Lumipas ang Isang Linggo pero walang mga taga Hell Campus na nagpaparamdam. Ano kayang plano ni Mr. Gorrie,ngayon? May pasabog kaya siya? What about Tita Leticia? May plano kaya siya? Mukhang hindi naman niya alam na alam ko na ang lahat at mukhang hindi pa din niya batid na nandidito si Elizabeth.Walang niisa maliban sa amin nila Dark,White,Gray partida mga kulay pala ang mga pangalan ng magkakapatid na ito.
Kilala ko na si White noon pa man, pero hindi naman siya nakikipaglaro sa amin. Mas mahilig siya sa mga barbie dolls at bahay-bahayan which is not really our thing ni Eli. Mas gusto namin ang baril-barilan at patay-patayan,mas gusto namin ng thrill kaya mas close kami nila Ethan at Dark.
Ang tatlong bibe at si First lang ang nakakaalam na buhay si Eli at nagtatago siya rito. Kaya kung mabulgar man ang lihim naming ito,tiyak isa sa amin ang traydor. Which I doubt. Mapagkakatiwalaan naman kasi silang lahat at hindi biro ang pitong taon na pagsasama nila kung sasayangin lang nila.
Isa pa ay pareho lang naman kami ng layunin, ang mapatay si Tita Leticia. Nanggigigil talaga ako! Gusto ko siyang patayin gamit ang sarili kong mga kamay gaya ng pagpatay niya sa aking Ama! I loathe her so much! I don't care if I'll go to hell, basta ba ay mapatay ko talaga siya in a very brutal way.
"What are you smirking at?" Napatalon ako sa gulat ng biglaang nagsalita sa may gilid ko si Nathan or Dark or whatever. Kailangan niyang mag-disguise bilang ganyan para daw makita ako. What a lame excuse for that! Kaya pala titig na titig siya sa akin noong pinakilala siya bilang transferee. Even the teachers ay hindi alam na siya at Hari ng Paaralan na ito ay iisa. Well, si Tita Leticia daw ang may pakana ng Bloody Royals na 'yan. Supposedly, si Danica na labis pa lang nagnanasa sa aking Dark, ang dapat maging Reyna pero hindi gusto ni Danica. Gusto niya mas mataas ang rango niya sa kay Dark,para mapasunod niya ito. Pitiful, kahit anong i-utos niya kayang sundin ni Dark pero ang ibigin siya ay hindi nito magagawa. Duh! I stole his heart ever since and I don't want it to be stole by someone else.
"May naisip lang ako." Ngumiti ako sa kanya. Tinukso na naman ka kami ng nga kaklase ko kaya umiirap ako. Hindi pa pala humuhupa ang issue ng pagkanta namin ni Nathan sa subject ni Ms. Aurora.
"Let's go?" Kinuha ni Nathan, ah! I prefer to call him Dark nalang. Shit nakakalito eh, ang aking kamay at sabay kaming pumunta sa cafeteria.
Nagkasalubong kami ni Celyn papunta roon. I smiled at her pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Her problem is? Bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay ni Nathan. I raised my brow.
"Let's talk." Mahinahon niyang sinabi sabay ang buntong hininga. Para bang ang makitang hawak hawak ni Nathan ang kamay ko ay napakalaking problema sa kanya.
"Saan?" Kinalas ko ang kamay ko kay Dark kaya tinaliman niya ako ng tingin. Ngumuso ako.
"Mauna ka na,Da-rna." Muntik ko ng masabi ang pangalan niya. Mas lalong tumalim ang kanyang titig.
"Darna?" Natatawang tanong ni Celyn. Right! Wala kasi akong ibang maisip.
"Some sort of endearment? Funny." Si Celyn ulit at bahagyang tumawa. Nagpeke ako ng ngisi.
"Oo. Darna tawag ko sa kanya kasi mukha siyang babae. Hehe." Palusot ko at kinamot ang batok. Jusko anong klaseng kasinungalingan 'yan,Eris?
"Okay. Tara na, doon tayo sa classroom." Hinawakan ni Celyn ang aking kamay. Nilingon ko si Dark na nakakunot ang noo sa akin. I give a small smile.
"Una ka na sa Cafeteria. Susunod ako." Tumango na lamang siya at bahagya akong inirapan. Bakla! Bagay talagang tawagin siyang Darna!
Narating namin ni Celyn ang tahimik naming classroom. I'm still wondering kung anong pag-uusapan namin ngayon.
Umupo siya sa kanyang silya habang ako'y nanatili lang nakatayo. Hinilig ko ang aking katawan sa malamig na dingding ng silid-aralan.
"Kayo na ba ni Nathan,Eris? What about Dark?" Tanong niya. Seriously, what's with her? Concern ba siya?
"Hindi ko alam. Di naman siya nanligaw sa akin, kaya magkaibigan lang kami." Balewala kong tugon at pumipikit. I need sleep.
"Eh? Papaano si Dark? You're two timing!" Inis niyang sabi. Wait. Parang may nase-sense ako dito kay Celyn. Ngumisi ako at tinignan siya.
"Gusto mo ba si Nathan?" Diretsahan kong tanong na nagpamutla sa kanya. There.
"H-hindi! An-o bang sinasabi mo diyan,Eris." Namula ang kanyang pisngi at nautal siya. Halata masyado ang isang ito.
"Wag mo na ngang i-deny. Tayo tayo lang naman ang nandidito eh." Sabay pasada ko sa napakatahimik naming classroom. Nasa cafeteria ang lahat para sa recess.
"E-h hindi nga." Ngumuso siya at namula pa. Umiling ako.
"Sorry pero off limits na siya." Inirapan ko siya at pinikit ulit ang aking mga mata.
"Hindi ko nga siya gusto. Pero Eris, papaano si Dark? I mean diba,nagkakamabutihan na kayo? You even told me that you two kissed." Mariin niyang sinabi. Dumilat ako at inirapan ulit siya. Bakit ko nga ulit naging kaibigan ang isang ito? At bakit ko naisipang ikwento sa kanya ang tungkol sa mga halikan namin ni Dark? Ah. Right. Dahil wala akong ibang masabihan nun,kung hindi siya lang tsaka friends naman kami nito,hindi ko nga lang alam kung bakit at papaano.
"Sino ba talaga sa kanila, Eris?" Gulo niyang tanong.
"Both." Sagot ko na nagpairap sa kanya.
"Akin nalang si Nathan." Bulong bulong niya na naririnig ko naman.
"No way,Nerdy friend. Hanapan nalang kita ng iba." Sabay ngisi ko kaya umismid siya.
"Eris 'yong payo ko sa'yo. Wag magtitiwala ng kung sino." I smiled at her concern face. She really cares for me,sincerely. I can feel it. I just don't know why she's doing this. We're not relatives.
"Di ko makakalimutan 'yan." Sagot ko. Buo na ang desisyon ko. I will only trust The Bloody Royals.
