Bloody Forty-Seven

2.3K 56 0
                                    

Clone

-

Pagkapatay ng ilaw ay siya ring paghila ng marahas sa akin ng kung sino. Hindi ko naman nagawang nagpumiglas pa dahil sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak.

Narinig ko pa ang tili ng mga babae, kinapa ko ang lalaking nakahawak sa akin. Positibo akong lalaki dahil malalaki ang kamay nito.  Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang braso sa aking beywang.

Huminga siya sa may leeg ko na nagpatindig ng balahibo ko sa katawan. Who the hell is this man?

"It's me." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa aking narinig. Kilala ko ang boses niya. Napangiti ako kahit na magkagalit kami.

Hinilig ko ang aking ulo sa kanyang matipunong dibdib. Tanging mga kaluskos lamang ang aking naririnig. Kahit anong dilat ko ay wala pa rin akong makita sa sobrang dilim.

Ilang sandali lamang ay may narinig kaming humalakhak sa speaker ng Headquarters. 'Yong tawa niya ay kilalang kilala namin! Narinig ko pa ang mga malulutong na mura ni Dark sa aking likod.

Kasabay nito ang pag-ilaw sa buong silid. Matagal na nag-adjust ang aking mga mata sa liwanag. Una kong nakita si Eli na niyayakap ni Ethan.

Sama sama naman sa may gilid ang Tatlong Bibe, si Gregory at si White.

"Where's Nico?" 'Yan sana ang itatanong ko, naunahan lang ako ni Grace. Nasaan si Nico? Wala na siya sa silid!

Mabilis na nilapitan ni Gregory ang pintuan ng clinic pero naka-lock ito!

"What the fuck?" Mura niya at binalingan kami. Kinakabahan na ako. Are we trapped? Kaninong pakana ito? Nanlalambot ang aking tuhod ng muling umalingawngaw ang halakhak ni Tita Leticia.

"It's nice to see you all!" Tumawa siya kahit na walang nakakatawa. Or maybe seeing us afraid and terrified is what makes her happy.

Naramdaman ko ang pagkuyom ng kamao ni Dark sa aking beywang. Hinaplos ko iyon at tiningala siya. Galing sa galit na mga mata ay unti-unti itong pumungay.

"Damn You, Leticia!" Sigaw ng aking kakambal. Sabay kaming napatingin sa Telebisyon dito sa Clinic. At doon nakita ko ang aking pamangkin! Karga siya ni Danica na malademonyong nakangisi sa screen.

What the fuck? Papaano nangyari 'yon? Hindi ba ay pinosasan si Danica kanina at nandito lang siya sa Headquarters!

"Not my baby,please!" Humagulhol si Eli kaya nilapitan ko siya at niyakap. Walanghiyang Leticia! Pati bata ay idadamay niya sa kanyang kawalanghiyaan! I swear, I will kill her with my bare hands kapag nakalabas ako dito!

"Oh? How does it feel to see your baby, for the last time?" Tumawa si Leticia. Nakakairita ang kanyang tawa! I want to fucking shut her fucking mouth!

"Hi, Dionne! Do you remember me?" Tumawa siya. I gritted my teeth.

"Sinong hindi makaalala sa isang demonyang katulad mo,Leticia?" Sagot ko at nilibot ang paningin sa paligid. Nakita ko si Dark at Gregory na may sinusuri sa may dingding. Marahil ay tinitignan nila kung nasaan nakatago ang CCTV Camera, at kung bakit nakikita lahat ng galaw namin dito ni Leticia. Cut the Tita! Nawala na lahat ng respeto ko sa kanya bilang nakakatanda.

"Fierce. I like you so much."

"Well then, I loathe you so much." Sagot ko kaya mas lumakas ang nakakaasar niyang tawa.

"Are you guys wondering? Bakit hawak-hawak na ng anak ko ang baby mo,Divine? At nasaan ang magaling niyong half-brother?" Humagalpak siya sa tawa. 'Yan din ang pinagtataka ko,eh! Bakit? I mean, paano nakatakas si Danica? How come na-lock kami dito? Paano nakatakas ng ganon kabilis si Nico? At diba, magkapatid kami? Papaano niya nagawa sa amin ito?

"Papaano nga nangyari 'yon?" Kumunot ang noo ni Phoebe. Nakikita pa rin namin si Danica na nilalaro ang aking pamangkin. Hurt that child and I'll kill you like nobody's watching!

