LTOW Chapter 28-The Continuation

167 9 1
                                    

Long time no UD hahahah.


Gwen's POV

"Meron pa!" Habol niya kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

"About kay Mark, sa kapatid ko."

"Anong meron sa kapatid mo?"

"Ganyan ka ba talaga ka-manhid? Naiisip mo ba o pumasok man lang ba sa isip mo kung bakit pumayag si Mark na maging rebound mo? Alam ko hindi ako ang dapat magsabi nito pero sadyang torpe at isip bata lang kasi ang kapatid ko. Gwen mahal ka niya, matagal na. Sa tingin mo bakit kita linigawan?" Natulala ako sa sinabi niya, parang umurong ang dila ko, hindi ako makapagsalita. Hindi dahil sa rebelasyon niya sa kapatid niya, kung hindi sa sinisimulan na niyang halungkatin ang past namin.

"Linigawan kita kasi alam kong mahal ka ng kapatid ko, linigawan kita para sumuko na siya na magkagusto sa iyo. Ayokong masaktan ang kapatid ko. Kung Selfish ako edi selfishㅡyun lang kasi ang naisip ko sa panahon na iyon, pero wala eh, walang nagbago. Hindi tagumpay ang plano ko hanggang ngayon ikaw parin ang mahal niya, hanggang ngayon ikaw parin ang babaeng nagpapasaya sa kanya." Nasaktan ako sa sinabi niya pero Gwen diba matapang ka?
Ang sakit sa ego tae. Sinong mag-iisip ng ganoong plano? Hindi ba niya alam na may masasaktan? Sinasaktan rin niya ang kapatid niya!

"At ngayon gusto na niya raw mag-move on dahil wala talaga siyang pag-asa sa iyo, isip bata talaga no? Hay nako..hindi niya lang aminin nagtatampo yun dahil binabalewala mo siya. Psssssh move on daw ehh palaging ikaw naman ang bukang bibig niya sa bahay pssshh."

"Uyyy bat ang tahimik mo?" Tanong niya, tanga rin to no? Ikaw kaya ang masabihan ng ganun anong gagawin mo? Hindi ba speechless?

"Wow ha? Psssssh bakit mo naman sinabi yan saakin? As if may pake ako?" Hay nako Gwen ang galing mo talagang umarte.

"Pssssh eto naman oh, pahingi ng favorㅡmag sorry ka sa kanya. Duh? Nasaktan daw siya sa sinabi mo sa telepono noon kaya ayun tampo siya...isip bata diba?"

"Pero ikaw bakla...Maka 'duh' ka wagas ahh."

"Seryoso naman oh." Inirapan ko siya.

"Tanga mo rin no, kung lalapitan ko siyaㅡiniiwasan niya ako, kung kinakausap ko naman siyaㅡang cold niya naman sa akin pero may gusto lang akong malaman." Naging seryoso ako, just this one. Pagkatapos nito ayoko na.

"Dahil lang ba kay Mark kaya mo ko linigawan? Ni hindi mo man lang ba ako minahal?" I hold back my tearsㅡwag kang iiyak please, syempre masakit rin. Titig na titig ako sa kanya, naging sobrang seryoso rin ang mukha niya.

"Natutunan kitang mahalin noon Gwen dahil hindi ka mahirap mahalin pero natakot akong magmahal at saka dahil sa akin nasaktan ko rin ang kapatid ko at sising-sisi ako doon. Sorry kung naging duwag ako pero can we still be friends? I know It's awkward pero honestly i care for you until now." Napatawa ako sa sinabi niya...psssh care?

"Yung incident noon sa CR sa GYM o nung pinahiya mo ako sa mga kaibigan mo? May care ka ba doon?" Sigaw ko sa kanya, hindi ko namamalayan may tumulo na palang mga luha sa mga mata ko.

"Ginawa ko yun dahil para magalit ka sakin, para kamuhian mo ako, para marealized mo na nagkamali kang minahal ako...." Sabi niya habang nakayuko. "Pero yung sinabi kong I Care for you, totoong totoo yun Gwen..."

"Naiintindihan ko, siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa, kung tayo talaga, tayo talaga. Siguro ang nangyari sa atin? May natutunan naman tayo diba? Ikaw na duwag sana wag mo ng uulitin, ikaw din mawawalan." Parang nabunutan ako ng tinik. All you need is to accept. Acceptance is the key ani nga nila.

"Yeah I know...so friends?" He asked while smiling.

"Okay Friends..it's not typical na maging friend mo ang EX mo ha." I joked.

"Tanggap kasi natin na wala na talaga tayo."

"Grabe siya."

"So about may brother...that childish guy pssssssh."

"Ano na naman!" Angal ko.

"Be with him, take back what you said to him."

"Kung ganun ang gagawin ko...hindi ko ba siya pinapaasa doon?"

"Hindi naman mahirap mahalin si Mark ah tsaka kahit konti lang ba walang halaga siya sa iyo? Ni konti lang ba hindi mo siya inisip?"

"Naging mahalaga narin siya sa buhay ko kasi naging kaibigan ko siya pero tama ba na gagawin ko yun? Baka mas lalo ko pa siyang masaktan." Ayokong paasahin si Mark dahil alam ko rin sa sarili ko na hindi pa ako handang sumubok ulit.

"Bahala ka, kung ano ang alam mong tama...so tayo na? Nagugutom na rin ako eh, sa cafeteria tayo." Pssssssh as always patay gutom, nakakamiss rin to no pero nag-iba nga lang. Kung noon may relasyon kami ngayon magkaibigan lang kami.

"Psssssh patay gutom." Bulong ko pero mukhang narinig niya.

"Narinig ko yun besss." Inirapan ko siya.

"Maka bess ka wagas ah? Sarap lang maka-ahas besssssssss?" Balik ko.

Third Person PoV

Lahat ng tao ay nagbubulungan dahil sa nakitaㅡnakita nilang magkasamang pumunta ang ex-lovers na Royalties na sina Gwen at Jasper.

Noong nakaraang buwan naging hot topic ito ng Academy ang hiwalayan ng isa sa Campus Princess at isang Campus Prince, nagtataka ang lahat.

'bakit magkasama ang dalawa? Hindi kaya'y nagkabalikan na sila?'

Tanong ng nakararami.

Mas pinili nalang ni Gwen at Jasper na wag silang pansinin, wala naman kasing malisya sa kanila yun.

Pero ang hindi nila alam, may nakamasid na kanila sa malayo na puno ng hinanakit sa mga mata.

"Grabe naman ang tingin nila." Reklamo ni Jasper pagkaupong-upo nila sa napili nilang pwesto sa cafetiria.

"Ano bang dapat isipin? Malamang nakita lang naman nila na magkasama tayo plus the fact mag-EX tayo..psssh."

"Hindi! Gwapo ko kasi."

"Psssssh..lakas ng ampog mo pare!"

"Oo nga pala...kilala mo si Ellaine?" Tanong ni Jasper sa dalaga..nagtaka naman si Gwen.

"Ellaine? Ellaine Grace Smith? Siya ba ang tinutukuy mo?" Nahihiyang tumango si Jasper sa tanong ni Gwen

"Uyyy? Bakit namumula tenga don't tell me, may gusto ka sakanya?!" Gulat na tanong ni Gwen, mas lalo namang namula si Jasper.

"What the fuck? Truuulalets ba this? Ikaw inlove? Weh?"

"Ewan ko...noong una ko siyang nakita bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba ehhh, masisisi mo ba ako?"

"I just can't believe. Ugali mo kasing paglaruan kami."

"Wow ha? Past is past na uyyy pero kilala mo siya?, yung totoo?!" Tumango si Gwen sa tanong ng Binata.

"She is Jenica's Bestfreind."

Love.That One Word.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon