Author

4.8K 73 37
                                    

Hi? Please support my story 'Enchantress' vampire story po siya and fantasy :) kung sino man diyan mahilig sa ganiting genre please click my Works :)
Thank You!

TEASER :

Puro sigaw at daing ng sakit ng mga tao at mga tunog ng espada ang aking naririnig. Kahit pa tinabunan na ng mga kamay ni Ina ang aking mga tenga, dinig na dinig ko pa rin ang kaguluhang nagaganap sa labas ng Mansiyon.

"Aurora Cleopatra, buti't nakita kita dito." Sabi ng isang humahangos na babae. She's old. Maybe not too old. Kasing edad ni Ina or older. Si Tita Helene ang kapatid ni Ama at ang Ina ng aking matalik na kaibigan.

"Oh! Helene,ako'y nandodoon lamang sa aming kwarto. Ngayon lamang ako lumabas. Kumusta sa labas? Nakita mo ba si Eduard?" Tanong ng aking ina sa kay Tita Helene.
Tumingin muna ito sa akin bago sumagot,

"Oo. Malala ang mga tama niya. Patuloy pa rin sila sa pakikipag-away. Natatakot ako,Cleopatra baka anong mangyari sa kanila at sa ating kaharian. Papaano na lang si Calssey?" Kumunot ang aking noo ng mabanggit niya ang pangalan ko. Ngumiti naman ito at hinawakan ang aking pisngi bago muling tumingin kay Ina.

"Ipasama mo siya kay Harold. Pinasama ko na rin ang anak kong si Caroline,pati ang anak ng Mahal na Hari na si Krius, wala tayong ibang choice kundi itapon sila sa mundo ng mga tao." Seryosong sabi ni Helene.

"Anong? Hindi ako makakapayag niyan Helene! Masama ang mga tao. Nakalimutan mo na bang sila ang dahilan kung bakit namatay ang aking asawa at ang iyong kapatid?!" Halatang galit si Ina dahil nakakuyom ang kanyang mga kamay.

"Wala tayong magagawa,Cleopatra! Isasalba natin ang Emperyo Sylvinia! Pati ang ating kaharian, pero dapat ligtas ang tagapagmana at ang dalawang makapangyarihang mangkukulam!" Is she pertaining to me and Caroline? We're not witches! Gusto ko sanang umapela pero tinikom ko na lamang aking bibig, Tita ko pa rin siya at may respeto ako sa mga matatanda.

"Wala akong ibang maisip kundi ipatira sila sa Mundo ng mga Tao, mamuhay nawa sila ng matiwasay bago ang itinakdang panahon ng kanilang pagbabalik."

Wala akong maintindihan sa pinagsasasabi nila,just half of it.
Mundo ng mga tao? Palagi ko iyang naririnig sa mga kasambahay namin . Gusto raw nilang pumunta doon at mamasyal. Kaso nga lang hindi pumapayag ang Mahal na Reynang Abigail.

"Magiging Reyna si Calssey balang araw,Cleopatra. Alam kong siya ang pipiliin ng Prinsipeng si Krius na pakasalan. Kaya ihatid mo na siya kay Harold!" Dagdag ni Tita Helene.

"Krius can't marry my daughter,Helene. Hindi sila pwede." Nasisigurong wika ni Ina. Krius and Me? Ipapakasal pero hindi pwede? Bakit?
Natahimik si Tita.

"Bahala na,Cleopatra ang mahalaga'y ligtas sila. Magmadali ka sa iyong desisyon, ilang minuto mula ngayon ay matutunton na tayo ni Helios." At umalis na siya sa harapan namin.

Hinarap ako ni Ina at tinignan ang buong mukha ko. Hinawakan niya ang aking pisngi.

"Calssey,baby. Makinig ka sa akin, hindi ko gusto ang desisyon ng Tita Helene mo pero gaya ng sabi niya wala kaming ibang choice kundi ipatapon kayo sa mundo ng mga tao. Ito isuot mo ito." Tinanggal niya ang kanyang kwintas na may markang di ko maintindihan na pangalan. Noon pa man ay palagi na niya itong suot-suot. Hinubad niya lamang ito ng namatay ang aking amang si Leonel.

"Tanda ito na anak kita. Anak ka ng isang makapangyarihang sorcerer. I love you." Hinalikan niya ang aking noo sabay ang pagpatak ng kanyang mga luha.
Niyakap ko siya sa huling pagkakataon. Naiintindihan ko ang nais nila. Kung kinakailangang mapadpad ako sa mundo ng mga tao para mailigtas kami, willing akong magpatapon.

Dinala niya ako sa isang lumang silid.
Nakita ko doon si Caroline kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
Nandoon din sa may gilid si Krius na agad ding lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang mga bisig.

"Harold. Ikaw na ang bahala sa kanila ah?" Naiiyak na sabi ni Ina,tumango naman ang huli.

Nakarinig kami ng isang malakas na kalabog sa pintuan. Nagkatinginan si Ina at Ginoong Harold. Walang pasubaling tinulak na niya kaming lahat papunta sa isang malaking closet kung saan nandoon ang Portal na siyang magdadala sa amin sa Mundo ng mga tao.

Bago pa man kami makapasok ay bumukas na ang pintuan,iniluwa doon ang maraming lalaki.
  Hinawakan ni Krius ang aking kamay at itinago sa kanyang likod. Si Caroline naman ay itinago ni Ginoong Harold.

"Papaano kayo nakapasok dito?" Nararamdaman ko ang takot sa boses ng akin Ina pero pinilit niyang maging matapang sa pagtatanong.

"Cleopatra,hindi ka pa rin nagbabago. Matapang ka pa rin." Sabi nung isang kaedaran ata nila Ina at Ama. Kahit na may edad na'y di pa rin maipagkakaila ang kakisigin nito. Mapupula ang kanyang mga mata at labis na nakakatakot. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ni Krius.

"Helios.." Sambit ni Ina at masamang tinignan ang lalaki na ngayo'y humahalakhak.

"Kukunin namin ang tagapagmana. Pati ang dalawang mangkukulam na ito." Sabay sulyap niya sa aming tatlo nina Krius at Caroline. Wala akong ibang ginawa kundi irapan siya. I'm not a witch!

Kumawala ang pagak na tawa ni Ina sa loob ng silid.

"Hindi niyo sila makukuha!" May nag form na puting ilaw sa kamay ni Ina,pati na rin sa kamay ni Ginoong Harold. Sabay nila itong pinakawalan papunta sa mga lalaki ngunit gumawa ng malaking bilog ang lalaki na si Helios upang protektahan silang lahat.

"Krius! Dalhin mo sila Calssey at Caroline! Umalis na kayo!" Sigaw ni Ina,halatang nanghihina na siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti,ngumiti ako pabalik.

Nakapasok na kami sa Portal ni Caroline, humakbang naman papunta sa amin si Krius pero bago pa man siya tuluyang makapasok ay natamaan na siya ng ilaw galing kay Helios! Masyadong mabilis ang pangyayari! Hindi namin namalayan na tumilapon na sa may ding ding si Ina at Ginoong Harold kaya nakagawa ng pagkakataon si Ginoong Helios na saktan ang Prinsipe!

Napaupo si Krius sa sakit. Akma ko siyang lalapitan ngunit pinigilan niya ako.

"Hintayin ninyo ako sa mundo ng mga tao,susunod ako sa inyo. Pangako." Huling salitang aking narinig bago siya nagpakawala ng isang malaking apoy sa kanyang palad. He has the dangerous Alice.
Kasabay nun ang pagsarado ng Portal at pagkawala ng aking malay.

-
dito muna ako magfo-focus mga besh. Basahin niyo please😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon