Bloody Twenty-Six

2.9K 112 3
                                        


NANGANGATOG ang tuhod at nanginginig ang aking buong katawan dahil sa takot sa kung ano man ang mangyari,at alam kong ramdam ito ni Dark kaya mas hinigpitan niya pa ang hawak sa aking kamay,lumapit pa ako ng kaunti sa kanya,iyong tipong close na close ang katawan ko sa katawan niya.

Lumapit sa amin si Danica at ngumisi.

"Love will destroy everything,Mr. Cray,you're aware of that,but what are you doing now?" Inis niyang sinabi.

"Have you forgotten our First and Last Rule?,don't fall in love." Nakita kong ngumisi si Dark and I swear muntik na akong mamatay dahil sa takot. Nakakatakot siya,para siyang demonyo ngayon,I saw his eyes too, heated with fire. Pati si Danica ay namutla dahil dun.

"You fall in love with me too. Now tell me,who broke the rule first?" Malamig na sabi ni Dark. Huhu pati boses niya nagbago! Mas lumamig.

"A-nong sinasabi mo?! Armies! Kunin niyo itong lapastangang babaeng ito na nakahawak sa kamay ng ating Mahal na Hari!" Sabi niya sabay tingin ng masama sa akin.
Isa-isang nagtangkang lumapit ang mga lalaki sa akin kaya napakapit ako kay Dark ng maigi.

"Dare to move,and you'll die." Isang napakalamig na utos ni Dark dahilan upang huminto lahat ng mga lalaki parang naging bloke ng yelo.
Maski ako ay di makagalaw.

Nakarinig ako ng tunog ng Espada kaya napatingin ako kay Dark na may hawak-hawak nun.

"The King has shown his Favorite Sword,good luck to all of you." Nakangising saad ni Erzah na nakatayo sa isang sanga ng puno.
Sa ilalim nun ay si Ethan na may hawak-hawak na pana.

Mas lalong nawalan ng kulay ang mukha ngayon ni Danica pati na din ang mga taong nakapaligid.

"Baby." Tawag sa akin ni Dark,pinaunlakan ko siya ng tingin.
Dangerous eyes ang bumungad sa akin kaya di ko mapigilang mangamba,balak ko sanang kunin ang aking kamay ngunit napalitan kaagad ang kanyang tingin ng mahinahong emosyon kaya kumalma ako.

"Close your eyes,I don't want you to see what will I do." Parang hypnotismo ang kanyang sinabi at napatango kaagad ako.

Hinalikan niya ako sa labi ng mabilisan,nahihiya kong nilibot ang aking paningin,silang lahat ay nagulat pati si Erzah at Ethan ay laglag panga.

"Stay behind my back." Utos ni Dark at iyon nga ang ginawa ko at pumikit.
Naramdaman ko ang paghila ni Dark sa akin at ang mga tunog ng espada,parang nagtutunggali.
  Gusto kong imulat ang aking mga mata pero nangako ako kay Dark at tutuparin ko iyon.

Mga ilang minuto din na ganun ang narinig ko bago ito humupa at wala na akong marinig kundi ang hingal na hingal na si Dark na nakayakap sa akin ng mahigpit.

"Open your eyes now,My Princess." Ang boses niya ang nagsilbing alarm ko para imulat ang mga mata.

My Princess.

Posible bang siya ang nagsasalitang lalaki sa aking isip?

Ngumiti siya sa akin pero hindi ko magawang tugunan iyon lalo ng makita ang mga nakahandusay na lalaki sa paligid,kapwa naliligo sa sariling dugo. Hindi ko na din mahagilap sila Danica,Erzah at Ethan.
Tumingin ulit ako sa kanya.

Ito ba ang dark side ng isang Dark Eros Cray?

Takot ang lumukob sa mga mata niya ng makita ang reaksyon ko,mas lalong nadepina ang magaganda niyang mata dahil sa emosyon na ipinakita.

Pero bakit siya natatakot?

"Damn. Are you afraid of me now?" Tense niyang tanong at hinawakan ang magkabila kong pisngi,hinayaan ko siya.

Takot ako? Oo! Para siyang demonyo at wag niyong sabihing siya ang pumatay ng lahat ng mga lalaking ito?!

"Please,say something,Baby." His eyes are begging.
I smiled and hug him.

Natatakot ako sa'yo,Dark pero hindi ko mapigilan ang puso kong mahulog ng pa-ulit-ulit sa'yo.

"Mahal Kita." Bulong ko.

~*~
A/N : maraming Thank You po sa mga readers na nilagay itong story ko sa Reading List nila!🙈🙈
Sana kinilig kayo sa UD na'to as much as I do💙

Bloody CampusMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon