Bloody 13
"Life is full of surprises. Really? Kaya pala.. Hindi ko akalaing mahuhulog ako sa'yo ng ganito ka lalim. I have deeply fallen that I forgot to lift again. Natatandaan ko pa how much you hated me for being so weak. Pero tinutulungan mo naman ako. Tss. Di talaga kita maintindihan eh!" Sinapok ko siya sa ulo kaya napadaing siya. I know, we're too young for this thing called love. Marahil ay ang iniisip ng iba na simpleng atraksyong lamang itong nararamdaman namin para sa isa't-isa. But I can actually see a future with him. I don't think I can love another man after him. He's always be my one and only, I guess.
"Aww,Love why so brutal?" Hinigit niya ako kaya napatili ako sa gulat. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako ng mabuti. Like he's reading what's on my mind.
"I love you so much,Eri. I really do. I'll do everything just for you. Kahit kamatayan ko pa ang maging kapalit." I heard him sigh kaya di ko mapigilang mapaluha.
He sacrifices a lot for me. Pero wala naman akong magawa para suklian iyon pabalik. Pagmamahal ko lang ang maipanglalaban ko sa kanya."I love you too,Love." Sagot ko bago niya inangkin ang aking mga labi.
Mahal na Mahal Kita, hinding-hindi kita iiwan kahit na anong mangyari.
Ikaw lang ang meron ako,Cupid. Ikaw lang.Tinatamad kong pinatay ang alarm clock sa tabi ko. Alas syete na pala,pero inaantok pa ako. Sarap ibato ng alarm clock na ito pero sayang naman. Binili kasi ito nila Phoebe kahapon para sa akin. Anila'y para daw ito hindi na ako mal-late sa school. How sweet.
Kung bakit ba kasi ako nagpuyat kakaisip kagabi?
Bumangon na ako at naligo,pagkalabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin sa sala sina Grace at Phoebe,pareho silang nakangiti. Nginitian ko din naman sila pabalik.
In every actions there's a reason behind. At alam kung may rason ang tatlong ito kung bakit sila nagsinungaling sa akin.I don't hold grudges,at isa pa wala pa namang sapat na ebidensya na nagsinungaling talaga sila sa akin.
Si Celyn lang ang maysabi nun,malay ko bang pinagtri-tripan lang ako nun? At malay ko rin ba kung siya itong nagsisinungaling sa akin.Kumuha ako ng tinapay at pinalaman iyon ng peanut butter. My favorite breakfast.
"Ito,kumain ka ng rice. Palaging ganyan ang umagahan mo eh!" Saway sa akin ni Channel sabay latag ng niluto niyang fried rice with egg,hotdog and ham. Mukhang masarap pero kapag umaga ay wala akong ganang kumain.
Umiling ako,hindi ko talaga kasi gustong kumain ng heavy meal tuwing agahan.
"Aba di yan pwede dito diba girls? Dapat ay kumain ka kahit kaunti lang. Pinaghirapan ko iyan!" Sabi niya at umupo na din sa harap ko.
Nakisabay na din sila Phoebe at Grace."Marami kaming pinamili kahapon,kaya pumili ka lang ng magugustuhan mo,Eris. Nandoon sa kwarto ang mga paperbags." Masiglang sabi ni Grace. Tumango lang ako sa kanila at nagpasalamat.
"Ang gwapo talaga ni Nathan eh no?" Sabi ni Phoebe. Nagsitanguan naman ang dalawa.
"Yesssh! Aasawahin ko iyon kapag nakalabas na ako dito!" Sigaw ni Grace kaya natawa kami lahat.
For the first time,dito sa paaralang ito,nakangiti ako ng maluwag. Dahil sa Tatlong Bibe.Umalis kami ng dormitoryo ng magkakasama.
"Grabe! Ang sagwa tignan grabe!"
"Kawawa naman siya,mabait pa naman iyon."
Nagkatinginan kami nila dahil sa mga sinasabi ng mga nakasalubong namin. Parehas kaming walang alam kaya napagpasyahan naming pumunta sa may wide space ng paaralan kung saan madaming nagkukumpulan na mga estudyante. Parang may tinitignan sila,kaya nakipagsiksikan ako para malaman kung ano iyon.
Nagulantang ang sistema ko ng masaksihan kung ano ang pinagkakaguluhan nila.
Babaeng nakahiwalay ang ulo sa kanyang katawan. Naliligo sa sarili niyang dugo.
May marka siya ng star sa kanyang noo."Iyan ang parusa kapag nahuli kang nasa labas kapag lagpas na sa curfew." Mas lalong nayanig ang buong pagkatao ko sa aking narinig.
Ito pala ang parusa na sinasabi sa akin ni Dark? Ramdam ko ang pagkaputla ng mukha ko sa narinig.Nilingon ko kung sino ang maysabi nun,
"Hannah?"