LTOW Chapter 24-Kinakain ba yun?

175 11 0
                                    

Maejoy's POV

Kaya pala sinabi ng kambal na "hindi pa."
Pero bakit ganito dito sa room? Parang sobrang bigat ng atmosphere. Napatigil ako sa pag-iisip kasi may kumalabit sakin, sino namang buwisit ang kumalabit sakin?! Tinignan ko kung sinoㅡsi Uranggutan-_-
Hindi ko siya pinansin, pake ko?

*poink poink* Hindi ko parin siya pinansinㅡpake ko? Nasa ibang bansa ang pake ko, pakihanap nalang po.

*poink poink* Nakakainis talaga tung mabuhok na to noh?!

*poink poink* Nainis ako kaya napatayo ako.

"BAKIT BA?! PROBLEMA MO BA?!" Sigaw ko sa kanya. Nawala sa isip ko na nasa klase pala kami tuloy pinagtitinginan na nila akong lahat! Kasalanan to ni Greg!

"May problema ba Miss Villareal?" Tanong ni Ma'am Kang, umiling ako dahil baka madetention ako. Psssssh, graduating na ako ngayon pa ba ako gagawa ng gulo?

"Umupo ka na Miss Villareal." Tumango ako sa sinabi ni Ma'am at naupo. "Okay class, sa mga hindi pa nakakaalam lalo na sa mga bago malapit na ang foundation ng Academyㅡthree weeks from now na iyon at dahil B.M.-Love 1 kayo 8 booths ang gagawin niyo at sa hindi pa nakakaalam every Foundation dito sa Love Academy ay may Mascarade ball." Balita ni Ma'am Kang at naghiyawan naman lahatㅡexcept US.

"I will group you into two groups."

"Sana kagroup ko ang XF7!!!"

"Oo nga!!!"

"Class! Tahimik. Heto na ang mga groupings

GROUP 1ㅡLead by Akashiya, Gwen Ivie
Members:
Aguire, Madelyn Nicolai
Akashiya, Alexander Inigo
Castro, Greg Nicolas
Castro, Grey Nicko
Castro, Jenica Nicole
Cheng, Mark Wayne
Huang, Christian Laurence
Joong, Damian Zachary
Kang, Krystal Gail
Lee, Rachelle Kae
Maniego, Daniel Lester
Mendoza, Kazzery
Mondoza, Jasmin Samantha
Rosario, Florence
Rosario, Flynn
Seraya, Jeoana Marie
Shiwasu, Brake
Villareal, Maejoy
Yoshiro, Krisstoff." Tawag ni Ma'am sa group 1. Napasimangot ako, bakit group 1 pa si Uranggutan pero di bale! Kasama ko naman mga barkada ko^_____^

"Ano ba yan! Kasama nila yung nerd na  iyon!"

"Oo nga! Kasama nila si Kazzery!" Inggit lang nila at saka mapanghusgga talaga mga to. Eh ano naman ang kaso kung nagkulang lang sa ganda kung sobrang talino naman.

"Class quiet! Okay, lahat ng hindi natawag sila naman ang Group two and lead by Hunter Park bawat Group ay Apat na Booth ang gagawin." Sumang-ayon na kami doon.

"Okay, dissmised." Sabi ni Ma'am at umalis na.

"Uyy breaktime na! Sa garden naman tayo ohhh." Aya ni Jeoana.

"Edi tayo na." Pagsang-ayon naman ni Jasmin.

"Yah! Baby Love!" Napatingin kami sa sumigaw. Si Florence pala at papunta ito sa kinaroroonan ni Dan.

"Ohhh? Baby Love hahahahahaha namiss kita." Dan replied to her at yinakap ito. Napatingin ako kay Jeoanaㅡher eyes....full of pain.

"Hindi ba pupunta pa tayo sa Garden?" Pang-iiba koㅡmukang naintindihan naman nila ang dapat kong iparating.

Jeoana's PoV

"Yah! Baby Love!" Napatingin kami sa sumigaw. Si Florence papunta sa kinaroroonan ni Dan bigla namang kumirot ang puso ko.

Isang malaking OUCH.

"Ohhh? Baby Love hahahahahaha namiss kita." Dan replied at yinakap niya ito. Bwisit ngayon parang nabasag na ng pinong-pino tung puso ko. Siya ba yung sinasabi niya mahal niya kaya hindi niya ako kayang mahalin? Maiiyak na talaga ako pero ginamit ko lahat ng lakas ko para pigilin ito. Please bakit kasi sa harap pa naminㅡsa harap ko? Bakit pa kasi ako tumingin?

