Bloody Forty-Six

2.2K 47 2
                                    

Bloody 46

Tulala akong nakaupo sa labas ng clinic ng Headquarters. Wala akong masabi sa katangahan ng isang 'yon. Papaano niya naisipang sayangin ang buhay niya para sa estrangherong katulad ko? Is he out of his mind? Is he crazy to save me from being hit? Hindi niya ako ka ano-ano diba? Why sacrifice your life to someone unknown? To someone you don't know? To someone who's nobody to your life?

Hinilamos ko ang aking dalawang palad sa mukha ko. Hindi ko siya maintindihan. Tahimik namang nakapalibot sa akin ngayon sina Eli. Kanina pa ako tinitignan ni Dark, kanina pa niya ako gustong kausapin at kanina ko pa rin siyang iniiwasan.

Hindi pa ako handa sa sasabihin niya. Kung may relasyon man sila ni Danica ay pass muna ako sa isyung 'yan. Nalilito pa ako at sasabog na ang utak ko sa kakaisip kung bakit ako niligtas ng Nico na 'yon! First time kong ma-save ng ganoon. First time kong maligtas sa pagkakatama ng bala ng baril! But why do it feels like it wasn't the first time that someone sacrificed his self just for me to be safe? Just for me to live? Am I really worth the sacrifice? 

May mga pangyayari at mga alala-ala pa bang hindi ko matandaan? Nilingon ko si Dark at nagtama ang mga mata namin.
His eyes were too intense kaya umirap ako upang mapagtakpan ang kabang nararamdaman.

"Eris. Sigurado ka bang ayos ka lang?" Maya-maya'y tanong ni Eli. Suminghap ako at tumango. Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Tila hindi kumbinsado sa aking simpleng pagtango.

"Nakilala mo na rin ang ating half-brother." Nalaglag ang panga ko sa deklara niya. What the hell? Ano daw? Parang nabingi ako sa sinabi niya. Half-brother?

Binigyan ko siya ng nagtatangkang ekspresyon. Hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin. She look at Dark curiously. Kumunot ang noo ko sa inasta niya. Anong kinalaman ni Dark dito?

"Hindi ko pa nasabi." Napahaplos ako sa aking balat ng marinig na nagsalita si Dark. Nilingon ko siya at 'yan na naman ang titig niyang nakaka-intimidate.

"Anong hindi pa nasabi?" Tumaas ang kilay ko. Tinignan ko sila isa-isa.

"Na half-brother niyo ni ate Eli si Nico Kristoffer Guevarra,Eris." Diretsahang sabi ni White. Again,nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Bakit? Papaano?

"Hindi ko maintindihan." Napasinghap ako at umiling. May nabubuong konklusyon sa aking utak but I shrugged that conclusion off. Imposible! Mommy's first love is Dad. That's what she said. Imposible ding anak ni Daddy at Tita Leticia dahil mukhang kaedad ko si Nico.

"Anak ni Mommy,Eris. May anak na siya bago pa sila nagkakilala ni Daddy." Umiling ako sa sinabi ni Elizabeth. No! Mom's first everything is Dad!

"Maging ako'y hindi makapaniwala,Eris. Pero 'yon ang totoo. Nilihim ito ni Mommy dahil ayaw niyang husgahan siya ni Daddy. Pero kalaunan ay inamin niya rin. Matanda ng isang taon si Nico sa atin." Tumulo ang luha ko sa sinabi ni Eli. Bakit napaka-kumplikado ng buhay ko? I thought.. Simple lang ang buhay namin. Businessman si Dad at Teacher si Mommy. Kami lang dalawa ang anak. Kami lang ni Elizabeth. Bakit nagsinungaling si Mommy sa amin? Tanda ko pa noon, tuwing gabi,bago kami matulog ay kinukwentuhan niya kami tungkol sa Perfect Love Story nila ni Daddy. Kung paano sila nagkita, paano niya sinagot si Daddy and all! Fuck.

Totoong may mga nagtatangka sa buhay namin noon pa dahil sa kayamanang taglay ng mga Chan. Napakayaman kasi ng mga ancestors namin pero kahit kailan ay hindi ko inisip na may ganito palang issue,eh. May kuya pala kami sa ibang Ama?

Lumabas si Doctora Alexa,ang doktorang nanampal sa akin noon. Ewan ko kung kakampi ba namin ito o kaaway. But Dark trusted her,I must too. Pinunasan ko ang tuyong luha sa aking pisngi dulot ng pag-iyak ko kanina dahil sa nalaman ko.

Tinignan ako ni Dra. Alexa at inismiran. Hindi ko nalang pinansin, masyado akong pagod,physically and emotionally to even rolled my eyes at her.

"Okay na ba siya Doc?" Nababahalang tanong ni Grace. Kanina pa siya hindi mapakali sa kanyang upuan. Anong relasyon niya kay Nico? Oh please. Sana naman ay hindi kami magkapatid ng isang 'to.

"He's okay. Pwede na kayong pumasok sa loob." Ngumiti siya sa kanila pero ng matagpuan ng kanyang mga mata ang akin ay umirap siya. Ngayon ay may lakas na akong irapan siya pabalik.

Nag-uunahan sa pagpasok sina Eli at Grace sa Clinic para puntahan si Nico. Susunod na sana ako ng may mahigpit na humawak sa braso ko. Nilingon ko ang seryosong si Dark, namumungay ang kanyang mga matang tumingin sa akin. Napatingin din ako sa sobrang gwapo niyang mukha at napuna ang pag-igting ng kanyang perpektong panga.

"Let's talk,please." His voice was almost a plea. Nakalimutan ko kung bakit ako galit sa kanya at kung bakit hindi ko siya pinapansin. Ah! Dahil pala kay Danica at sa mga sinabi niya! Namumuo muli ang galit sa aking puso pero natunaw ito kaagad ng maramdaman ang kanyang pagyakap sa akin sa likod. Napasinghap ako. All my rational thoughts were gone. Wala akong masabi, wala akong ma-compose na salita para isagot sa tanong niya kanina!

"Wala kaming relasyon ni Danica. Please, don't believe her. She's always good at pissing people with her stories. Hindi ko alam kung bakit niya 'yon nasabi, please, trust me,Eris. Believe me,baby. I'm telling you the truth. Wala kaming relasyon at kahit kailan, sa loob ng ilang taong wala ka, at wala kang matandaan. Wala akong ibang babaeng minahal o ginusto man lang. I would rather wait for you than to love someone else. Baby, it's always been you. Those lonely years without you, alam mo ba ang ginagawa ko? Inaalala ko lang ang sinabi mo sa akin noon, na kahit anong mangyari, sa akin ka babagsak." Bumuntong hininga siya sa aking tenga. Napakiliti ako dun.

Hindi ko maproseso kaagad ang kanyang sinabi. Ang tanging narinig ko lang ay ang mga katagang 'it's always been you'.
Gusto ko din siyang sagutin, it's always been him too. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan ko muna ng oras upang mag-isip. Kaya ko naman siyang patawarin pero hindi muna ngayon. Surely not at this time.
Dahan-dahan kong kinalas ang kanyang kamay na nakayakap sa aking bewang. Nakalas ko 'yon dahil na rin sa katotohanang nanghihina siya dahil wala akong sagot sa sinabi niya.

Tuluyan na akong nakawala sa kanyang mahigpit na pagkakayakap at dumiretso sa loob. Nakangiti sa akin si Nico at inilahad ang kanyang mga braso. Gusto niyang yakapin ko siya.

Lalapitan ko na sana siya ng biglang namatay ang ilaw.

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon