Bloody Twenty

3.2K 112 1
                                    


"Eris! Nandito ka na! Saan ka ba nanggaling bruhilda ka?" Si Phoebe habang di mapakaling naglalakad padoon,padito.

"Ayos ka lang? Sabi ni Dark,I mean Mr. Cray,may ibinigay daw siya sa'yo?" Tumango siya at inutusan si Channel na kunin,dali-dali naman iyong ginawa ni Chan habang may hawak-hawak na katana.
Si Grace naman ay may nililinis na baril. Okay? What's going on?
Tatanungin ko na sana sila ng lumabas si Channel galing sa kwarto at may dalang paper bag.

"Ito na Eris,magbihis ka na at puntahan si Dark! Mag-iingat kayo huh?" Nagtataka man ay sinunod ko nalang siya,natataranta kasi ang mga mukha nila at for sure,wala akong makuhang matinong sagot sa kanila.

Lumabas ako ng banyo at wala na sila.
Tahimik na ang aming dormitoryo.
Tumingin muna ako sa life-sized mirror,isang black midriff top na may itim na cardigan sa pang-itaas, black shorts at itim na adidas high cut rubber shoes.
Okay? Parang mas lantad ata ang kaluluwa ko dito kaysa sa uniporme ko eh.
Pero mas kumportable ako dito.
Lumabas ako ng dormitoryo at nalanghap ang masangsang na amoy. Amoy dugo ang paligid at makulimlim ang langit,uulan ata? Parang kanina lang ay kay init-init pa ah.

Dumiretso ako dun sa lugar kung saan sinabi ni Dark na maghihintay siya.
Hindi naman ako nabigo nakita ko siya doon na may kausap na mga lalaki.
Kapwa naka-itim at may maskarang itim ang mga ito. Sino naman kaya sila?

Lumapit pa ako ng kaunti at narinig na nagpapaalam na iyong mga lalaki.
Tumingin sa akin si Dark gamit ang mga mapupungay niyang mata.
 
"What took you so long?" He asked.
Sumimangot ako dahil hindi naman kasi ako nagtagal eh.

"Come on." Sabay hila niya sa akin.

Nakarating kami sa open field ng paaralan,at lahat ng mga tao ay nakatingin sa amin,particularly sa magkahawak naming kamay.
Ito ba iyong PBB Teens na sinasabi nila?urgh!

Tumikhim si Mr. Cray at nag-bow naman silang lahat,except kay Erzah na naka-all white at nakasakay sa kabayong kulay puti,kay First na naka-all brown at nakasakay sa kabayong brown at kay Ethan na naka-all Black kagaya ng suot ni Dark,nakasakay din siya sa itim na kabayo.
Napansin ko din ang Tatlong Bibeng nakangiti sa akin.
Sila Channel at Grace ay naka-white at nakasakay din sa kabayong puti at si Phoebe ay naka-all brown kagaya nung kay First at may kabayo din siyang brown.

Sila ang nasa unahan at nasa likod nila ang mga estudyante na may hawak na mga katana at shield.

Nagtataka ako kung bakit?

"Ngayon ang giyera,Eris." Sabi ni Phoebe.
Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Whut? Ngayon iyon??

Tinignan ko si Dark pero hindi siya nakatingin sa akin,hinila niya akong muli at pinasakay sa kabayong itim na nasa may gitna.
Matapos akong makaupo ay siya naman ang sumakay sa kabayo sa likod ko.
Ang awkward ng hitsura namin,mas lalo pa itong naging awkward dahil pinagtitinginan kami ng lahat.
Rinig na rinig ko ang impit na tili ng tatlong bibe.
Gusto kong lumubog sa kahihiyan.
Parang wala lang naman ito kay Dark. Aish!

Tiningnan ko si Erzah,nakangiti lang siya sa akin,habang si Ethan ay parang nababahala ang mukha.
Siguro'y hindi niya gusto ang mga nangyayari?

May humahangos na lalaki ang pumunta sa harapan at may inabot kay Dark na isang pirasong papel.
 
  Binasa niya naman iyon at tinapon.

"Let's wait here until midnight." Nagsitanguan naman ang lahat.
Ano ba kasing nangyayari? Kinakabahan ako,tsaka nasaan ang mga Principal,Teachers?
  Sinagot naman kaagad ang aking mga tanong ng may dumating na mga brown na kabayo, sakay ang Principal na naka-all violet,may isang lalaking nasa mid- thirties hindi ko kilala at babaeng sa tantsya ko'y ka-edad ko lang.
Masama ang tingin ang ipinukol niya sa akin. Weird.

Huminto sila sa likod naman ni Dark. Bale,nasa unahan kami ni Dark,sunod ay si Erzah at Ethan,sunod ay ang bagong dating at kasunod ay sila Phoebe at nasa hulihan ang mga the chosen one.
Hanggang ngayon  di ko pa rin maintindihan kung bakit narito sila Phoebe. Anong kinalaman nila? Matataas ba ang rango nila dito sa paaralan na ito?

Naramdaman ko ang panga ni Dark na namamahinga sa aking balikat.
Nagsinghapan ang lahat na marahil ay nakita ang ginawa niya.

"Don't think too much,I'll explain to you,later." He whispered and kissed my neck softly.

"hmm." Napatakip ako sa aking bibig dahil sa ungol na kumawala. What the hell?
He chuckled softly,enough para ako lang ang makarinig.
Hinampas ko siya ng mahina sa braso.
Kahit na wala pa rin akong maintindihan sa mga nangyayari,di ko mapigilang hindi maging masaya dahil kay Dark.
This is dangerous.
Falling in love is dangerous.

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon