Bloody One

6.1K 158 8
                                    

Bloody 1
Newbie

Ginala ko ang aking mata sa silid na kinaroroonan ko. Ito daw ang Principal's Office sabi nung dalawang lalaking naghatid sa akin.  Hindi naman sila nakakatakot,medyo lang at sumasagot naman kapag tinatanong kaya gumaan ang pakiramdam ko.
Kahindik hindik ang paglalakbay patungo dito sa paaralang 'to. Grabe 'yong mga pagtiling ginawa ko dahil sa pagbaba ng elevator. I'm sure nasa ilalim kami ng lupa ngayon. Sinong mag-aakalang may Paaralan dito diba? Ang galing naman ng gumawa nito. Papalakpakan ko na ba? I rolled my eyes at my own silly thoughts.

Akala ko ay malinis, maraming papel na nakakalat,may mga nakasabit na mga picture ng mga namamahala,at pang Typical na Principal talaga ang lugar pero,ako'y nagkamali. Maling mali.

Madaming patalim na nakasabit sa may dingding nitong malaking silid na ito. Iba't-ibang klase ng patalim,pinapalibutan nito ang isang painting ng lalaki at babae. Parang mag-asawa ata? May nakamarka pang di ko maintindihan na mga letra sa baba noon.
Kulay violet ang tema ng silid na ito.

May mga naka-display ding mga baril sa mga cabinet. Why so creepy? Yet nice and magnificent.

Umupo ako ulit ng marinig ang kaluskos galing sa pintuan.
Bumukas iyon,at niluwa ang isang babaeng naka all violet.
Violet barrette sa violet niyang buhok,violet tube with violet blazer,violet high waist jeans and violet stilettos.
Violet din ang kanyang manipis na labi. Ngumisi siya sa akin at marahang umupo sa harapan ko. Hindi halatang obsessed siya sa kulay Violet ah? Hindi talaga halata.

Is she the principal?
Ang ganda niya naman at mukhang nasa mid-thirties na yet sophisticated pa rin. May kapatid kaya 'to na ka-edad ko? At pwedeng ma-reto sa akin? Para may forever na ako?

May kinalikot siya sa kanyang drawer,para lang akong tangang nakatingin sa kanya,hindi ko maiwasang hindi tumitig sa napakaganda niyang mukha. Pati ang kilos niya'y napakahinhin. 'Yong tipong hindi nakakabasag ng pinggan?

"Here's your uniform,Ms.Chan,you can now proceed to your classroom." She said habang may nakakatakot na ngisi sa kanyang labi. Okay?

Nangangatog ang tuhod ko at nanginginig ang aking kamay na inabot ang uniform ko kuno. Mas lalong lumawak ang ngisi niya ng makita ang reaksyon ko. So,masaya pa siyang nakikita akong nanginginig rito? Ansama naman.

Dali-dali akong tumayo at lalabas na sana ng pigilan niya ako,hindi siya nagsalita,tanging ang maliit na kutsilyo lang na binato niya malapit sa pintuan ang nagpahinto sa akin.

"Kill,like nobody's watching,don't forget our motto." Madiin niyang sabi na nagpanindig ng mga balahibo ko sa katawan. Pati ata ang mga balahibo ko sa 'ano' ay tumaas,eh.
Gosh Eris, how can you joke at situations like this? I deserve a medal!

Natatakot man ay di ko nalang siya pinansin at nagsimula ng maglakad patungong classroom daw namin.
Nagtanong-tanong ako sa mga estudyanteng nadadaanan ko pero wala man lang niisang sumagot sa akin! Marami kasing mga estudyanteng nakatambay pa sa corridors ng school at para silang mangangain ng buhay. Damn! Nakakatakot naman kasi ang pinupukol nilang titig sa akin. Like I'm some kind of prey they're eyeing for. May hinihintay lang silang oras bago umatake! Now, it's creepy! Bakit nga ba ako napunta sa paaralang ito? Damn.

Nagkibit nalang ako ng balikat at hinanap ang Registrars Office. Mabuti nalang at hindi ako nahirapang makita ang opisina ng striktang Registrar na may malalaking mga mata.

Binigyan niya ako ng schedule. Taray,mukha akong college nito! Well,supposedly 'yong edad ko ay pang-kolehiyo na. Thanks to my overprotective Nanay, kaya natagalan ako sa Highschool.

Tahimik ang mga classrooms na nadadaanan ko papunta sa Room 203.
Hindi ko makita ang nasa loob kasi tinted ang pader na nakapaligid sa kanya-kanyang silid. Pero malamang,nakikita nila ako galing sa loob.
Mukhang may aircon yata sa bawat classroom. Kahit na nakakatakot ay hindi ko maiwasang hindi mamangha! Air conditioned ang mga rooms, tiyak na hindi ako aabsent nito!

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng eskuylahan. May nakikita akong mga dugo sa kung saan-saang parte.
Iyong iba mukhang fresh pa pero yung iba mukhang matagal ng nakadikit.

Seriously? Wala ba silang Janitor? Walang naglilinis sa mga kalat? Kaya ba Bloody Campus ang tawag dahil may mga blood sa paligid? Astig!

May namataan akong dalawang babaeng nag-aaway sa likod ng Cafeteria. Dahil sa kuryosidad ay lumapit ako sa kanila.

"Walanghiya ka! Malandi ka babae ka!" Sigaw nung isang makapal ang make-up. Para siyang clown,hindi nakakatawa pero nakakatakot. She looks like a beast.

"Hindi ko sabing nilandi siya eh! Siya mismo ang nanligaw sa akin! Di ko naman alam na boyfriend mo iyon eh! Kung alam ko lang, edi sana ay hindi ko siya pinayagang manligaw!" Iyak nung isang simple lang. Walang arte sa katawan. Nakahilamos ang dalawang palad niya sa kanyang mukha.

Hindi nila ako nakikita dahil busy sila sa isa't-isa,ni hindi nga nila namalayan ang presensya ko dito. Mabuti nga at hindi nila ako napansin dahil baka sabihing tsismosa ako. Well, totoo naman.

"Tinuring kitang parang kapatid ko na Jean! At ito? Ito ang isusukli mo sa akin?" Naiiyak na iyong makapal ang make-up pero pinipigilan niya.
Mag-bestfriend ba sila? Tss. Lalaki lang pinag-aawayan ng ganito? If my conclusions were right, itong si Clown Girl ay may boyfriend at ang punyetang nobyo niya ay niligawan ang bestfriend niyang si Jean. Si Jean na walang malay, si Jean na hindi alam na may nobyo na pala ang kanyang matalik kaibigan.

'Yong lalaki talaga ang may kasalanan,eh. Anong akala niya sa mga babae? Barbecue? Na pwedeng tuhugin? Asar!

Love can destroy everything. Even friendships. Napailing ako, delikado ang ma-inlove sa lalaking mahal din ng kaibigan mo.

"Malandi!" Sigaw ng isa,muntik na akong mapatili mabuti nalang at natakpan ko ang bibig ko. Sinampal niya ng limang beses iyong babae! Walang preno! Sunod-sunod ang paglagapak ng kamay niya sa pisngi ni Jean! Ako ang nasasaktan para sa matambok na pisngi ni Jean at sa kamay ni Clown Girl. Sino ba talaga ang manok ko dito?

Hahakbang na sana ako upang makisabat at hopefully masabihan na pwede naman nila 'yong pag-usapan ng maayos at masinsinan ng biglang may nagsalita sa aking likod.

"Wag kang makialam." Isang babaeng nakangiti ang bumungad sa akin ng lumingon ako.

"Hannah." Sabay lahad ng kamay sa akin. Taka ko itong tinignan bago inabot.

-

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon