Phoebe's PoV :
"Nasisiraan na ata siya ng bait,bes!" Bulong ko kay Channel habang worried na nakatingin kay Eris.
Bigla-bigla nalang kasing ngumingiti ng walang dahilan eh."Nabaliw na nga,ano kayang nangyari kagabi sa kanya?" Bulong din ni Grace.
Kumakain kami ngayon ng agahan at kanina pa namin tinitingnan ang weirdong si Eris,weird naman talaga siya nung una pa,pero mas weird ngayon,ngumingiti ng walang dahilan? Lagi kaya 'yang nakasimangot."Pero,Grace okay na ba iyang paa mo? Sure kang papasok ka ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman yakang yaka ko this. Tss." Sabay kindat niya.
"Tara na baka ma-late pa tayo!" Sigaw ni Channel kaya tumayo na ako at nagligpit ng pinagkainan.
"Sandali." Pigil sa amin ni Eris. Wow. Sa wakas,nagsalita din siya.
"Waeyo?" Si Grace,sarap batukan ng gaga,feeling korean,mahilig kasi iyan sa KPop eh,noong hindi pa kami nakulong dito. Hays.
"Diba sabi niyo,once in a month lang nagpapakita si Mr. Cray?" Tumango kami,totoo naman iyon eh. Minsanan lamang namin makita si Mr. Cray,masyado siyang mailap sa mga estudyante.
Tas parusa pa ang dala niya kapag nakita namin siya."Eh? Palagi ko kaya shang nakikita,nagsisinungaling kayo eh!" Nag-pout siya,hindi ko mapigilang mamangha sa taglay niyang kagandahan.
Noong una ko palang siyang nakita akala ko talaga dyosa eh,those Spanish eyes,matataas na pilik-mata,perpektong kilay,matangos na ilong,pinkish na labi,makinis na balat at kulay itim na natural straight na buhok na curly sa baba,matangkad pa siya,parang modelo. Sinong hindi mabibighani sa kanya. Sinong hindi matotomboy?"Phoebe!"
"Ay kabayong pangit ka!" Napatalon ako sa gulat sa biglaang pagsigaw ni Channel. Kahit kailan talaga itong babaeng ito!
"Bakit ba?" Irita kong tanong.
"Tinatanong kita,Phoebe." Mahinhin na boses ni Eris.
"Hehe,sorry,ano ba tanong mo?" Sabi ko sabay upo sa tabi niya dito sa lamesa. Umupo na din pabalik sila Grace at Channel.
"Totoo ba talagang si Mr. Cray,nagpapakita lamang once in a month?"
"Oo,totoo iyon,Eris. Hindi kami nagsinungaling sa iyo sa parte na yan." Sagot ko.
"Pero,nakikita ko siya palagi. I mean hindi naman palagi pero urgh basta!" Namumula ang kanyang pisngi. Wait, may napapansin ako.
"Paano nangyari iyon? Swerte mo naman!" Tili ni Grace. Gustong-gusto kasi niya si Mr. Cray.
~
Naghiwa-hiwalay kaming apat,ako kasi sa Bldg. 1 si Grace sa bldg. 5 si Channel sa bldg. 8 at si Eris sa bldg. 7.Tahimik na ang hallway ng biglang may humiklat sa braso ko.
Kilala ko ito kaya nagpatianod ako kung saan niya ako dadalhin.Huminto kami sa stock room. Maalingasaw ang amoy dahil sa mga patayng taong nakatambak dito.
Yes. Dead bodies."Don't meddle with their business,Isabella." Mariin niyang sinabi habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko.
Kenekeleg eke,enebe."I'm not Isabella,you idiot!" I hissed at pinilit kinakalas ang kanyang kamayng nakahawak sa kamay ko.
"I want to call you like that,you have no say about it." Ngumisi siya kaya umirap ako. This crazy handsome lad!
"Hindi ko sila pinapaki-alaman,so don't worry." Mahinahon kong sabi.
"Delikado,Isabella,sinasabi ko sa'yo."
"Alam ko naman eh,tsaka wag kang mag-alala,hindi ako mapapahamak."
"Tss. You know I don't want you to be in trouble,Isabella." He cupped my face at hindi ko mapigilang hindi mamula sa sinabi niya.
"I know,First Gregory Redfield,so let go off me,promise babantayan kong mabuti si Eris,paki sabi naman diyan kay Eros na wag palaging nagpapakita,nakakahalata yung mga kalaban!" Irita kong sabi bago umalis dun.
Nanlalaki ang mga mata ko ng makita si Danica sa harap ng pintuan. What the fuck? Narinig niya ba ang usapan namin? F*ck. Just f*ck it!
