Bloody Twenty-Eight

3.1K 86 5
                                    

First Gregory's PoV :

Napangiti ang gwapo kong mukha ng makitang nakangiti si Phoebe.
Nag-uusap sila ngayon ni Channel,at di man lang nila namalayan ang napaka-gwapo kong presensya.
I sat two tables away from them dito sa cafeteria.
Pinagtitinginan ako ng mga babae at iyong iba,naglalaway na.
Hays. Pogi Problems.
Sa totoo lang ayaw ko ng gan'to. Araw-araw nalang ako nakakakita ng mga babaeng pinagpapantasyahan ang gwapo kong mukha at napaka-machong katawan.

"First Gregory,are you listening?" Untag sa akin ni Nathan. Nakalimutan kong kasama ko pala siya dito,napakamot ako sa batok.

"Tss. Aalis na ko,ikaw na magbayad ah?" Sabay takbo niya!

Tanginang Nathan Vergara na 'yon!
Kinapa ko ang wallet sa likod ng aking pantalon.

Wengya! Mabuti naman at may pera pa ako!
Akmang kukunin ko ang 500 pesos cash ng mapatingin ako sa gilid ng aking pitaka.
I smiled sadly.
Hannah Isabella.
Natatandaan ko pa ang huli naming pag-uusap bago siya lumayo.
Iyong babae na 'yon! Sinigaw pa talaga ang totoo kong pangalan nung naglalaro ako ng soccer!

Tumayo na ako at sumulyap ng isang beses kay Phoebe na ngayo'y nakatingin sa akin.
Akmang lalapitan ko sana siya ng umalis sila kaagad!
Ba't ba ang hirap suyuin ng mga babae kapag may topak?!
I sighed.

~*~
Phoebe's PoV :

"Ano ba bes! Dahan-dahan naman sa pagkakahila!" Sigaw ni Channel kaya binitawan ko na siya ng makitang nakalayo na kami sa gagong si Gregory.

Tinignan niya ako ng masama at nagtanong,

"Ayusin niyo na 'yan! Mag-usap kayo ng masinsinan hindi iyong pareho kayong patagong nagsusulyapan!" Namumula ang pisngi ko sa bintang niya,as much as I wanted to deny it,pero totoo naman!
What's keeping me from talking to him is the fact that I was hurt at hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan!
Eh ano ngayon kung mahal niya iyong si Hannah Isabella? First love niya or whatever? Mygad. Hindi ko maamin sa sarili kong nahuhulog nako sa kanya!

"Alam mo bes,mag-usap kayo para malinawan ka din sa mga tanong mo,ako nalang palagi tinatanong mo eh,malay ko ba diyan sa Hannah Isabella na iyan?" Inis na sabi ni Channel at lumakad paalis. Iniwan ako ng nakanga-nga! Meron na iyon? Bakit ang sungit?

Nagkibit ako ng balikat at sinundan nalang din siya pabalik ng dormitoryo,wala naman nang pasok eh.

"Phoebe!" Sigaw ni Eris kasama si Dark.

"Uy! anong ginagawa niyo diyan?" Tanong ko,anong ginagawa nila sa ilalim ng puno? Iyong suot kasing blouse ni Eris ay gusot-gusot tas iyong buhok din,si Dark naman ay hindi maayos ang kalagayan ng gray t-shirt niya.
Wag niyong sabihin!

Napatakip ako sa aking bibig na ikinagulat ni Eris,si Dark naman ay poker face.

"Anong iniisip mo?" Defensive na sagot ni Eris. Wengya! Kahapon lang ay naghalikan sila tapos ngayon?
Making Love na? Huhu!
My innocent mind!

Napatili ako nga initsahan ako ni Mr. Cray ng malaking bato,sa harap ko.

Hindi ko naman siya matignan dahil bawal makipag-eye-to-eye contact sa kanya at Hari pa rin siya kaya dapat igalang!

"Wala namang ganyanan,Cray,paano kapag natamaan si Phoebe diba?" Inis kong binaling ang tingin sa bagong dating na si Gregory! Psh.

"Now you're talking to me like that,Redfield?" Malamig na sambit ni Mr. Cray at akmang kukuha ng kutsilyo sa likod ng pantalon niya.

"Wengya! May sinabi  ba ang poging si ako Cray? Ha-ha-ha Phoebe ikaw talaga wag mong kausapin ng ganun si Mr. Cray." At talagang ako pa talaga?!

Akmang lalakad ako paalis ng inutusan ako ni Mr. Cray na manatili.

"You guys should talk. Now." That was an order! Wala akong magagawa!

~*~
A/N : nasagot na ang tanong kung sino iyong babaeng nakita ni Eris na naka-cap🙈
 

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon