Bloody Twenty-Four

2.9K 88 4
                                    


Kinabukasan,kalat ang balitang patay na si Emjee Sanchez,ang class muse.
Hindi ko maiwasang hindi mangamba. Ano ba kasing nangyari sa akin kagabi? Bakit ko nagawa ang karumaldumal na krimen na iyon?

"Naku! Katakot naman,kaya Eris huh!" Napatingin ako kay Phoebe ng binanggit niya ang pangalan ko.
May alam ba siya?
Pinilit kong hindi mamutla.

"Trip mo pa namang lumabas ng gabi,sinasabi ko sa'yo,mag-iingat ka always." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya,I smiled and nodded.

"Ang sabi-sabi,nakita daw iyong bangkay sa tapat ng dormitoryo natin,girls!" Tili ni Channel.
Umahon muli ang pangamba sa aking dibdib. Hindi ko naisip iyon kagabi,hinila ko sana iyong bangkay sa ibang lugar! Huhu.

"Omoooo!" Sabay takip ng bibig niya so Grace,nakatingin siya sa may likod ko.
Hindi ko ito nilingon,malamig na presensya?
Hah! His presence doesn't mean a thing to me anymore.

Talaga ba?

Ugh!  Konsensya naman,kala ko ba friends tayo?

"Mr. Cray,ano ginagawa mo dito?" Kinikilig na sambit ni Grace,tss.
Totoo palang may gusto siya kay Dark? Edi sa kanya na!
Pinagtitinginan ng mga babae si Dark dito sa may cafeteria.
Iyong iba halos maglaway na nga eh.

Inis kong binalingan ng tingin ang paasa.
Psh. Ang gwapo niya sa school uniform.
His eyes darted on mine. Psh.

"Let's talk." Malamig niyang sabi ngunit hindi ko ito pinansin at binalik ang atensyon sa pag-inom ng frappe.

Nagsinghapan ang mga tao sa cafeteria,well,I don't care kung ano sasabihin niyo.

"Eris,ano ba!" Gigil na bulong ni Phoebe. Anong ano ba? Psh.

"Eris naman,wag kang mag-eskandalo dito,kung may problema man kayo,pag-usapan niyo,please lang." Bulong din ni Channel habang si Grace ay nakatingin pa rin kay Dark.

"Ayaw ko,manigas siya." I said.
Bigla kaming may narinig na nabasag na plato,lahat napalingon kay Chesska,ang Reyna daw ng Paaralan.
Galit niyang tinungo ang table namin at sapilitan akong pinatayo. Ang sakit pa ng pagkakahawak niya sa braso ko.
Pag ito nagkapasa!

"B*tch,Mr. Cray is talking to you,can't you hear him? Sino ka ba sa akala mo at kung makaasta ka ng ganyan? Ni hindi ka nga kasali sa Bloody Royals eh!" Nanggagalaiti niyang sabi.
What Bloody Royals?

"Nasasaktan siya,Queen." Mahinang sabi ni Phoebe,binalingan naman siya ng masamang tingin ni Chesska.

"Shut up,Princess! Mas mataas pa rin ang rango ko sa'yo kaya manahimik ka!"
Princess? Prinsesa si Phoebe? Nalilito ko silang tinignan.

"Kayo,Duchess and Empress,wala man lang kayong ginagawa diyan,porket kaibigan niyo ito? We must respect our King!" Sabay turo niya kila Channel at Grace na ngayon ay worried na nakatingin sa akin.
Duchess and Empress huh?

"Get your filthy hands off of me." Sabi ko dahil ang sakit na kaya ng braso ko.
Tinignan ko si Dark pero malamig lang siyang nakatingin sa akin.
Ano pang inaasahan ko? Hindi niya ako tutulungan!
Wala rin namang maitutulong ang Tatlong Bibe! Then who else would help me than myself?

Umalingawngaw sa Cafeteria ang tawa ni Chesska pati ng mga estudyanteng nanonood.
Ngayon ko lang na-encounter ito,at last week ko pa lang nalaman na may Queen pala sila dito,kung hindi dahil kay Celyn di ko iyon malalaman.

"Inuutusan mo ba ako?" Tanong ni Chesska,I arched my eyebrows.

"Obviously." I stated dahilan upang mas hinigpitan niya ang hawak sa akin.

"Ouch." Napadaing ako dahil ibinaon niya ang matutulis niyang kuko sa aking balat!

"Don't talk to me like that,bitch. I'm the Queen! You little!" Before I could react,binuhusan niya ako ng malamig na juice.
Oh sh*t.
Nababakat na ngayon ang bra sa aking uniporme dahilan upang magsipulan lahat ng mga lalaki at natatawa ang mga babae.

"Stop it,Chesska." Tinig nagmamakaawa ng Tatlong Bibe.
Nilingon ko si Dark,wala siyang ibang ginawa kundi tignan lamang ako,napangiti ako ng mapait.
He doesn't care! Then why the heck he's still here? Para ano? Makita akong umiyak at saktan ng babaeng ito? Na Reyna daw?

"No,I need to teach this b*tch a lesson." Si Chesska.
I smiled at her kaya lahat ng tao ay nagtaka sa aking ikinilos.

"Hands off before you'll get killed." Walang emosyon kong sinabi.

"Nagpapatawa ka ba? Ako? Mapapata-" hindi niya naituloy ang kanyang sinabi ng bigla ko siyang sinaksak sa kanyang tagiliran gamit ang aking katana.
My favorite weapon. I secretly smiled dahil nandito pa pala ito sa blouse ko.
Ang blouse na suot-suot ko nung una akong tumapak sa paaralang ito.

Napaluhod siya sa sakit,dali-dali namang dumalo ang mga alipores niya but before they could lay a hand ay binato ko sila isa-isa ng thumbtacks.
Bumaon ito sa mga kamay nila, dahilan upang umatras sila.

Nilapitan ko si Chesska na ngayo'y namimilipit sa sakit.
Hinila ko ang kanyang mataas na buhok upang tignan siya sa mga mata.

"I already warned you,but you didn't listen."
The urge of killing her brutally is at the back of my mind.

Biglaan siyang tumayo at papatedin sana ako ng walang kahirap-hirap kong nakuha ang kanyang paa and twisted it.

Kinapa ko ang balisong na ginamit ko kagabi and pointed it to her forehead.

"Stop." Ma-awtoridad na utos ni Dark.
Umiiyak na ngayon sa harap ko si Chesska,begging me to stop,but I just ugh!
Crying lil baby. Psh.

"Pkakuu." Sabi ko sa kanya at umalis doon.

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon