Bloody Six

3.5K 118 8
                                    

Bloody 6
Hell Campus

Lutang akong naglalakad papuntang wide space para malaman kung ano ang sinasabi ng Principal na tignan daw namin. Naalintala ang pagpunta ko rito dahil kay White.
Hindi pa rin ako makapaniwalang,kapatid iyon ng Presidente ng paaralan! Kailangan kong magtanong kila Phoebe. Oo tama,ganun ang gagawin ko.

Pagdating ko sa wide space ay automatic na nalaglag ang panga ko sa aking nakita.
What the hell? Ano na? Palagi nalang bang malalaglag ang panga ko dito sa eskuylahang ito?

Isang babaeng nakagapos sa silya,wala ng buhay. Wala ang isa niyang mata. At bukas ang kanyang dibdib! Kitang-kita ang puso niya.
Napakarumal-dumal naman nito,halatang kampon ng demonyo ang gumawa nito sa kanya!

Marami pa ring estudyante ang nandidito,yung iba umiiyak,kaibigan nila ata?

Lumapit pa ako ng maigi sa bangkay,at may nakadikit na kapirasong  papel sa noo niya,at ang ginamit na pandikit ay thumbtacks.
Dugo ang ginamit na pansulat sa katagang,
"IT'S PAYBACK TIME."- Hell Campus

Anong ibig sabihin nun? Anong Hell Campus? Isa ring paaralan?

"Mga halang talaga ang kaluluwa ng mga estudyante sa demonyong paaralan na iyan!" Narinig kong bulong ng babaeng naka-eyeglasses.
Makapal ang lenses nito at may hawak-hawak siyang makapal na libro. Yes. Typical Nerd.

"I agree with you,Celyn,mga walang puso sila! Ano bang kailangan nila sa atin?" Sagot nung isang nerd din.

"Paghihigante ang puno't dulo ng lahat." Walang emosyong saad nung Celyn.
Lumapit ako sa kanila,ng namataan nilang papalapit ako ay nanginginig silang umatras.

Ah,oo pala,maari silang mamatay kung papansinin nila ako. Hayy.

Umuwi ako ng dorm,na maraming tanong sa aking utak.
Anong nangyayari? Ano ang Hell Campus? Anong paghihigante ang sinasabi nila?

Naabutan kong nakatihaya sa kanyang kama si Grace,ngumiti siya sa akin,nginitian ko siya pabalik.

"Asan sila Phoebe at Channel?" Tanong ko sa kanya. Pwede naman na nila akong kausapin kasi palubog na ang araw.

"May klase pa sila hanggang 7 eh,kaya tayo lang munang dalawa dito." Sagot niya.

Nagbihis ako ng pambahay na damit at tinabihan siya sa kanyang kama.
Oo,may free kaming damit dito. Binibigyan kami ng school. Lahat ata free dito pati pagkain at kung ano-ano pang kailangan mo.

"I miss my mom." I stated. She looked at me and smiled sadly.

"Me either. Higit pitong taon ko na ding hindi siya nakikita." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Huh? Pitong taon?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tumango siya.

"Nakulong ako dito,gaya mo pinadalhan din ako ng sulat na nagsasabing free ang tuition pa at lahat-lahat,pero ito pala ang nadatnan ko. Bloody Campus. Naalala ko pa kung gaano kasaya si mama noon na may Eskuylahang tatanggapin ako."

"What do you mean by that?" Ngumisi siya sa akin,at sa paraan niyang iyon ay napatango ako.
She's a gangster. Isn't she?
Pinakita niya sa akin ang tattoo niya sa kanyang kanang balikat. Butterfly ito na may malalaking mata. Kulay itim at asul.

"BadButterflyGang." Sambit niya.
Napatawa ako ng bahagya.
Hanggang sa lumakas ang tawa ko. Shit! Haha. I can't help but to laugh hard!

"Bakit? Anong meron?" Nagtataka niyang tanong.

"That's not the symbol of the true BadButterflyGang." I confidently stated.
Kumunot lalo ang kilay niya.

"What do you mean? Hindi ko maintindihan."

"I'm the leader of Bad Butterfly Gang,dear. Eris Dionne Chan,AKA Ms.EDC."
Nanlalaki ang mata niya sa sinabi ko,di ko mapigilang mapangisi. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at nasali ako sa Gang na 'yan at naging leader nila.
I closed my eyes and remember why I become the leader of that group.
How Rebel and Spoiled I am.

-
To be continued...

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon