Madelyn's POV
"Madelyn may sasabihin ako sa iyo." Seryosong sabi ni Grey. Lord! Ito na ba yung hinihintay ko?
"Ano yun Grey?" Tanong ko, pakiput mo na ang ateng niyo noh! Hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Madelyn mahal kita, mahal mo rin ba ako?" Seryosong sabi niya! My god! I'm gonna die! Ay hindi! Magpapakasal pa kami.
"Oo Grey, mahal rin kita." Sagot ko sa kanya habang nakangiti. Napangiti siya at unti-unting inilalapit niya ang mukha niya sakin! My ghad! Is he going to kiss me? Ghad! Napapikit na ako at konti nalang, konti nalang, konti nala--------------.
"MADELYN! GUMISING KA NA!" Sigaw ng Kuya ko. Kaya naman wala sa oras akong nagising at tiningnan ko si Kuya ng masama. Waaaaah! Maghahalikan na sana kami ni Grey! Panira si Kuya! Hanggang panaginip nga lang kami may panira pa! Mga epal!
"Kuya! Bakit mo ko ginising!h
Hahalikan na sana ako ni Grey ehhhh! Walang yah ka! Panira ka talaga Kuya!" Sigaw ko kay Kuya Marco."Hay nako! Alam mo Madelyn hanggang pangarap nalang sayo si Grey nakikita ko yun sa hinaharap." Sabi ni Kuya at umupo sa Kama ko, napasimangot ako sa sinabi niya. Ang galing ng kapatid ko grabe!
"Thank you sa support Kuya ha!" I said sarcastically.
"Oo naman kapatid ako pa." Sarcastic na sabi din ni kuya. Edi wow kanino pa ba ako nagmana?
"Alis ka na nga dito!" Pagpapaalis ko sa kanya.
"Okay okay! Pero magbihis kana! Mag malling tayo!" Sigaw niya.
"Lalaki ka ba talaga Kuya?" Tanong ko.
"Of course lalaki ako. Sino pa ba ang magkakalat ng apelido natin kundi ako lang. Dalian mo nalang kaya noh?" Pagkatapos iyong sabihin ni kuya lumabas na siya sa kwarto ko. I rolled my eyes on him, tumayo na ako at agad na ginawa ang morning routines ko.
GRABE! Sa wakas nakarating na kami dito sa Mall. Nakakainis kasi sa EDSA halatang siya lang ata ang may forever.
"Huy! Baba na!" Sigaw ni kuya, grabe no! Ang bait niyang kapatid. Bumaba na ako sa kotse niya.
"San tayo unang pumunta?" Tanong niya, biglang lumiwanag ang mukha ko.
"Sa Jolibee!" Parang batang sigaw ko. Wah I miss jolibee.
"As if naman gusto mong kumain sa iba." He said and roll he's eyes. See? Hindi yan straight!
Nagpunta na kami sa loob ng jolibee.
"Oh Malai! Anong order mo?" Tanong niya, hmpt! Tinawag na naman niya akong Malai. Nickname niya yun sakin. San niya nakuha? Sa pangalan kong MAdelyn nicoLai.
"Hmpt! Tinatanong mo pa! Alam mo na nga!" Sigaw ko sa kanya.
"Sorry naman MALAI! Akala ko nag-iba na taste mo." Napairap ako sa sinabi ni Kuya. Wow ha! Diniinan pa niya yung nickname niya sakin. Ang walangya.
"Umorder ka na nga!" Sigaw ko. Umalis na siya at takte kinindatan pa niya ako. Kala mo gwapo. Wala ngang Girlfriend eh.
"Ang sweet naman nung boy Kay girl."
"Oo nga ehh, hindi deserved ni girl si boy."
"Sana ako nalang gf ni boy."
"Hahahaha, dream on gurl! Sana sa McDo nalang sila gurl!"
BINABASA MO ANG
Love.That One Word.
RandomAno nga ba ang Love? Ano ba para sa iyo ang salitang pag-ibig? Different people with different meanings of love There are people who don't believe in love and others cherish it. What if destiny plans to cross their fates? Meeting up with each other...