Third Person's POV
Agad na inasikaso silang lahat. All of them lost blood dahil sa tama ng mga bala at mga bone fracture pero critical ang lagay ni Krystal at Jeoana.
Hindi mapakali ang kanilang mga pamilya.
Sa kabilang banda hindi makapaniwala ang pamilya ni Jenica sa nalaman. Hindi nila akalain na buntis ito.
"Jenica sino ang ama ng dinadala mo?!" May diin na sabi ng kanyang ama na kadarating lang galing States. Naguluhan si Jenica sa tanong ng ama dahil kagigising niya lang.
"Ano pong sinasabi niyo?" Takang tanong nito. Napahilamos ng mukha ang ama niya at umiiyak naman ang ina niya. Habang ang mga kapatid nito ay walang emosyong nakatingin sa kanya. Pero naguguluhan siya sa mga reaksyon ng mga ito. Ano ba talaga ang nangyayari?
"Buntis ka! Hindi mo alam?!" Sigaw ulit ng ama nito. Natigilan si Jenica sa sinabi ng Papa niya.
Buntis siya? Buntis siya! Shit!
"Ngayon sabihin mo! Sino ang ama ng dinadala mo?!" Sigaw ulit ng Papa niya. Nag-unahan narin ang mga luha ni Jenica sa mga mata nito. Nagsinungaling sa kanya si Rence! He didn't use any protection! That was only a mistake bakit nagbunga? Hindi niya pa yata kayang maging ina. Lalo pat ang karamay niya dapat ay isang playboy. Hindi siya nito seseryosohin o baka ipagtulakan pa siya palayo kapag nalaman ni Rence na buntis siya.
Kapag naiisip niyang ipagtutulakan siya ng lalaki ay naninikip ang dibdib niya.
"Sinong ama?!" Sigaw ulit nito.
Biglang may kumatok sa hospital suite ni Jenica. Tumayo si Grey at binuksan ang pintuan. Lumitaw ang mukha ni Rence sa harap ni Grey.
"Sorry pero may pinag-uusapan kaming pampamilya. Mamaya ka nalang dadalaw." Seryosong saad ni Grey. While Jenica bowed her head. Yung feeling na iniisip niya lang ang lalaki kanina ngayon lilitaw nalang ito bigla.
"Tungkol saan?" Nakangiting tanong ni Rence. Jenica prayed so hard na wag sabihin kay Rence ang sitwasyon.
"Buntis siya." Sagot ni Grey at tumingin kay Jenica. Natigilan si Rence sa nalaman."B-buntis?" Tanong nito. Tumango naman si Grey.
"Mamaya ka na pumunta Rence." Sabi ng papa nila. "So Jenica sasabihin mo ba ang ama ng dinadala mo?!" Sigaw ulit ng papa niya. Hindi sumagot si Jenica at nanatiling nakayuko.
Pero nag-angat siya ng tingin na gulat na gulat ng magsalita si Rence.
"Ako po." Sabi ni Rence na ikinatigil ng lahat. Tumayo ang papa ni Jenica at kwinelyuhan si Rence.
"Gago ka!" Sigaw nito at sinuntok ang lalaki.
"Pa!" Sigaw ni Jenica.
"Ito ang ama ng dinadala mo?! Itong gago na ito?!" Sigaw ulit nito at sinuntok ulit si Rence. Hindi nanlalaban si Rence kundi tinatanggap niya ang bawat suntok ng ama ni Jenica.
"Pa pabayaan mo na sila! They are in there right age. Kaya na nila." Pang-aalo ng Mama ni Jenica.
"Then he should marry my daughter."
"Pa hindi pwede!" Sigaw ni Jenica."Sa ayaw at gusto niyo magpapakasal kayo!" Sigaw ng ama niya at lumabas na sa kwartong iyon.
"Mag-usap kayong dalawa." Sabi naman ng Mama ni Jenica at lumabas na rin. Hinila pa niya ang dalawang kakambal ni Jenica.
Nang maisara na ang pintuan ay katahimikan na bumalot sa loob ng kwarto. Napayuko si Jenica.
Napansin niya ang paglubog ng kanyang hospital bed. Umupo si Rence sa kama niya. Pero bakit hindi siya mapakali? Parang lalabas na rin ang puso niya dahil ang lakas ng tibok nito.
BINABASA MO ANG
Love.That One Word.
CasualeAno nga ba ang Love? Ano ba para sa iyo ang salitang pag-ibig? Different people with different meanings of love There are people who don't believe in love and others cherish it. What if destiny plans to cross their fates? Meeting up with each other...