Prologue
"Nay,niloloko lang ata tayo eh,wala namang paaralan dito,puro lang talahib at mga puno!" Reklamo ko kay Nanay sabay padyak ng aking mga paa. Nakakainis,nakakaasar!
"Ang layo na ng nilakad natin nak,tapos wala naman pala." Malungkot niyang sagot at inabutan ako ng bote ng tubig.
Pinagpapawisan na ako ng malagkit dahil sa paglalakad at ang tirik pa ng araw. Masasabunutan ko talaga 'yong nagpadala ng sulat na iyon eh! Napaka-Paasa ng kung sino mang 'yon. False hopes are the worst.
"Sakto ba yang Mapa na hawak mo 'nay?"
Tanong ko at kinuha 'yong mapa na hawak niya,baka naman kasi naipagpalit niya ito sa iba pang mapa sa bahay eh!
Oo,madami kaming mapa sa bahay,bili ni inay para di daw siya maligaw. Ang OA niya grabe! Well,makakalimutin kasi at medyo mahina sa directions kaya I can't blame her for collecting lots of maps. At isa pa,mahal ko siya kaya pinapabayaan ko na lang. Madalas din kasi siyang nawawala noon kaya mas convenient ang may Mapa.
"Oo naman nak,iyan yung nasa loob ng sobre kasama ang sulat eh." Sagot niya at nilibot ang mata sa paligid.
Ganoon rin ang ginawa ko,at wala akong ibang magawa kundi ang mapagbuntong hininga.
Puro mga puno at mga matataas na dahon ang nakikita ko.
Wala akong makitang building ng paaralan,ayon sa sulat na natanggap ko kahapon! At sino ba namang gago ang mangti-trip sa amin? Sa pagkakatanda ko,wala kaming kaaway,ah? Simpleng pamumuhay lang ang mayroon kami kaya imposibleng may makaaway.
Mga gangsters kaya ang may pakana nito? Kung ganoon, ay bakit? To fucking replace me? To have some fun with me? Gosh! I would really strangle them to death kung totoo man itong mga hinuha ko. They're going to pay!
Siguro'y naloko lang talaga kami ng taong walang magawa sa buhay. Paano nilang nalaman na tatanga-tanga kami ni Inay? May nang-stalk kaya sa amin at napag-alamang mabilis kaming magtiwala? Hays. Pinagtatawanan na siguro kami ng nagpadala ng sulat ngayon dahil sa katangahan.
Lumapit ako sa may puno at umupo doon habang si Inay ay nagpaalam na iihi muna. Hindi man lang siya natakot lumusong doon sa may mga matalib na damuhan. It's something strange. Si Nanay kasi ay isang matatakutin na tao kaya na-weirduhan ako ng dire-diretso siyang nagtungo doon para umihi. Pwede naman kasing dito nalang umihi sa tabi ko,eh.
May naramdaman akong pumapatak sa ulo ko.
Nangunot ang noo ko at kinapa ko iyon,at malapot ito.
Nanginginig kong tinignan kung ano iyon,at dugo! Wtf? Dugo as in Blood? Okay,ang corny ko pero the hell? Bakit may dugo? Saan naman ito nanggaling?
Mabilisan kong tinignan ang nasa itaas ng puno ng Acacia.
May nakita akong tarpaulin na may nakamarkang,
"BLOODY CAMPUS" at ang ginamit na pangsulat ay dugo! Parang fresh na fresh pa 'yong dugo ah! Sino namang naglagay diyan niyan? Sa pagkakatanda ko wala pa 'yan kanina ah? May mga maligno ba dito? Shit. At saka kaninong dugo naman ang ginamit? Sobrang pula nito at kumikintab pa tuwing natatamaan ng sinag ng araw.
Nanginginig ang buong katawan ko at nanghihina ang aking tuhod. Kahit pa sabihing matapang ako at walang kinakatakutan. Iba pala talaga kapag may makita kang dugong ginawang pagsulat ng isang nonsense na pangalan o anuman 'yan. Bloody Campus? Paaralan? Ito ba ang sinasabi ng sulat? Pero wala akong makitang building! Now, this is purely a frank! Kung sino man ang pasimuno nito, nararapat na sampalin ng isang malaking bangus dahil sa katalinuhan!
Biglang yumanig ang lupang kinaroroonan ko, ano-ng nangyayari? May lindol ba? End of the World na ba?
Biglang nahati iyong puno na may tarpaulin. At biglang may lumitaw na,
E-levator?
Packing tape. Elevator?
Papaanong nangyari yun? Saan nanggaling 'yan?
Bumukas ang elevator at tumambad sa akin ang dalawang lalaking naka mask na itim at naka itim ding damit. Miyembro ba sila ng kulto at ire-recruit nila ako? No freaking way I'll be joining a demonic religion!
Umatras ako. Sino sila? Ano 'to? Recruiters?
"S-sino kayo? Nay!" Nagpa-panic kong tanong sabay sigaw sa pangalan ni Nanay. Asan na ba si siya? Bakit ang tagal naman ata niyang makabalik? Kanina pa 'yon,eh. Natagalan sa pag-ihi? Imposible! Mahigit thirty minutes na din ang nakalipas simula ng nagpaalam siya! Ano ang ibig sabihin nito? Did they kidnap my mom? Gracious, 'wag sana nilang saktan ang inosente kong Ina.
Nag-smirk ang dalawang lalaki at sa isang iglap lang ay tumambad na sila sa harapan ko. Kumurap ako ng tatlong beses. Bakit ambilis ng galaw nila? Sino ba sila? Di ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon,magkahalong takot at pangamba pero may isa pa kong naramdamang kakaiba..
Bakit? Bakit ako nakakaramdam ng,
Excitement?
Excitement and Thrill. Why am I feeling this way? Ano 'to? Bakit ganito nalang ako maka-react? Dapat ay mahimatay na ako sa takot dito dahil may dalawang lalaking hindi ko kilala na nasa harapan ko at hinahawakan ako! But damn fucking it! Excited ako! Kumalabog ng husto ang puso ko sa sobrang excitement na halos ay hindi na ako makahinga.
Ngumisi sila and I did the same.
"Welcome To Bloody Campus,Binibining Chan."
Bloody Campus huh? Not bad.
-
Credits po kay : @ExpiresLovers para sa story cover. Thank You so much pated :)
