Bloody Forty-Four

2.2K 63 4
                                        


Sabay kaming nag-recess at nag lunch kahapon ni Nathan na labis na ikinaismid ng buthing si Celyn. Nginingitian ko naman siya at hinahawakan ang pisngi ni Dark kapag nakatingin siya. Iniirapan niya naman ako.

Gusto kong humagalpak ng tawa sa kanyang reaksyon, minsan ay kukurutin ko ang pisngi ni Dark, kaya ngumingiwi Celyn. Iritado naman ang mukha ni Dark dahil nakakainis daw ang pagkurot ko which is nakakatuwa para sa akin.

Nitong mga nakaraang araw ay masasabi kong masaya ako. Palagi kaming nagkwe-kwentuhan ni Eli, namamalagi siya sa Headquarters ng Bloody Royals. Wala namang kaso ito kay Chesska dahil wala naman din siyang paki-alam sa amin. Nanghingi na din siya ng sorry sa akin dahil sa nagawa niya. Sabi niya'y dapat daw respetuhin si Dark, hindi naman daw niya alam na ako pala ang babaeng kinahuhumalingan ni Dark. Kikiligin na ba ako?
Pinatawad ko naman kaagad dahil may reason naman siya. Mabait siya at tsaka friendly 'yon nga lang ay hindi masyadong nagsasalita. Pa mysterious effect daw sabi niya, inasar ko na ngang hindi bagay sa kanya eh.

"Baby Tristan! Ituro mo kung sinong pinakamaganda sa amin dito?" Nilalaro ko ang pamangkin kong napaka-cute nagmana sa Tita niyang maganda.

Hinawakan ko ang kanyang daliri at itinuro sa akin,kunwari nagulat ako.

"Ako? Sabi ko nga ba eh." Tumawa naman sila Tatlong Bibe,White tsaka si Elizabeth.
Samantalang umiiling naman si Dark sa akin. Parang siya pa 'yong nahihiya sa mga pinaggagawa ko.

"Ang ganda mo talaga,Tita Eris." Sabi ko at pinanggigilan si Baby Tris. Nakatayo ako habang akay akay siya. Mabigat siya kaya nahihirapan ako.

"Ano bang pinapakain mo dito sa anak mo,Elizabeth? Bakit ang bigat?" Saway ko sa kambal ko na nakaupo at nakikipagharutan kay Ethan. Nandito kami ngayon sa headquarters dahil sabado at wala kaming pasok. Wala namang projects na dapat asikasuhin kaya ito kami.

"Gatas ng Ina." Sabay halakhak niya kaya sinamaan ko ng tingin. Hindi ko pa rin lubos maisip na nagawa na pala nila ni Ethan ang bagay na 'yon! 'Yong Love Making. Jusko. Hindi ko ata maisip na gagawin 'yon. Sabagay,  kung mahal talaga nila ang isa't-isa at hindi na talaga mapigilan ang mapupusok na pangangailangan.
Nag-iinit ang pisngi ko sa aking naiisip. Naiimagine ko kasing nakahiga ako sa kama samantalang nasa ibabaw si Dark. Jusko! Kailan pa ako naging mahalay? Since birth?

"Ba't ampula mo?" Tukso ni Phoebe kaya umirap ako.

"Ano kayang iniisip nitong si Eris." Nanunuyang sabi ni Grace na sinabayan ng halakhak ni Channel.

"Baka iniisip niyang magkaanak na rin." Tawa ni Eli.

"No Way!" Sigaw ko at nilaro muli si Baby Tris. Di ko na pinansin ang pang-aasar nila.

Nagkulitan lang kami magkakapatid at talaga namang sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon.
I hope this day won't end. I hope we can stay like this,forever.

Pero may mga hangganan ang lahat.
Nagkakatuwaan kami sa paglalaro ng pillow fight habang kinakarga naman ni Ethan ang aking pamangkin. Hindi ito natutulog at tumatawang nakatingin sa amin.

Ng biglang bumukas ang pintuan ng headquarters. Akala namin si Chesska lang kasi siya lang ang wala rito. Pero laking gulat namin ng makita si Danica na nalaglag ang pangang nakatingin sa aming lahat, especially kay Eli at sa batang hawak ni Ethan.

"Danica.." Narinig ko ang pagsinghap niya ng marinig ang tawag ko.

"Wh-at the hell is happening?" Tanong niya sa kanyang sarili. Kumurap-kurap siya at tinignan ulit kami. Umiling siya at nagpakawala ng buntong hininga.

Dahan-dahan siyang umatras.

"Makakarating ito kay Mommy." Bago pa siya makatalikod ay nahagip na ng mga Men in Black ang kanyang mga kamay at pwersahang dinala papasok dito.

Hindi ko alam kung kakampi namin ang mga lalaking nakaitim pero sila yung mga lalaking nagwelcome sa akin sa Bloody Campus noon, sila din 'yong sinasabi ni Dark na siyang naglagay ng machine sa aking ulo para mabasa niya kung ano ang nasa isip ko. Kaya, it's safe to assume na  magkaanib kami.

Nagpupumiglas si Danica pero sobrang dami ng lalaking nakahawak sa kanya kaya hindi siya makapalag.

"Bitawan ninyo ako! Mga lapastangan kayo! Ano ito,huh Dark?!" Nanggagalaiting wika ni Danica at pinukulan ako ng isang napakatalim na tingin na sinuklian ko naman ng taas kilay. Akala niya? Ngayong muli ng bumalik ang aking mga alaala. Nabalik din ang pagka hate ko sa kanya.

"Ikaw! Buhay ka pa?" Tinuro niya si Elizabeth na parang hindi makapaniwala.

"Obviously." Pabalang na sagot ng kakambal ko kaya tumawa ako. Inis naman akong binalingan ni Danica.

"Ba't hindi pa kayo namamatay!" Sigaw niya, napataas na naman ang isang kilay ko.

"Ikaw nga na panget ay buhay pa, anong gusto mo? Mamatay kaming mga magaganda?" Nanunuya kong tanong na mas lalong ikinagalit niya.

Ni-lock ni Phoebe ang malaking pintuan ng headquarters para walang makakitang espiya ni Tita Leticia.

"At least mahal ako ng taong gusto ko. Eh ikaw? Sigurado ka bang mahal ka ni Dark? Sigurado ka bang sa loob ng thirteen years ay wala siyang nagustuhan? Sigurado ka bang wala kaming nakaraan ni Dark? You sure,Eris Dionne?" Nag-smirk siya sa akin.

"Shut the fuck up!" Galit na sigaw ni Dark at napatingin sa akin. Wala akong ibang naisukli sa kanya kundi ekspresyon na hindi mabasa.
I admit it, alright. Nahahabag din ako sa sinabi ni Danica. Sure ba talaga akong walang namamagitan sa kanila? Sure ba talaga akong walang ibang minahal si Dark maliban sa akin? Labing tatlong taon kaming nagkawalay at wala pa akong maalala. Did he waited? Diba ay napakahabang panahon iyon? Well, sa side ko naman ay wala akong ibang lalaking naging gusto kaya nga ay naging leader ako ng Gang because I know how to handle boys. I know how to read them, if they're flirting with me or just being friendly, but when it comes to Dark, naba-blanko ako. Hindi ko siya mabasa, his actions confuse me.

Seeing how mad he was when Danica said that they have something, makes me feel betrayed. Parang totoong may namamagitan sa kanila.

May kung anong nagbara sa aking lalamunan, nagbabadya ang aking mga luha at hindi ako nakapagsalita.
Sumikip ang dibdib ko. Lalo na't kampanteng kampante ang mukha ni Danica ng sabihin niya ang mga katagang 'yon! I want to kill her!

Hindi ko magawang isipin na may ibang babaeng hinahalikan si Dark at may ibang babaeng makarinig sa mga matatamis niyang salita!

Hindi ko kayang isipin na may babae siyang ibang minahal bukod sa akin! Unfair! 

Nanginginig akong lumabas ng Headquarters, hindi na pinansin ang mga tawag nila sa akin.

Bloody CampusMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon