Bloody 14
ConfrontationMaraming tanong ang gumugulo sa aking isipan.
Una,what happened 7 years ago?
Pangalawa,sino si Elizabeth? Sino si Dark? Sino si Erzah? Sino si First? Sino si Nathan? (Iyong transferee)
Pangatlo,ilang tao ang nagmamay-ari ng gintong maskara?
Paano ko malalaman kung sino iyong humalik sa akin? Damn.
Parang sasabog ang ulo ko. Wala akong mahanap na sagot.Kaya I came up with a decision,I'll confront them,ang Tatlong Bibe.
Nadatnan ko silang masayang nagbabatuhan ng unan sa kama.
Tumigil naman sila ng makita ako."Eris! Sali ka." Yaya nila but I refused.
"May itatanong ako sa inyo and I am hoping I'll hear a reasonable reason after." Seryoso kong sabi dahilan ng pagkatinginan nilang tatlo sa isa't isa.
Lumabas kami ng kwarto at dito naupo sa sala. Tahimik lang silang tatlo,parehong nagtitimbang kung ano ang sasabihin.
Tumikhim ako."Why did you lie to me?" Walang emosyon kong sinabi.
Nagkatinginan ulit silang tatlo ng may kunot ang noo.
Parehong nanlalaki ang mga nila after a minute na para bang napagtanto kung ano ang tinutukoy ko."Sorry,Eris." Sinsero nilang sinabi sabay yuko.
"I don't need your sorry,I need your explanations. Now,tell me why?"
"Sa kabilugan ng buwan sa makalawa,malalaman mo rin kung bakit. Sumama ka sa amin,dadalo kami sa giyera." Si Grace.
Now,I'm kinda pissed. Bakit di nalang ngayon nila sabihin kung bakit?
Mukhang nabasa nila kung ano ang iniisip ko kaya sumagot kaagad si Channel,"May ipapakita kami sa'yo,please Eris." Pagmamakaawa nila kaya inis akong napabuntong hininga.
"Pero may isa pa akong tanong."
"Ano iyon?" Si Phoebe.
"Sino-sino ang nagmamay-ari ng gintong maskara ilan sila?"
"Bakit? May nangyari ba?" Sabay-sabay nilang tanong. Hindi ko sila magawang sagutin.
"Bat namumula ka?" Tanong ni Phoebe. Tss.
"Ang init kasi eh!" Defensive kong sagot dahilan kung bakit sila napatawa.
"Tss. Sagutin niyo nalang kasi eh!" Maktol ko sabay kuha ng pillow couch at itinakip sa aking mukha. Namumula ba talaga ako? Amp!
Sumeryoso naman ang mga mukha nila,muntik na akong mapatawa dahil dun,marunong pala silang magseryoso? Lol.
"Dalawa lang ang nagmamay-ari ng gintong maskara,Eris." Tinignan ko sila na nakayuko lang,parang may inaalala.
"S-ino ang dalawang iyon?" Kinakabahan ako na nae-excite.
"Si.." Hindi naituloy ni Phoebe ang sasabihin niya ng bigla nalang may arrow na lumipad patungo sa amin. Galing iyon sa bintana.
Napuruhan si Grace sa may binti niya.Sabay-sabay kaming napalingon sa lalaking may gintong maskara sa may kakahuyan.
He smirked,tumitig ako sa mga mata niya,ganun din ang ginawa niya.
Kulay asul na mga mata,"Dark." Bulong ko.
"Eris." Napalingon ako sa kanya ngunit hindi naman nakabuka ang bibig niya.
What the hell? Sigurado akong boses niya iyon. O baka guni-guni ko lang?
