Bloody Four

4.2K 125 6
                                    

Bloody 4
Dark Eros Cray

"Oh? Saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ko sa kanila ng makitang hindi patungong classroom ang tinatahak naming daanan. Patungo ito sa may kakahuyan. Alam ko kung saan ang daanan papunta sa paaralan. At itong tintahak naming daan ay patungo sa maling landas!
Wag nilang sabihin na magcu-cutting kami? Oh no! Matagal na akong nag-quit sa pagiging cuttingera!

"Shh. Wag kang maingay,Eris." Pagpapatahimik sa akin ni Grace, paano ako tatahimik eh hindi nga nila sinabi saan kami pupunta eh? Nakakainis na,ah? At bakit nga ba ako pumayag na makipag-kaibigan sa kanila?

"Ano ba kasing nangyayari? Paki-explain naman para maliwanagan ako." Naaasar kong sambit. I couldn't help but to feel irritated! They should explain to me what the hell is happening para mapanatag ako!

Kanina pa kasi kami palibot-libot dito. Para bang may tinataguan sila at nadamay ako.
Akala ko ba late na kami?

Nagkatinginan silang tatlo bago napagpasyahang si Phoebe na ang magpapaliwanag sa akin.
Nagkamot muna siya ng ulo bago kami huminto sa may likod ng garden.
Ang tahimik ng lugar,parang ang payapa kung titignan,pero you don't judge the book by its cover. Mukhang tahimik pero may nakakubling malaking sikreto. At ang sikretong 'yon ang dapat kong alamin. Bakit nga ba Bloody Campus ang tawag sa Paaralang ito? At bakit ako napadalhan ng sulat para dito mag-aral? Sino ang pasimuno nitong lahat?

Kanina ko lang nalaman ang Rule sa skuylahang ito.

"Once you set your feet in,you can't fucking turn away."

Papalakpakan ko na talaga ang Principal dahil sa nakapaganda niyang Rule. Kapag nakatapak na sa paaralang ito ay hindi na makakalabas pa! Excuse me, baka i-sampal ko sa kanya ang sulat na pinadala niya sa akin, kung hindi dahil doon ay sana wala ako dito,diba? How stupid of her.

 I thought na ordinaryong paaralan lang ito,gaya ng nakasaad sa sulat na ibinigay sa amin nung nakaraang linggo. Hindi pala.
Pero ang bumabagabag sa isip ko ngayon ay,bakit ako napadalhan? Ano naman ang meron sa akin,diba? Does that Principal know who I really am?

"Kasi ganito 'yan,Eris. Hindi tayo pwedeng makita ni Dark!" Napakunot ang noo ko sa sinabi nila.

"Sino si Dark?" Tanong ko at nangisay sila sa kilig. Ngek? Gwapo kaya? Pwede na kayang pang-forever ko?

"Si Dark ang misteryosong lalaking may eye mask na gold! Kahit naka mask siya ay kitang-kita mo pa rin ang katangusan ng ilong niya,maninipis ang kanyang kulay pulang labi. Perpekto ang kanyang panga! Oh shyet, he's handsome talaga!"

Naglupasay ulit sila sa kilig. Akala ko ba delikado 'yong lalaki 'yon? Bakit kung maka describe sila'y parang hangang hanga sila sa lalaking 'yon? At wait, gwapo daw! Sana makita namin siya! Bakit excited akong makilala siya?

"Bakit di niya pwede tayong makita?" I asked. Huminto sila saglit at nagkatinginan bago napagpasyahang magsalita.

"Eh kasi kapag nakita niya tayo,lalagyan niya tayo ng marka, simbolo ng pagka-late. At kapag may tatak ka ng ganun ay wala kang pagkain ng isang araw.!" Sabay-sabay nilang sabi.
Okay? Walang pagkain ng isang araw? Nakakatakot nga iyon. Sana hindi kami mahuli. Hindi ako mabubuhay kapag hindi makakain! Food is life! But I guess Mr. Cray is lifer! Sana makita ko siya para may crush naman ako!

"But,isang beses lang sa isang buwan nagpapakita si Mr. Cray, at ang swerteng araw na iyon,ay ngayon! Kaya dapat di niya tayo makita. Ayaw kong magutom!" Hysterical na sabi ni Phoebe. Hindi nga ako nagkamali,siya ang pinakamadaldal. I rolled my eyes.

"Okay." Matipid kong sagot at nagpatuloy sa paglalakad ng mahina.

"Hep! Eris kapag nakita niya tayo,sana hindi *cross fingers* wag na wag mo siyang tatawaging Dark, dapat ay Mr. Cray." Ano naman 'yon? Hindi pwedeng tawagin sa kanyang first name? Aba't ang arte naman.

"Bakit?"

"Anong bakit? Siya ang Presidente ng paaralan na ito. Siya ang Master ng Black Cat Warriors ang pinakamalakas na grupo dito sa ating paaralan. Kapag nandiyan siya,we should bow our heads as a sign of respect. Dark Eros Cray,ang totoo niyang pangalan at pinakaayaw niya sa lahat yung binabanggit ang buo niyang name dahil ewan ko."
Okay? Bakit andami nilang sinabi sa aking impormasyon? Weird huh. If I were them, I won't spill that information lalo na sa isang katulad kong bago dito. And I wonder why they befriended me. Tanda ko pa kahapon na wala niisang gustong lapitan ako, tapos sila? Kung makasabi sa akin ng impormasyon ay para bang matagal na nila akong kilala. Umiling na lang ako para matigil sa pag-iisip.

Tahimik ulit kaming naglalakad habang ninamnaman ang paligid.

"Anong oras na?" Tanong ni Phoebe kay Channel.

"8:00 na,Yes! Ligtas na tayo!" Sigaw ni Grace kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman. Pero sana makita ko si Mr. Cray.

Tumakbo silang tatlo patungong classroom,ganun din sana ang gagawin ko ng may marahas na humila sa balikat ko.

Isang matangkad na lalaki na may maskarang gold,matangos ang ilong,makinis ang mukha,manipis ang mga pulang labi,perpekto ang panga.
Pinapalibutan ng malamig at madilim na aura. Nakasuot siya ng kulay puti na v-neck shirt na sinapawan ng itim na Cardigan.
Itim din ang jeans niyang may horizontal slit sa magkabilang tuhod.
May kwintas siyang triangle ang itsura at may nakaukit na di ko maintindihan na pangalan.
May itim na piercing siya sa kanang tenga,na may maliit na kulay violet na bato sa gitna.

Shit. Siya ba si Mr. Cray? Bakit sobrang gwapo ng isang ito?

Gusto ko pang kumain bukas! Huwaaah! Mangiyak-ngiyak ko siyang tinignan sa mata,
Ang ganda ng mata niya,kulay asul!

"Don't look at me." May awtoridad niyang sinabi kaya dali-dali kong iniwas ang mata ko sa kanya. Bakit di niya gustong tignan ko siya? Napakagwapo ng nilalang na 'to. He has the looks that would shame those greek gods.

Binitawan niya na rin ang balikat kong may marka na! I'm doomed! Triangle ang guhit na ito. Pero paano niya ginawa ito? Wala naman siyang dala na kung ano pero may nakamarka na sa balikat ko?

"Don't be late next time." Malamig niyang sinabi bago tumalikod sa akin.
Huwah? Akala ko ba ligtas na dahil alas otso na?  Andaya naman eh!

Patay ako nito bukas! Patay talaga. Pero shit! Kinikilig ako sa tuwing naaalala ang kulay asul niyang mga mata! Nababaliw na ako!

-

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon