Bloody Thirty-Nine

2.2K 65 1
                                        


"Elizabeth Divine Chan?" Gulat na gulat nilang naibulalas. Kilala nila? Papaano? I mean, diba bago lang si Eli dito? Then a realization hits me. Eli, short for Elizabeth. Ethan's tats, ang babaeng dinukot ng mga taga Hell Campus.

Napaatras ako ng kaunti kaya napatingin sila sa akin. Namumutlang tingin ang kanilang ibinigay.
They've been lying to me ever since!

Hinawakan ni Eli ang aking balikat at kahit maraming galos ay nagawa niya pa ring ngumiti sa kanilang lahat.
Agad siyang nilapitan ni Ethan ng makabawi sa pagkagulat.

"Elizabeth!" He hugged my twin tightly. Kinulong niya ito sa kanyang mga bisig na parang ayaw ng pakawalan. Tumingin ito sa akin at bumaba ang tingin sa sanggol na akay akay ko. Nilahad ko naman iyon sa kanya ng walang pag-alinlangan.

Nilingon niya si Eli na naluluha at tumatango tango sa kanya. Para bang alam niya ang iniisip ni Ethan.

Pagkatapos kong ibigay ang sanggol kay Ethan ay lumabas muna ako ng kwarto at napagpasyahang bumalik sa kinaroroonan ko kanina. I need some time,alone.

Bago pa ako makalayo sa dorm ay may yumakap galing sa likuran ko. What the hell?

"Eris." Bulong niya na nakapagpanindig ng balahibo ko. That husky voice.

"Let me go." Inis kong sinabi at tinangkang kunin ang kanyang kamay na nasa may tiyan ko.

"Let's talk." Bulong niya. Umirap ako para mapagtakpan ang kaba. I need to fucking calm down! Nagwawala ang sistema ko dahil sa presensya niya.

"Nag-uusap na tayo." Pabalang kong sagot at inalis ang kanyang kamay pero mas lalo niya lang akong niyakap ng mahigpit. Damn.

Binitawan niya ako at hinagilap ang aking kamay at dinala sa may madilim na pasilyo. Anong gagawin namin dito? Pilit akong nagpupumiglas pero ang lakas niya! Hindi man lang siya natitinag sa paghahampas gamit ang aking isang kamay.

"Ano ba, Dark. Bitawan mo nga ako. Wala na dapat tayong pag-usapan pa." Nanggigil kong sabi. Marahas niyang binitawan ang aking kamay ng marating namin ang pinakamadilim na parte ng pasilyo.

"Hindi mo ba pakikinggan man lang ang eksplinasyon ko?" Napataas ang kanyang boses kaya napaatras ako ng kaunti. Nasaan ang tapang ko kanina? Bakit hindi ako makasagot sa tanong niya? Shit! Bakit ba kasi ako nagtapang-tapangan. Balak ko na bang mamatay sa mga kamay ni Dark? Nababaliw na ako.

"Then explain." Nagawa ko pa rin itong isatinig kahit bumubundol na sa kaba ang aking dibdib. Nanginginig na rin ang buong katawan ko sa takot ng kung ano mang gawin niya sa akin. But he can't hurt me, right?  Why not?
Nanlumo ako sa aking iniisip. Maaari niya akong saktan kung gustuhin niya. Sino ba ako sa buhay niya? Kambal lang naman ako ng nobya ng kanyang kakambal. Shit. Bakit parang nakakalito naman iyong sinabi ko? Kambal ako ng nobya ng kanyang kakambal? Nakakalito nga.

Bakit nagagawa ko pang magtawa sa oras na ito? Jusko naman,Eris.

"Wala ka pa rin bang maalala?" Tanong niya at nilapitan ako. Hindi naman ako umatras kahit na sinasabi ng isip ko na dumistansya at hindi siya hahayaang makalapit sa akin. Pero iba ang sinasabi ng puso ko.

"Anong hindi ko maalala?" Kumunot ang noo ko. Alam niya ba ang nangyari sa akin? Alam niyang may amnesia ako? Pero papaano? Kahit anong gawing piga sa isip ko ay wala akong mahanap na kasagutan.

"Damn. I wanted so bad to tell our story to you right at this moment, pero hindi pwede." Mas lumapit pa siya sa akin at kinulong ako sa kanyang mga braso. Napasandal ako sa matipuno niyang dibdib. Anong sinasabi niya? Anong kwento namin? May nakaraan ba kami? Bumilis ang pintig ng puso ko. Ang isiping may nakaraan kami ay nagpapukaw sa kuryosidad ko. Gusto kong makaalala. Gustong-gusto kong makilala ang batang ako at anong nangyari sa akin!
Sumakit ang ulo ko. Para itong binibiyak sa sakit. Napahigpit ang yakap ko kay Dark na ngayo'y hinahalikan ang tuktok ng aking ulo. Weird. Pero nakakarelax 'yon. Nakakabawas iyon ng sakit.

"Let me help you, remember it." Sabi niya bago inangkin ang aking mga labi. Napapikit ako at dinama ang nakakawala ng ulirat niyang nga halik.

Sinabayan ko ang pagkibot ng kanyang mga labi.
At bigla nalang may mga pangyayaring nagsilitawan sa aking utak.

Bloody CampusMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon