"Huwag kang mahiyang aminin ang totoo mong nararamdaman. Nagpapakatotoo ka lang sa sarili mo. Hindi lahat kayang maging matapang na sabihin ang tunay na nararamdaman."ㅡ365 Days of Feels by NORINGAI
××××××××
Umupo ako sa bench para hintayin si Kris. Hindi naman siya ang nag-aya kundi ako, I just want to talk to himㅡthat's all. Sa pagkakaalam ko kasi malapit na siyang bumalik sa Japan at siyempre gusto ko rin naman pagbigyan ang sarili kahit ngayong araw lang na ito.
I love himㅡeversince. Pero ayun nga kaibigan lang ata ang tingin niya sa akin or worst kapamilya. I met Kris in Japan ng pumunta kami doon ni Papa para hanapin si Mama. And we stayed there for 3 years I think. At kapit bahay nila noon si mama at lagi rin nilang tinutulungan si Mama noon pero ang hindi nito alam ay nagmeet na kami noon sa Pilipinas noong mas bata pa kami.
I just want to thank Kris for saving me. Hindi ko alam kung guilt niya lang ang nagtulak sa kanya para sagipin ako pero hindi na mahalaga iyonㅡdahil kahit konti nagkaroon ako ng maliit na pag-asa sa kanya.
Biglang may umakbay sa akin at amoy niya palang alam ko na. Napangiti ako ng wala sa oras.
Ganun naman talaga diba? Pagkasama mo yung taong mahal mo o nakita mo lang ay napapangiti kana. The feelingㅡhindi ko maexplain, dahil sobrang nakakasaya lang talaga sa damdamin.
"Oh Kaz, date ba to?" Tanong nito sabay tawa. Haaaaaay, ang sarap sa tenga ang mga tawa niya, sobrang sarap rin sa mata na makita siyang masaya at tumatawa. Kapag talaga tumibok ang puso! Wala ka nang magagawa kundi sundin ito!
"Uyyy ba't ganyan ka makatingin? Matutunaw ako niyan!" Muling sabi nito at tumawa. Nag-iwas ako ng tingin at napayuko. Kakayanin ko ba ito? Kakayanin ko bang magtapat sa kanya?
Bakit na kasi nagiging mahina ako pag kasama ko siya? Ganito ba talaga ito?
Tsaka handa ba akong magrisk?
Pero noong nakidnap talaga kami ay doon ko narealize na life is short. Kahit anong araw pwede kang mawala. Kaya kapag nabubuhay ka pa live at your fullest basta wala kang natatapakang ibang tao.
Pero dito kasi sa sitwasyon kong to nairirisk ang pagkakaibigan namin.
"Oh bakit nalungkot ka? May problema ka ba? Kaya mo ba ako gustong makausap?"
Agad akong umiling. "W-wala! Wala akong problema, pero ikaw. Nabalitaan ko na malapit ka na raw bumalik sa Japan?"
Umayos naman siya ng upo. "Ah oo pero pagkatapos pa ng graduation pa iyon."
"Malapit na rin talaga.." malungkot na sabi ko. He pat my head na parang tinuturing niyang bata. I pouted naman. Why can't he see me na dalaga na? Duh? 22 na ako! Pwedeng-pwede na ngang mag-asawa eh!
Itinulak ko ang kamay niya. "Ano ba! Hindi na ako bata no?!"
Humalakhak naman ito. "Ay oo nga pala dalaga ka na."
"Ni minsan hindi mo ako tinuring na dalaga." Tumayo ako at nagposing sa harap niya. "Look at me now, sabihin mong hindi ka nakakakita ng magandang dalaga sa harapan mo."
Natatawang napapailing-iling naman yung manhid na iyon. Akala niya ba nagjojoke lang ako? Hindi ba niya nararamdaman na nagpaparamdam ako at nilalandi siya ng kaunti?
Ay! Mga taong manhid talaga!
Pinaseryoso ko ang boses ko. "Pwede ba seryosohin mo rin ako minsan? I'm not joking rigth now."
"Ang seryoso mo naman ata?"
Muling umupo ako sa tabi niya. "Kris, I want to thank you for saving my life. And...." kinuha ko ang moment na iyon para idampi ang mga labi ko sa mga labi niya.
BINABASA MO ANG
Love.That One Word.
RandomAno nga ba ang Love? Ano ba para sa iyo ang salitang pag-ibig? Different people with different meanings of love There are people who don't believe in love and others cherish it. What if destiny plans to cross their fates? Meeting up with each other...