Bloody Forty-One

2.2K 67 1
                                    


"Gaya mo ay nakatanggap din ng mensahe si Elizabeth galing sa paaralang ito. Nakawala siya kay Tita Leticia noon, pilit ka niyang hinahanap pero hindi ka niya mahagilap. Kinupkop siya ng kaibigan ni Tita Leticia na si Veronica. Hindi na rin maalala pa ni Elizabeth ang mga pangyayari noon, dahil na traumatized siya. Ni hindi niya rin kami maalala." Napagpasyahan namin ni Dark na lumabas sa pasilyong iyon at naghanap ng mauupuan. Nakakangalay din kasi ang tumayo.

"7 years ago,dumating si Elizabeth dito. Hindi niya na makilala si Ethan. Ngunit siguro ay lukso na rin ng puso. Nagkamabutihan sila at humantong sa isang relasyon na mahigpit na pinagbabawal dito."

"Eh teka, ang ibig mo bang sabihin ay nandito na kayo sa Paaralang ito noon pa?" Tumango naman si Dark sa tanong ko.

"Nakipag-deal kami sa kanya. Hindi kami magsusumbong sa awtoridad at pipirmahan namin ang dapat na pipirmahan basta ba ay mapayapa kaming mananatili rito. Hindi pa namin pwedeng pirmahan ang mga papeles since mga bata pa kami. Twenty pa lang ako ngayon. Dapat ay twenty one na ang aking edad bago mapirmahan iyon." Tumango tango ako. Magkaedad lang kami ni Dark, mas matanda lang siya ng isang buwan sa akin.

"Dinukot ng mga taga Hell Campus si Elizabeth, ang paaralan na pinamumunuan ni Mr. Gorrie." Nanindig ang mga balahibo ko sa pangalan ng demonyong 'yon!

"Bakit?" Taka kong tanong at nahiga sa mga hita niya. Nasa ilalim kami ng malaking puno. Nakaupo sa damuhan.

"Sakim si Tita Leticia, gusto niyang sa kanya mapunta lahat ng pera at kayamanan natin, kaya nasa puder niya kami. Napag-alaman ni Mr. Gorrie na nandito si Elizabeth kaya dinukot niya."

Ngayon,malinaw na sa akin ang mga pangyayari. Masarap sa pakiramdam na maalala mo ang iyong nakaraan.

"Si Nanay? Sino siya?" Tanong ko at napasimangot. Hindi siya ang tunay kong Mama. Namatay na si Mommy.

"Kapatid ni Tita Leticia." Shit. Kaya pala medyo hawig sila! At oo, ang nasabihan kong magandang babae na Principal ay si Tita Leticia! Damn. Panget pala siya.

"Eh, ano naman 'yong cyclopes? Bakit mayroon silang ganoon?" Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kaba ng muling lumitaw sa aking isip ang higante na may isang mata.

"Tao iyon dati, anak ni Mr. Gorrie, mamatay na siya dahil sa sakit. Hindi naman pwedeng lumabas dito sa paaralang ito kaya nag-ekspiremento sila."

"Bakit nandito ang anak ni Mr. Gorrie?" Taka kong tanong. Diba dapat ay nasa kabilang school siya?

"Dinukot ni Tita Leticia, para magalit si Mr. Gorrie at ipasirado ang Hell Campus, kaso nabigo siya. Tila walang paki-alam si Mr. Gorrie sa kanyang anak." Grabe namang ama siya! Napakawalang puso!

"Kung ano-ano ang itinurok nila sa kanya kaya naging ganoon kalaki at nagmistulang hayop ang itsura. Nakakulong iyon sa isang malaking silid dito. Ginawa nila iyong test para sa mga estudyanteng mag-aaral dito. Kung matalo nila iyon ay makakapasok sila." Tumango muli ako.

"Natalo rin ba ni Eli ang cyclopes?" Umiling si Dark.

"Hindi pa nalilikha ang nilalang na iyon noon,Eris." Ah that explains.

Tumayo na ako galing sa pagkakahiga kaya tumayo na din si Dark.

"Enlightened?" Tumango ako at matamis na ngumiti.

-
Grace's PoV :

Masaya ako ngayon, naibalik na rito si Elizabeth. Masaya na ang lahat. Hindi ko din mapigilang ngumiti ng makita ang magkahawak kamay na si Eris at Eros patungo rito sa Dorm. Sa totoo lang ay wala akong gusto kay Mr. Cray. Siguro nagwagwapuhan pero hindi talaga gusto.

Wala din naman akong galit kay Eris, eh. Kinailangan ko lang umaktong papatayin siya noon. Plano naman iyong lahat. Napaka-imposibleng hindi mahalata ni Mr. Cray na may binabalak ako kay Eris. Ginawa lang namin iyon para mapalabas ang nagtatagong si Nico Kristoffer Guevarra. Ang nakakatandang kapatid nila Elizabeth at Eris. Oo, kuya nila. Half nga lang, anak ng Mommy nila sa pagkadalaga.

Alam na ni Eli ang patungkol rito, ewan kung sinabi na ba ni Mr. Cray kay Eris ang tungkol doon.

Alam ko naman na susulpot siya kapag tatangkain kong patayin si Eris. Mahal niya kaya ang kapatid niya.

Pero ngayon ay hindi na naman namin mahagilap. Siguro'y nalaman niya ang plano namin.

Sayang, akala ko forever ko na siya. Kidding.

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon