"It wasn't love,it was a perfect illusion."
Nakakabinging kanta ni Channel habang naliligo. Tsk."It wasn't loveeeeeee! It was a perfect illusion." Inis kong binato ng sapatos ang pintuan ng cr.
Nagtataka akong tiningnan nila Phoebe and Grace.
Tss! Oo na! Hindi iyong Pagmahahal kundi isang perpektong ilusyon lamang,kailangan paulit-ulitin?
Ewan ko ba kung bakit ako naiinis!
Para kasing sa kanta niyang iyan ay nagpapahiwatig sa nangyari kahapon.
Iyong ano.. Iyong ano nga.
Tss!Sinamaan ko sila ng tingin bago lumabas ng kwarto.
Alas sais na at naliligo pa si Channel,sabagay,maaga pa naman.Lumabas ako ng dormitoryo at nakita ang mga kapwang estudyanteng tahimik na naglalakad sa may pasilyo patungong paaralan.
Inayos ko ang aking uniporme na plinantsa ni Grace kagabi.
Mini skirt na kulay maroon at kulay maroong long sleeve blouse na may neck tie na kulay maroon din.
Di ko man lang nagawa itong i-appreciate nung bago pa lang ako dito,
Sabi nga nila,kapag wala kang magawa,lahat napupuna at naa-appreciate mo."Aray!" Reklamo ko ng biglang may bumatok sa akin. Nakakunot-noo kong binalingan ng tingin si Channel na tawa ng tawa sa reaksyon ko.
"Tara na,baka ma-late pa tayo." Masiglang sabi ni Grace.
Pero pareho kaming natahimik ng binigyan kami ng napakasamang tingin ng mga estudyante.
Bakit? Anong meron?
Hinihimas ko ang aking batok ng binatukan ulit ako ni Channel.
Sumusobra na tong babaeng ito huh?"Wag niyong sabihing ngayon ang araw na iyon,guys?" Tanong ni Phoebe na nakatutop pa ang kamay sa bibig.
"Ngayon nga iyon,tignan niyo,tignan niyo!" Tili ni Channel. Sinundan ko ng tingin kung saan nakapirmi ang mata niya,and?
All I could see right now,are people,horses.
Wait did I say,horses? Wengya bat may mga kabayo?"Bat natin nakalimutan?!" Hysterical na sabi ni Phoebe at dali-daling pumasok ulit sa dormitory.
Anong nangyayari?Sinundan ko sila pabalik ng biglang may namataan akong lalaking nakatingin sa akin.
Lalaking may gintong maskara,sinenyasan niya akong lumapit kaya ganun ang ginawa ko.
Habang naglalakad,di mapigilan ng puso kong mag-react.
Abnormal ang tibok nito,at di ko mapangalanan kung bakit o ano ito?Abot-abot ang tahip ng aking dibdib ng nasa harap ko na siya.
Nakatungo lang ako dahil nahihiya akong tignan siya sa mata.
Narito kami sa isang liblib na pasilyo patungong building Two."The kiss." Panimula niya na nagpakabog ng malakas sa puso ko.
Namumula ang pisngi ko at di ako mapakali."Sorry about that." Bat naghihingi siya ng patawad?
Dahil ba hindi niya sinadya iyon? O sinadya niya iyon?
I prefer the latter."Sorry,sana'y hindi ka nag-assume. Wala lang iyon,I mean,na-tripan lang kitang halikan." Explain niya pa na nagpakulo ng ulo ko!
Ano dawng sinabi niya?
Na-tripan? At ano? Sana hindi ako mag-assume?
Huh? Anong akala niya assuming ako? Hindi nga ako nag-assume na gusto niya ako eh! Na,I got him enchanted eh!
Ha! Manloloko! Paasa!Tinignan ko siya sa mga mata,and
Hell yeah,I was right.
Bukod sa nag-tagalog siya,though magkaparehas sila ng boses,hindi mo maipagkaka-ilang hindi si Dark ito.Magaganda din ang mata nito but Dark's eyes were blue and his are Brown.
Halos lahat ng physical aspect from the broad chest,biceps to feet,magkapareho sila.
Kaya kanina akala ko siya ito eh."Who are you?" I clenched my jaw.
Kita ko ang gulat sa kanya ng narinig ang aking tanong.
Nakaka-sorpresa ba ang tanong ko?
I smirked."Mr. Cray,remember? The one who kissed you yesterday. It was me." Kahit anong kumbinsi niya ay di pa rin ako na-convince.
"You're not him,stop it." He sighed and look at me once again.
"Nakita mo mga mata niya?" Di makapaniwalang tanong niya. I nodded.
Tumango-tango din siya."Now,sino ka?" Ngumiti siya pero malungkot iyon. Di katulad sa mga mata ni Dark na walang emosyon,ito ay napaka-expressive.
"Ethan Gray Cray,nice to meet you,Ms. Chan." Naglahad siya ng kamay bago ko pa natanggap iyon ay may arrow ng lumipad sa balikat niya,nadaplisan nito ang braso niya.
What the hell?
"Are you okay?" Nag-aalala kong tanong. Tumawa lang siya."Anong nakakatawa?" Inosente kong tanong. Umiling siya habang natatawa pa rin. Nababaliw na ba ito?
"Fvck off." Isang malamig na boses ang narinig ko sa aking likuran.
Napangiti ako ng di-oras. Now,this man behind me is definitely,Dark.Lokohin niyo na kung sino,pero kilalang-kilala ko ang presensya ng taong nasa likod ko.
His presence never fails to scared and at the same time excites me.Kahit anong pagkakapareho ng isang tao,makilala at makilala mo kung sino ang lalaking gusto mo.
