Bloody Twenty-One

3.2K 88 0
                                    


Third Person's PoV :

HUMAHANGOS ang lalaking naka-pula patungo sa silid ng kanyang amo.
Kumatok muna siya ng mahinahon,ng marinig ang boses galing sa loob na nagsasabing pwede na siyang pumasok ay dali-dali niyang binuksan ang pinto at nag-bow sa lalaking naka-pula na nakaupo sa isang pulang swivel chair.
Nakatukod sa lamesa ang dalawang siko at hinihintay ang dalang balita ng isa.

"Boss,naghahanda na sila,ano po ang ating gagawin? Lulusubin na ba natin sila?" Sunod-sunod na tanong ng lalaking nakapula.

"Padalhan mo ng sulat,sabihan mong darating tayo mamayang alas-dose ng hating gabi,paniwalain mong pupunta tayo pero hindi,walang taga Hell Campus ang darating. Ito'y aking utos."
Nagtaka ang lalaki at muling nagtanong,

"Pero,Boss? Bakit naman? Ito ang magandang pagkakataon para kunin ang dapat kunin!"

Tinignan siya ng lalaking nasa mid-thirties,bakas pa rin ang kagwapuhan nito. Natakot naman siya sa klaseng titig na ipinukol.

"I want to see his downfall,not because of my revenge nor my vengeance but because of that woman." Humalakhak ito na parang nababaliw. Di naman mapigilan ng lalaki ang mapangiti din.

Behind every great man is a great woman,and behind every man's downfall is all because of his woman.

~*~

Phoebe's PoV :
Alas onse na ng gabi, pero hindi pa rin nagpaparamdam ang mga kalaban.
What the hell took them so long para pumunta dito?
"Easy." Bulong sa akin ni Gregory.
I arched my eyebrows to him.

"Wag kang sumimangot,mas lalo kang pumapanget eh." Bulong niya pa!
Kumukulo ang dugo ko sa lalaking ito!

"Bwesit! Wag mo nga akong kausapin!" Inis kong sigaw,dahilan upang lingunin ako ni Danica. Psh.

"Wag kayong maingay." Saway niya sa amin. Porket nandito mommy niya ganyan na siya umasta? But I must pretend na mabait din sa kanya,tsk tsk,madaldal kasi itong Gregoryong ito eh kaya ayan tuloy! Napilitan akong ngumiti sa kanya.

"Isabella." Bulong niya ulit.

"I'm not Isabella,please stop calling me that name." I seriously said.
Hindi ko feel ang pangalang Isabella. Sino ba kasi iyan? Diba?

Hindi na siya muling nagsalita pa kaya hinayaan ko na.

Maya-maya pay may narinig kaming pagsabog!
Dali-dali kaming kumilos at sumakay sa kanya-kanyang kabayo.
Narinig ko pa ang pagtili ni Eris dahil sa nangyari.

Napadpad kami sa kagubatan,pero wala naman kaming nakitang tao.
Isang bomba lang ang meron.
Nasaan na ba ang mga taga Hell Campus? Damn.

Saglit na tumahimik ang lahat ng bumaba si Dark ng kabayo.
Naiwan si Eris na nakatulala.
Hay naku,Eris,malakas ka naman eh,pinapangunahan mo kasi ang sarili ng takot.

"Everybody,Duck!" Nakakabinging sigaw ni Dark,dali-dali kaming bumaba lahat ng kabayo at dumapa gaya ng utos.

Umulan ng mga pana! Damn!
Hinila ako ni First patungo sa kanya at niyakap.
Pilit ko siyang tinutulak.

"Ano bang ginagawa mo? Kaya ko ang sarili ko kaya pwede ba?" Inis kong sabi.

"Don't look,please cover your ears." Hindi ko siya maintindihan. Nagsusumamo ang kanyang mga mata.
Bakit ba? Sa dinami-dami kong nasabakang giyera,ngayon pa ba ako uurong at susundin siya?
Umiling ako at tumayo.
Wala ng mga pana pero may babaeng nakatayo sa sanga ng puno.
Nakamaskara ng puti at naka-all white,parehong-pareho sa attire ni Erzah.

Nakatayo na din ang lahat,at kagaya ko,nakatingin lang sila sa babae.

"Eris Dionne Chan." Malamig niyang sinabi habang nakatingin kay Eris na nakatayo at nakatingin din sa babae.
Si Dark ay nasa likod lang ni Eris,anong ginagawa niya? Baka kalaban ito at dapat niyang protektahan si Eris!

"Hannah Isabella Fernandez." Malamig na sagot ni Eris. Kilala niya? Pero?
An-ong? Isabella?
Tinignan ko si Gregory na hindi makatingin ng diretso sa akin.
Tinignan kong muli ang babae,so,siya si Isabella? Even with her mask on,she looks just like me.

Nangingilid ang luha ko sa aking mga mata.

"Phoebe." Sabay-sabay na sabi nila Grace,Channel,Erzah at Ethan.
Alam nila? Pinilit kong ngumiti.
So,ito pala ang dahilan kung bakit gusto niyang takpan ang mga mata ko? Pati tenga? Para di ko marinig ang pangalan ng babae?

"I'm here to inform you that Hell Campus will not come tonight,we'll postpone it. Nice Meeting you again,Eris."
Huling sabi niya bago umalis.
Nagsi-alisan na din ang lahat,hindi ako makalakad,parang naging tuod na ang mga paa ko.

"Phoebe." Bulong ni First.
I ignored him and wiped my tears.
Psh!

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon