"Stay right here,I'll be back." Sabi niya at hinalikan ang aking noo bago nagmamadaling umalis para puntuhan ang kakambal ko.
Pinagmasdan ko lang ang likod niyang lumalayo sa akin.
Umihip ang malamig na hangin na nagpadagdag sa takot na aking nararamdaman sa mga oras na ito.
Ilang minuto na rin ang lumipas at hindi pa nakakabalik si D.E
Mga negatibong bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon.
Paano kung may masamang nangyari na sa kakambal ko at sa kay D.E? Pati na rin kay E.G?
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung ganoon nga.
Ako ang may gustong pumunta kami dito sa lumang mansyon na ito.
Hindi ko naman inakala na may mga masasamang tao pala dito ee.
Gusto kong maiyak ng sobra-sobra pero parang naubos na ang luha ko at wala na akong maiiyak pa.
Nakarinig ako ng mga yabag ng paa na papunta dito,kaya tumingala ako.
Ngumiti ako ng makitang sila ito.
Mabilis akong tumayo at niyakap ang kakambal ko.
"Eliiii!" Tumalon ako,pati rin siya.
"Eriiiii!" Sigaw niya din at niyakap ako ng mahigpit.
Narinig namin ang tawanan ng dalawang lalaking kasama namin kaya bumitiw kami sa isa't-isa at masama silang tinignan pero tumawa lang din naman.
Sa gitna ng tawanan namin,may narinig kami ng kasa ng baril.
Sabay naming nilingon ang lalaking nakangiti ng parang demonyo sa amin.
Hinawakan ni D.E ang kamay ko at hinila ako papuntang likod niya,para bang pinoprotektahan ako. Ganun din ang ginawa ni E.G sa kakambal kong katulad ko'y naiiyak na din.
