"Everybody,Duck!" Nakakabinging sigaw ni Dark. Eh? Ano ba iyong duck? Pato? Di ko alam ang gagawin ko,naramdaman ko na lang ang paghila ng isang malambot na kamay na humila sa akin pababang kabayo.
Dumapa kami sa lupa,iyon din ang ginawa ng lahat.
Nakaharang sa katawan ko ang katawan ni Dark kaya hindi ko mapigilang hindi mamula.
The position is too awkward for me to bear.
Balak ko sanang kumawala pero hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.
"Don't move." Ma-awtoridad niyang sabi kaya wala akong ibang nagawa kung hindi sundin siya.
Umulan ng mga pana,mabuti na lamang ay nasa ilalim kami ng kanyang kabayo.Ng naging malinaw ang paligid ay unti-unti kaming tumayo dalawa.
Nakahawak pa siya sa aking kamay.May nakita kaming babaeng nakatayo sa sanga ng puno,nanlalaki ang mga mata ko,kilala ko siya!
Nilingon ako ni Dark,sumenyas ako na okay lang at kilala ko naman siya,kaya hinayaan niya akong kausapin si Hannah.
Anong ginagawa niya rito?
Nasagot naman ang aking katanungan.
P-ero? Taga Hell Campus siya? Anong ginagawa niya sa Bloody Campus noong nakaraang araw? Ang matindi pa'y kinausap niya ako.Pagkatapos niyang sabihin ang kanyang pakay ay umalis din siya kaagad.
Tumingin sa akin si Dark at nilahad ang kanyang kamay.
"Let's go?" Ngumiti ako sa kanya bago tumango at inabot ang aking kamay.
Marahan niya akong inalayayan pasakay ng kabayo."Everybody,Move." His voice screams with authority. Tumalima naman ang lahat at kanya-kanyang umalis.