko, nasusuka ako. Agad akong bumangon at patakbong pumunta sa banyo. Siguro yung nakain ko kagabi ito? O kaya naman nasobrahan sa Ice cream kahapon. Nasusuka ako pero wala naman akong maisuka. Weird.

Agad akong nagmumog at dali-daling bumaba para magbreakfast. Kailangan ko kasing pumasok ng maaga ngayon dahil ngayon namin sisimulan yung mga booth na itatayo namin.

Napatingin ako sa phone ko dahil bigla itong tumunog, tumatawag si Rence? Kahapon kasi dahil attach na attached sa akin ng anak niya napilitan siyang kunin ang number ko, hindi ko naman kasi maibigay sa bata ang hinihiling nitong titira ako kasama nila, at hinding-hindi iyon mangyayari dahil si Rence ang kahulihuliang lalaking magugustuhan ko, kahit na kami na lang dalawa ang natitira dito sa mundo hinding-hindi ko siya papatulan.

Sinagot ko na yung tawag, "Hello?"

"Waaaaah mommy miss na miss na kita!" Agad akong napangiti ng marinig ang matinis na boses ni Sammi. "Yes baby miss na rin kita. May pasok ka ngayon hindi ba? Nakaready ka na ba? Hindi ka ba pinapagalitan ng daddy mo? Okay lang ba ang trato niya sa iyo?" Sunod-sunod na tanong ko, narinig kong napatawa siya at pati ang tawa ni Renceㅡhis laugh, shete bakit bumibilis tibok ng puso ko?

"Mommy dami niyong tanong! Hindi ko tuloy alam kung anong sasagutin ko." Natatawang sagot nito. "Pero mommy miss na miss na talaga kita! Pwede po ba akong pumunta sa bahay mo mamayang hapon? O kaya naman sabay nalang kayong uuwi ni Daddy pag tapos na po school niyo! Sige na mommy pwease poooo." Natigilan ako, hindi pwede rito sa bahay dahil iba ang maiisip nila. Naaawa rin ako sa bata. Kahit na ayokong makita yung tatay niya, attached narin ako sa bata, parang lumalabas yung pagiging mother instinct ko, parang gusto ko tuloy na magkaanak. Pero syempre sa tamang panahon.

"Baby sasabay nalang ako sa Daddy mo, ako nalang ang bibisita sa iyo okay?"

Jasmin POV

Kahit na hindi ko gustong pumunta sa Academy kailangan ko dahil ngayon kami gagawa ng mga booth. Ang gagawin ko nalang siguro ay iwasan si Xander. Oo iiwasan ko nalang siya dahil nahihiya parin ako, baka kung ano na ang nasa isip niya. Baka isipin niyang easy to get ako o malandi. Paano na ang kinabukasan ng lovestory namin?ㅜ.ㅜ

Aiiiist makapunta na nga sa Love Academy!

Gwen POV

Lahat ng estudyante sa Love Academy ay naghahanda para sa nalalapit na foundation dito. Hay nako next week na ang foundation! Sobrang nakakapagod!

"Leader Gwenieee tapos na ang Karaoke booth, tapos narin itong L.A. Café at carnival...yung pang concert nalang." Sabi ni Flynn sa akin, napatango-tango nalang ako.

"Alright! Group 1 pahinga muna tayo tutal yung pang-concert nalang ang gagawin natin!" Sigaw ko at umupo sa upuan. Muli kong chineck ang planner ko. Problema pa ang pagkukunan ng cake, saan ba dito ang may pinakamasarap na cake? Pati narin ang ibebenta naming kape wala pa akong na-i-search na mga recipe.

"Bakit parang problemado ka?" Napatingin ako sa may ari ng pamilyar na boses na iyon. "Nagmeryenda ka na ba? Ito oh sandwich." Sabi nito at inabot sa akin at sakto namang tumunog ang tiyan ko. Nginitian ko si Mark at kinuha yung sandwich. Nginitian niya ako pabalik at inakbayan ako. Pansin ko lang ha pero parang nilalandi ako ni Mark, napapansin ko rin ang pagkahokage niya.

"Tapatin mo ako Mark, nilalandi mo ba ako?" Tanong ko sa kanya mata sa mata. Napalunok naman siya at umiwas ng tingin. "Hindi ah? Diba magkaibigan na tayo?" Sagot nito. I looked at him suspiciously pero napatango rin ako. "Sabi mo yan ah?" Tumango naman siya at umalis niya.

Love.That One Word.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon