Bloody Forty

2.3K 56 0
                                        


13 years ago...

"Sumama ka na sa amin,Eri. Hindi naman kasi nakakatakot ang mansiyon ni Tita Leticia." Sabi ni Eli at nilahad ang kanyang kamay sa akin. Wala naman akong ibang nagawa kundi sundin siya. Natatakot ako kay Tita Leticia, ang asawa ni Daddy.
Ilang taon pa ang nakalipas simula ng namatay si Mommy ay may pamalit na agad si Daddy.

Si Tita Leticia ang mukhang bruha na walang ibang ginawa kundi huthutan ng pera si Daddy. Hindi naman makapalag si Daddy dahil mahal niya ito. Hate ko din ang aking ama dahil ganoon niya kadaling napalitan ang Maganda at Mabait kong Mommy!

"Dito na tayo." Bibong sagot ni Danica ang anak ni Tita Leticia at Daddy. Oo, half sister namin na medyo maldita rin. Palagi niyang kinukuha ang atensyon ni Daddy at sumbungera. Hinahayaan nalang namin ni Eli dahil kahit papaano ay mas matanda pa rin kami sa kanya ng dalawang taon.

Bumungad sa amin ang isang malaking itim na gate na may nakapaskil na 'Gorrie' ang apelyido ni Tita Leticia. Ew ang sagwa ng apelyido niya kasing chaka ng mukha niya.

Pumasok kami sa loob at nakakapagtakang tahimik ito. Noong una ko kasing pagpunta rito ay maiingay ang mga katulong at maririnig mo rin ang hagikhikan ng mga lalaking nagmamajong sa may garden nila. Pasimuno nito ang kapatid ni Tita Leticia na si Mr. Gorrie. Ewan kung anong pangalan. Hindi naman ako interesado. Mukha kasing manyak kahit na may itsura ito.

"Ang tahimik naman dito,Danica. Anong nangyari?" Tanong ng nakapamulsang si E.G. Napasulyap kami sa kay Danica na tumatawa na parang mangkukulam. Anong nangyayari sa kanya?

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon