Chapter 40- Missing.

42 1 0
                                    

Maejoy's POV

"Dad bakit ba nagdagdag kayo ng bodyguard at bakit sasama pa sila sa school?!" Inis na tanong ko kay Dad. Ang praning ni Daddy bigla-bigla nalang nagdadagdag ng bodyguard dito sa bahay at kagabi sinabi nito na sasama raw ang iba sa akin sa school. What the heck lang diba?

"For your safety." Sagot naman ni Daddy. I looked at mom and seeking for help pero umiling lang ito. Hindi na ako bata bakit ba kailangan ko pa ng bodyguards? Nakakawalang gana tuloy na pumasok ngayon.

Inis na ibinaba ko yung kutsara at tinidor ko. "Punta na po ako ng school." Paalam ko sa kanila at lumabas na ako. Mas lalo akong nainis ng may dalawang bodyguards na sumusunod sa akin. Ang creepy kaya pag may bodyguards ka kasi lahat ng galaw mo nakikita nila at kung saan ka pupunta ay naroon rin sila.

Inilabas ko ang phone ko and called Gwen but cannot be reach siguro natutulog pa ito, medyo may pagkatulog mantika rin kasi iyon. Si Madelyn nalang ang tinawagan ko kasi siya ang early bird sa amin at gusto ko rin siyang kumustahin pero cannot be reach rin ito. Ano bang nangyari sa mga ito kung bakit hindi sila available? Nagkibitbalikat nalang ako at pumasok na sa kotse. Pumasok narin yung dalawang bodyguard at sa harap sila nakapwesto, yung isa yung nagdadrive.

Tamihik lang ako sa buong byahe dahil wala naman akong kausap.

Excited akong bumaba sa kotse. "Mga kuya pwede dito nalang kayo sa parking lot maghintay hanggang uwian? Nakakailang kasi na pati sa mga klase ko susunod pa kayong dalawa."

"Pero utos po ng papa niyo na bantayan ka namin ng husto." I rolled my eyes on them.

"Oh common! Kilala ang Love Academy for there security. Praning lang talaga si Dad."

"Pero utos niya po talaga kung hindi kami po ang malalagot."

Inis kong inilabas ang phone ko at tinawagan si dad at buti agad niya naman itong sinagot.

"Dad pwede ba sabihin niyo sa mga bodyguards na wag silang sumunod sa mga klase ko? Dad high security ang Love Academy lalong-lalo na ang Love University. Pwede naman po silang maghintay dito sa parking lot hanggang pag-uwi ko." Nakarinig ako ng buntong hininga sa kabilang linya.

"Sige but call me or your bodyguards if there is trouble."

"Walang trouble dad, praning ka lang talaga."

"Hindi ako praning anak. Basta mag-ingat ka okay? Sige ibababa ko na itong tawag."

"K."

Hinarap ko ulit yung mga bodyguards. "Sinabi ko sa daddy ko dito lang kayo sa parking lot and he said yes." Sabi ko sa kanila.

"Masusunod ko Miss Maejoy." Nagthumbs-up ako sa kanila at naglakad na ako palayo.

Buti nalang natapos naming lahat kahapon. Sa dami ba naman ng ini-hire ni Gwen na tao para tumulong sa amin.

Oo nga pala yung concert napagusap-usapan namin na kami-kami lang rin ang magpeperform tapos pangfinale nalang ang XF7.

Nakarating na ako sa room namin at medyo marami narin yung mga classmates namin but my barkada is still incomplete. Ang nandito lang ay sina Jasmin, Jessica, Jeoana and they are making conversation to Krystal. Parang seryoso ang mga ito na nag-uusap.

"Hey gals!" I greeted them kaya naman bumaling ang lahat sa akin. "Umagang-umaga ang seseryoso niyo." Dagdag ko pa. Pero hindi nila ako sinagot kundi napatingin sila sa likuran ko. Kaya out of curiosity ay napatingin rin ako doon. Si Sir Ryle.

"Ano ng balita kuya?" Kabadong tanong ni Krystal.

"Still wala parin. Pati si Kevin at Jelou wala ring balita. Ang theory namin kagabi ay magkakasama silang tatlo dahil natawagan namin kayong lahat kagabi and we are expecting na makikita namin sila ngayon dito sa room niyo but there are no signs of them here." Sagot ni Kuya Ryle. Teka nga tumawag ba sila kagabi? Parang naguguluhan ako ngayon sa nangyayari.

Love.That One Word.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon