Chapter 48- Ellaine.

20 3 0
                                    

I know why Jasper want to talk to me. I knew what he's doing. But I don't want to acknowledge it. I am aware eversince but what am I gonna do? I am inlove with somebody else. I know mahirap ang maging one sided kasi yun ang nararanasan ko ngayon. Being inlove with Rence but here I am, finally accepting that he is not for me.

But how can I tell to Jasper without hurting him?

Yes, based on gossips here, Jasper is a total player and I want to punch his face for hurting Gwen. Because of that Gwen have some trust issues in men. Pero yun nga, Gwen confirm to me na mahal talaga ako ni Jasper.

Hindi naman ibig sabihin na mahal ka na ng isang tao ay mamahalin mo na rin siya?

Siguro dumating ako sa buhay niya not to be part of his life pero isang dumaan lang na pwedeng magpabago sa pananaw nito sa buhay. Siguro dumating ako para magbago siyaㅡbut I am not willing to stay.

Because I know myself na hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang sumugal ulit kasi stock parin ako. Hindi pa ako nakakamove-on, hindi naman ako ganoon kadesperadang magmove on na gagamit ako ng rebound.

"Ellaine..." that is not Jasper. I stop walking and eyed the man from my past.

Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung nagsisisi ba akong pakawalan si Rence sa gabing bago ako makidnap. And honestly there is a part of me regretting. Sinabi na niya sa gabing iyon na mahal parin niya ako pero kasi iba na kasi. Hindi na gaya ng dati. Napansin ko kasi na hindi kumikislap ang mga mata niya sa akin. So sino ba ang niloloko ko pag ganoon? Sarili ko lang. So I choose to let go. Dahil hindi na siya sa akin.

I gave him a smile. "Oh akala ko ba magkikita ka'yo ng kaibigan ko?" I asked cooly even if I want to hug him and tell him I still love him. But things now never work like before so I should not think things like that dahil ikakasal na sila ng kaibigan koㅡat magkakaanak pa.

Parang kailan lang kami ang nagplaplano ni Rence about family but now Rence has his own familyㅡand I am no where to be found in that plan.

"Thank you." Sagot nito imbes na sagutin ang tanong ko.

"For what?" Tanong ko kahit na alam ko ang sagot.

"Sa pagtulong mo sa akin sa totoo kong nararamdaman."

"Just let us move on anoba? Ikakasal ka na."

"I know you still have feelings to me and I am sorry for not waiting you. I know it is hard for both of us to be friends but can I ask for it? I cared for you Ellaine and you are important to me."

Then our happy memories flashes back.

Our happy moments.

Our happiest moments.

But reminising can make you sad. Kasi marerealized mo na hindi na iyon mauulit pa.

"Don't give me hope. I know someday we can be friends but not now Rence. Kasi masakit dito." Turo ko sa puso ko. "I let go kasi nakikita kong mahal ka rin ng kaibigan ko and I don't want to become a hindrance. Tinanggap ko ito alang-alang sa kaibigan ko. But seeing you, it is still the same. Tumitibok parin ang puso ko ng dahil sa'yo. At hindi ko pa kayang maging malapit sa'yo kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."

"Ellaine..."

Aiiiist bakit ganoon siya? Ako na nga itong lumalayo bakit pinapahirapan pa rin niya ako?

"If you don't mind, may pupuntahan pa ako. Excuse me." At iniwan ko na siya doon. As I walk away kasabay rin nu'n na bumuhos ang luha ko. Akala ko okay lang, akala ko kaya ko. Pero bakit ganito? Ang sakit sakit.

Love.That One Word.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon