Bloody Nineteen

3K 102 1
                                        


"Chill bro,chill." Nakataas pa ang kamay ni Ethan habang sinasabi ang mga katagang ito.
Poker face lang naman si Dark,para silang nag-uusap sa mga mata lang.

"Come." Nilahad ni Dark ang kamay niya sa akin. Eh? Enebe.
Inabot ko ang kamay ko,at biglaan akong nahiya,anlambot ng kamay niya para bang walang trabaho.
Hiyang-hiya naman ng makupal kong kamay. Eme. Babawiin ko na sana kaso mas lalo niya lang hinigpitan.

Tumingin ako sa kanya pero nakatingin pa rin siya kay Ethan,ngayon,mas seryoso.
Ako tuloy ang kinakabahan para sa kanila. Pero? Magkapatid ba sila?
Ethan Gray Cray? Dark Eros Cray?
Pero si Erzah?
Ay ewan,nalilito na ako.

Nabalik ang diwa ko ng hinila ako ni Dark patungo sa kung saan.
Wala akong lakas para magpumiglas o I rather say,
Gusto ko namang magpahila sa kanya kaya hindi ako nagpumiglas.

Huminto kami sa may sikretong pasilyo.
Nilibot ko ang paningin ko,ngayon lang ako nakapunta dito.
I mean,parang di familiar sa akin ang lugar na ito.

"Ms. Chan" tumingin ako sa kanya.

"Are you alright?" Sobrang lambot ng pagkakatanong niya nito.
Parang may nabara sa aking lalamunan kaya hindi ako makapagsalita.

"Hmm?" Even his hummed sounds like an angel. Why is this man so perfect?

"A-yos lang ako." Tumingin ako sa ibang direksyon.
The sun is shinning brightly but the wind is crazily blowing,and it blows my hair.
Ito ang dahilan kung bakit sumabog ng husto ang aking buhok,kailangan ko pa itong sikupin para magmukhang desente pa rin sa paningin ni Mr. Cray.

Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Para bang may sinusuri,hindi tuloy ako mapakali. His stares makes me uneasy.

"I don't like your uniform." Napatingin ako sa aking suot. Medyo maikli nga ang palda nito.
Hinawakan ko ang laylayan at pilit ibinababa. Lantad na lantad kasi ang kalahati kong legs.

"Go,change. Tell Phoebe to give you the clothes I gave." I stared at him for a while,he did the same.
Tanging ang huni lang ng mga ibon ang naririnig ko ngayon. Isn't this romantic?

"Kilala mo si Phoebe?"
Tumango lang siya,muling umihip ang malamig na hangin,napapikit ako dahil sumabog muli ang buhok ko,akmang sasakupin ko ito ng maunahan niya ako. He caressed it softly dahilan upang mapapikit akong muli.
He turned my hair sideways so that it couldn't touch my face,specifically my eyes.
Nagtamang muli ang aming mga mata. Katulad ng dati,walang emosyon ang mababasa.
I tried to give him a little smile,but I think it turned out an awkward one.

"Thanks."
Nilapit niya ang bibig niya sa may tenga ko at di mapigilan ng puso ko ang mag-react.

"Meet me here,after changing your clothes. I'll wait." Bulong niya sa akin.
Tumango ako at di na nakapagsalita.

Mga ilang minuto din kaming ganun ang pwesto bago niya hinalikan ang noo ko.
I closed my eyes,anticipating for a kiss in the lips pero wala.
He smiled at sinenyasan akong pumunta sa may dormitoryo para makapagbihis.
Iyon nga ang ginawa ko.

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon