*Jeoana's POV*
Nakatunganga parin ako kahit na hinihila na ni Grey si Madelyn. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Madelynㅡang mag-eskandalo sa loob ng mall kung saan maraming nakapalibot na tao. Naka-drugs na ata ang kaibigan ko. Lulong na lulong sa pag-ibig.
Ganun naman siguro talaga pag nagmamahal....nakakabaliw, nakakatanga, nakakawala ng sarili.
At heto ako nagpapakatanga parin sa bestfriend ko na asawa ko.
Bumalik sa isip ko ang paghahanap sa pinsan kong si Yumiko.
Isa pa yang si Yumiko! Nasaan na ang babaeng yun?
Inilibot ko ang aking paningin to find my hardheaded cousin.
Yung plano ko sanang bisitahin ang mga magulang ko ay hindi natuloy dahil dito sa pinsan ko. Pero nasan na ang pinsan kong yun?
Inilabas ko ang cellphone ko para matawagan si Yumiko.
Agad namang sinagot iyon ni Yumiko.
"Bakit?" Tanong ni Yumiko.
Napairap ako.
"Wow nagtatanong ka pa kung bakit?! Huy bakla nasaan ka na?""Oo nga pala couz! Sorry talaga! Naiwan kita diyan sa mall!"
"Teka anong ibig mong sabihin?! Wala ka na dito sa mall?! Pag nagkita talaga tayo Yumiko makakatikim ka sa akin! Alam mo namang yang kotse mo lang ang ginamit natin diba?" Singhal ko sa kanya.
"Edi mag-comute ka...sorry talaga couz....."
At pinatay na niya ang tawag.
Ay walanghiya talaga tong pinsan ko, sana ngayon masayang nagkwekwentuhan kami ng mga magulang ko pero sinamahan ko siya dito sa mall dahil kailangan niya ako tapos iiwan niya ako?
Wow ang galing lang.
"Mukang problemado ka.." Napaigtad ako, kilala ko ang boses na iyon kaya napatingin ako sa likod ko.
"Oh Kris anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Binigyan naman niya ako ng mapaglarong ngiti at inakbayan ako.
Agad kong itinulak ang kamay niya.
"Uy di tayo talo.."
"Alam ko...bestfriend tayo diba? Tara date tayo!" Inirapan ko siya.
"Huy wala ka bang magawa sa buhay mo?" Inis na tanong ko.
Kung alam lang nito na may asawa ang nilalandi niya.
"Eto naman hindi mabiro," tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin at napakamot sa batok niya. "Yung pinsan ko kasing si Sean hinahanap ko, si Rachelle at si Misaki hinahanap na nila ang Ice cream nila."
Takang napabaling ako sa kanya.
"You mean pinsan mo si Sean? Kaano-ano mo naman si Rachelle? Sino si Misaki?"
"Pinsan ko si Sean, hindi ko kaano-ano si Rachelle at si Misaki ay anak ni Ate Sam."
"May anak na pala si Ate Sam.." Hindi makapaniwalang sabi ko at napatango-tango naman siya.
"Actually single mom siya." Mas lalo akong nagulat sa narinig.
Wow! I salute single parents. Grabe kaya mga sakripisyong ginagawa nila.
"Nakakabilib talaga si Ate Sam."Nag-thumbs up siya sa akin.
Biglang naalala ko si Sean.
"Oo nga pala nakita ko kanina si Sean sa Heavens pero saklap ang nangyari sa kanya," napatingin naman siya sa akin na nagtataka. "Kanina kasi sa Heaven Ice cream parlor aksidenteng nahalikan ni Sean ang pinsan ko tapos ayun tinuhod siya ng pinsan ko."
BINABASA MO ANG
Love.That One Word.
RandomAno nga ba ang Love? Ano ba para sa iyo ang salitang pag-ibig? Different people with different meanings of love There are people who don't believe in love and others cherish it. What if destiny plans to cross their fates? Meeting up with each other...