Ang sakit sobra. I don't think I can bear this.

"Hindi ba pupunta pa tayo sa Garden?" Pang-iiba ni Maejoyㅡmukang naiiintindihan nila ang kalagayan ko ngayon buti pa sila.

"Oo nga tayo na! Yung isa kasi dito kulang nalang umiyak o baka masabunutan niya pa yung isa diyan hahahahahaha." Asar naman ni Jasmin and I glared at her. Sabi nga nila biruin mo ang lasing wag lang ang may pusong sawiㅡteka ganun ba yun? Ah bahala.

"Lol grabe itong araw na to ah! Ang daming ganap na Heartbreak hahahahahahah." Tawa ni Jenica.

"Hay nako Jenica! Mararanasan mo rin to!" Sigaw ko sa kanya.

"Ehh? Heartbreak? Kinakain ba yun?" Inosenteng tanong niya, sarap batukan itong babaeng ito. Nanggigigil talaga ako.

"Oo kinakain yun! Kakainin mo lahat ng sinasabi mo ngayon! Just wait!" Sabi naman ni Maejoy kay Jenica.

"I'm not waiting and I'm not interested hahahahaha tayo na nga sa Garden and by the way napaka warfreak niyong dalawa...hhahahaha nice tandem ha!" Grabe talaga tung babaeng to ngayon? Anong nakain neto at nagkaganyan?

"Uyyyy? Saan ka ngayon humugot ng selfconfidence Nica?" Takang tanong ni Jasminㅡyeah ang I'm curious too.

"Ahhh! Sa Ganda ko!" She said and laugh. "Tama na ang dadaan. Tayo na nagugutom na ako! 15 mins nalang ang natitirang break." Dagdag pa nito. Nakakapanibago talaga ahhh, nagkatinginan kaming lahat at nagngingitian. Inlabado ba to? Pero narealized ko na kapag kasama ko sila medyo nababawasan yung sakit. Paalis na sana kami pero biglang may tumawag sa pangalan ni Rachelle kaya napatingin kami. Teka nga sino naman itong lalaking to? Wait, ano na bang pangalan nito? Brace? Bren? Ahhh! Alam ko na Brake! Pero nakakapagtaka kilala niya si Rachelle? How come?

Bigla namang nagwalk-out si Rachelleㅡehhhh? Nangyari doon? Sinundan naman siya nung Brake na yun. Yah! Anong nangyayari?!

"Bakit nagwalk-out yun?" Takang tanong ko, napatingin naman sila sakin ng seryoso-ka-ba-look?

"I'm serious." Sagot ko at nagsimula na kaming naglakad papuntang Garden.

"Ahhhh! Aray! Masakit yun ah!" Sigaw ko sa kanila. Ikaw ba naman mabatukan noh? Binatukan lang naman ako ni Jasmin as in!

"Ehh ang ulyanin mo eh! Siya yung EX ni Rachelle!" Siigaw ni Jasmin sa mukha ko at kulang nalang mabura ang pagmumuka ko, pero teka? EX ni Rachelle yun??

"EX ni Rachelle yun? May taste pala si Rachelle ahhh." Another pambabatok againㅠㅅ ㅠ

"Bakit nambatok ka na naman?!" Sigaw ko kay Jasminㅡnapairap naman siya.

"Ehh puro ka biro eh!"

"Tama na nga! Para kayong mga bata. Ay! May nakalimutan akong sabihin! Madelyn pumunta ka raw sa music room sabi ni Ma'am Callo." Sabi ni Jenica, takang-taka  namang  napatingin si Madelyn kay Jenica.

"Eh bakit daw?" Takang tanong ni Madelyn, napa-irap si Jenica.

"Pumunta ka nalang kaya. Pasasalamatan mo ako dito." Sagot ni Jenica at nag-wink kay Madelyn kaya ayun lumakad na si Madelyn palayo sa amin.

"Yung totoo Jenica, bakit mo siya pinapunta doon?" Tanong ni Gwen.

"Eh? Panoorin niyo na lang mamaya." Then she wink. "Tayo na please 10 mins. nalang ang Break time!" Dugtung pa nito.

"Edi tayo na.."

************************************
Short UD hahahahahaha
Sorry sa mga errors and super thankful ako sa mga nagbabasa neto kung meron man hahahahaha

Love.That One Word.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon