Gosh! This is frustrating me!
Pinatid ko ang mga batong humaharang harang sa dinadaanan ko. Bakit hindi ako hinabol ni Dark? Dahil sa sobrang guilty niya? Not that I can face him kung hinabol niya nga ako,but still diba?Ang katotohanang hindi niya ako hinabol ay nagpasikip lalo ng dibdib ko. Hindi ako makahinga sa sobrang sikip nito. Fuck.
I'm going crazy! The thought of Danica and Dark having a relationship is driving me insane!
May nakita akong mga lalaki sa di-kalayuan. Mukha silang may hinahanap, ng magawi ang tingin nila sa akin ay bigla na lamang nila akong nilapitan. Napaatras ako.
Ano na naman ito? May problema ba sila sa akin? Pero sa halip na umatras pa lalo ay hinakbang ko ang aking mga paa palapit sa kanila.
"Siya na ba ang Eris na inutos ni Ms. Gorrie?" Bulong ng isa at matama akong tinignan. Bakit Miss pa si Tita Leticia? Eh kasi naman po, hindi siya pinakasalan ng ama ni Danica at mabuti na lamang at hindi siya pinakasalan ni Daddy! Ayaw kong maging magka-apelyido kami ng bruhang 'yon!
"Oo siya nga 'yan." Sagot naman ng isa at may tinignan pa sa kanyang palad na may papel or something.
Isa-isa silang lumapit sa akin at tangka akong hawakan ng magsalita ako.
"Touch me and we'll see each other in hell." Malamig kong binanggit dahilan upang tumigil sila sa balak nilang hawakan ako.
One of them dare to move his filthy hands and touched my wrist.
Umirap ako at ngumisi.Tumalon ako ng mataas at walang pasubaling pinated sa mukha ang mapangahas. Dumugo ang kanyang ilong at pumutok ang labi. Napangiwi ako. Ang hina nung pated ko bakit naging ganyan agad ang kanyang hitsura?
Tinulungan siya ng kanyang mga kasamahang bumangon.
"Damn you!" Malakas niyang sinabi at isa-isa nila akong sinugod. Itinaas ko ang aking gitnang daliri. You want to fight? I'm gonna give you the satisfaction.
Lumapit ang isa sa akin pero bago niya pa ako mahawakan ay natabig ko na ng malakas ang kanyang kamay. Ipinaikot ko siya at walang kahirap-hirap na tinapon sa kakahuyan.
Sabay namang umamba ng suntok ang dalawa pero napigilan iyong ng dalawa kong palad. Nanlalaki ang mga mata nila.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak non hanggang sa mamilipit sila sa sakit. Tinuhod ko ang kanilang kayamanan kaya napaluhod sila sa sakit.
Dumalo naman ang tatlo pa. Kinuha ng isa ang aking kamay. Masyado siyang mabilis kaya hindi ako nakailag. Walang kahirap-hirap niya akong binuhat at binagsak sa lupa. Damn! Ang sakit ng pwet ko.
Nakaupo ako at ngumingiwi pa rin dulot ng sakit sa pagkabagsak ko ng mahawakan ng dalawa pa ang aking mga kamay.
Nilapitan ako ng isa at hinawakan ang baba ko.
"Akala mo ay makakaya mo kami? Akala mo maiisahan mo kami,paslit?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang 'paslit' the hell? Ako bata?
Dinuraan ko siya at walang ano-anong pinated siya. Kinagat ko ang isang kamay na nakahawak sa akin kaya napabitaw siya. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon na hawakan ang kanyang braso at hinigit para itapon sa isa pang may hawak sa akin.Napatumba silang dalawa. Tumayo ako at pinagpagan ang aking damit.
Mga lampa!Naramdaman kong may tao sa likod ko kaya bago pa niya ako mahawakan ay yumuko ako at pinated siya. Natumba siya at nakita ko ang kutsilyong mukhang isasaksak niya sa akin.
Kinuha ko 'yon at nilapitan siya na namimilipit sa sakit.
Inilapit ko ito sa kanyang leeg at tinignan siya sa mata.
"Tell your boss what I did." Huling sinabi ko at naglakad na parang walang nangyari. Nahagip ng tingin ko ang isang pares ng mata sa isa sa mga damong nakapalibot.
"Come on out." Lumabas naman ang isang lalaking nakangiti sa akin. I raised my brow, not bad. He's handsome. But what is he doing here,anyway?
"Napanood mo?" I asked at nagsimula ng maglakad. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.
"Yup. Ang galing mo. Akala ko ay kailangan pa kitang tulungan." Sabi niya.
Nagkibit ako ng balikat. Hindi naman ako magaling. Lampa lang talaga ang mga lalaking 'yon."Nico." Nilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Nico? Bago ko pa naabot ang kanyang kamay ay bigla na lamang niya akong niyakap. Sa isang iglap lang nagkapalit kami ng pwesto. Imbes nasa unahan ko siya ay niyakap niya ako para siya 'yong nasa huli.
Ngumiti siya sa akin before I heard a gun shot. Lumuwang ang pagkakayakap niya sa akin at may naramdaman akong malapot sa kanyang likod.
Nanginginig kong itinaas ang aking kamay na ngayo'y maraming dugo. An-ong nangyayari? Tumingin ako sa likod at nakita si Celyn na may hawak nun. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Ba-kit? Gusto kong maiyak pero walang luhang tumutulo.
"Are you okay?" Bulong ni Nico at hinawakan ng marahan ang aking pisngi.
"Ako ang dapat magtanong sa'yo niyan!" Nagpapanic kong sigaw at marahas na dumaloy ang aking mga luha.
Bakit niya sinalo ang balang para sa akin? Bakit sa dinaraming tao, bakit si Celyn pa?Nakita ko ang pag-iyak ni Celyn bago tumakbo papalayo.
Nanghihina ang katawan ni Nico at napabagsak kami sa lupa. Hinawakan ko ang kanyang pisngi."Dadalhin kita sa Headquarters!" Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bubuhatin ko ba siya patungo doon? Gosh! Can someone help us?
Pinunasan niya ang mga luha ko.
"Hey, don't cry please." Bulong niya. Sinong hindi maiiyak sa sitwasyon na ito? He saved me! He fucking saved me! At ngayon siya ang napuruhan ng dahil sa akin!
May narinig akong mga yapak ng paa patungo sa amin. Nag-angat ako ng tingin at nakita sila Dark.
"Omygosh! Anong nangyari?!" Pahisteryang sigaw ni Grace at nilapitan si Nico. Dali-dali namang tumulong sila Ethan at First. Dinaluhan naman ako ni Dark ngunit tinabig ko lang ang kamay niyang nakahawak sa aking balikat.
"Eris!" Sigaw ni Eli at niyakap ako ng mahigpit.
"Are you okay? Napuruhan ka ba?" Sunod sunod niyang tanong. Tumango ako,unable to speak.
"Saan?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa para sa sugat pero umiling ako.
"I'm fine." Sagot ko at naglakad patungo sa kung saan nila dinala si Nico.
Celyn. Why did you do this?