"Have you heard about the word,cloning?" Nanlalaki ang mga mata namin sa aming narinig. Clone?

"Clone? You mean clone lang 'yong Danica na nahuli namin? Pati si Nico?!" Naguguluhang sambit ni Grace. Wala akong masabi. Gulat na gulat pa rin ako sa sinabi ni Leticia na Clone daw.

"Smart,Levis. Tama ka, at alam niyo kung bakit 'yon nabuo?" Tumawa muli siya. Sana mamatay siya sa pagtawa!

"Bakit? Papaano?" Nasambit ko.

"Sa dugo ni Nico!" Nagulantang kaming lahat ng biglang nag-flash sa flat screen ang mga naglalakihang capsule na may tubig. Doon nakita namin ang  hubad na katawan ni Nico.  Parang fetus ang kanyang porma doon. May oxygen na nakakabit sa kanyang bibig.

Napatakip ako sa aking bibig. How cruel! Mga wala silang puso! Nakita ko rin ang iba pang mga estudyante na naroroon. Even Danica! Papalakpakan ko na talaga si Leticia, deserve niyang makatanggap na award ng 'The Most Heartless Woman of The Year'. How could she? Anak niya 'yan. Wala talaga siyang sinasanto!

"Ang akala ko ba ay yaman lang namin ang kailangan ninyo? Bakit may ganyan? Bakit nadamay ang mga inosenteng 'yan?" Napasigaw na ako sa galit.
Tumawa na naman siya. Biglang namatay ang TV. Ngayon ay ang singhapan na lang namin ang naririnig sa silid.

"Well, mga tanga kasi ang mga 'yan. Gusto ng thrill kaya napagtripan naming gumawa ng paaralang para lamang sa mga taong walang magawa sa kanilang buhay. Well, noong una, yaman niyo lang ang habol namin. Pero nagbago ang isip ko. Pwede kaming yumaman ng sobra sobra dahil sa paggawa ng clone. At malay mo? Masakop namin ang mundo." Napailing ako. Nababaliw na siya! Sakupin daw ang mundo?

"Nababaliw ka na." Marahang sabi ng kakambal ko na wala pa ring tigil sa pag-iyak. Please, sana safe lang ang pamangkin ko.

"Yes dear. Matagal na akong baliw. Paano ba 'yan? Wala kayong magagawa upang iligtas ang anak mo,Divine. Hindi niyo na din maliligtas ang half-brother niyo." Umiling ako at pinasadahan ng mabilis na tingin ang maliit na device na nasa pintuan. Napalingon ako kay Dark at mukhang alam niyang alam ko kung nasaan ang device na gamit ni Leticia upang makita ang mga galaw namin. Ngumiti ako sa kanya ng matamis. Kinindatan niya naman ako, muntik na akong mahimatay sa kilig dahil dun. Pero nasa masamang sitwasyon kami ngayon kaya itigil na muna ang kalandian.

"You sure,Tita?" Nanunuya kong tanong kay Leticia na ngayo'y natahimik. Sandali lamang 'yon dahil humagalpak muli siya ng tawa.

"Sure na sure. Wala kayong magagawa. Bantay sarado ko kayo,eh. Nakikita ko lahat ng galaw niyo. Kaya hindi kayo makakatakas. Naka-set na lahat ng mga kawal ko sa posibleng dadaanan niyo." Tumawa siya kaya ngumisi ako. Dahan-dahan akong nilapitan ni Dark at marahang hinalikan ang aking pisngi. Nagmura pa si Ethan sa may gilid at nagsinghapan ang mga babae.

"Anong kalandian 'yan? Nasa panganib na nga kayo ay nagawa niyo pang maghalikan?" Ngumisi kami pareho ni Dark sa sinabi ni Leticia.

Umatras ako at kinorner ako ni Dark sa pintuan. Nasa magkabilang gilid ko ang kanyang mga kamay. Kinukulong ako.

"What the he-" hindi na naituloy pa ni Leticia ang kanyang sasabihin ng malakas na sinuntok ni Dark ang maliit na Device na nasa malapit sa aking tenga.

Nagkatinginan kaming lahat. Batid ko'y alam nila kung ano 'yong sinuntok ni Dark.

"Let's do this." Sabay-sabay naming sigaw at ngumisi.

Let me end your crazy doings,Tita Leticia Gorrie.

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon