Bloody Thirty-Eight

2.3K 66 11
                                    


One word to describe this school? Magulo.
One word to define Dark? Mysterious.
One word to delineate what I'm feeling right now? Sad.

Nandito ako ngayon sa garden ng school. Hindi na muna ako papasok, wala akong ganang makinig sa mga lectures after what had happened kanina.

Umupo ako sa ilalim ng puno at ginulo ang mahaba kong buhok. How can I be so dumb?
Si Nathan at Dark ay iisa? Urgh!

Sa kalagitnaan ng pagmomokmok ko ay may narinig akong mga yapak na parang tumatakbo galing sa may kakahuyan. Baka mga mababangis na hayop? O mga masasamang elemento? Dali-dali akong tumayo at maglalakad sana paalis ng marinig ko ang mumunting iyak ng isang sanggol at ang pag-aalo ng isang babae nito.

Matapang akong naglakad palapit sa kung saan ko naririnig ang ingay.
And to my surprise, nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa lupa at nakayuko habang pinapatahan ang batang kanyang akay-akay.

Puros galos ang nakikita ko sa mga binti niya pati na rin sa mga kamay.
Umiiyak din ito kasabay ng pag-iyak ng kanyang anak.

"Mi-ss?" Tawag ko na ikinaangat niya ng tingin. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Dumadaloy pa rin ang mga luha niya sa kanyang magagandang mata.

Bakit parang kilala ko siya? Bakit parang nakapamilyar ng mukha niya sa akin?

Bakit kam-ukha ko siya?

"Eris?" Malamyos niyang tanong habang umiiyak pa rin. Kilala niya ako? Papaanong?

"Eri." Tawag ulit niya at naging malakas ang hagulhol. Eri?

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Umawang ang mga labi ko. Impossible. Siya? Siya si?

-

Phoebe's PoV :

Nagpapanic kaming tatlo, kinakagat ko ang aking mga kuko,si Grace naman ay pabalik-balik na naglalakad habang si Channel ay nagpapadyak.

"What to do? What to do? Bakit niya nalaman?" Tanong ko sa kawalan. Bakit nalaman ni Eris 'yon? Fuck! Hindi rin pwedeng si Celyn ang nagsabi sa kanya dahil wala itong alam sa tunay na pagkatao ni Nathan. The hell!

May kumatok sa pintuan kaya dali-dali itong binuksan ni Grace. Bumulaga sa amin ang galit na mukha ng dalawang Mr. Cray.
Nakasunod naman sa likod si White at Gregory.

"What the fuck happened?" Paunang tanong ni Dark at umupo sa kama ni Eris. Pinatawag ko sila kay White mga ilang minuto pa ang nakakalipas.

"M-r. Cr-ay. Hindi din po namin alam kung bakit niya nalaman 'yon." Nauutal kong tanong habang nakayuko. Dinaluhan naman kaagad ako ni First.

"Fuck it!" Sigaw ni Ethan at sinabunutan ang kanyang buhok. Maging si White na madaldal at masayahin ay hindi nakangiti ngayon bagkus ay malulungkot ang mga mata niya.

"We're doomed." Bulong niya at tumabi kay Ethan na nakaupo sa pangdalawahang upuan.

"What are we gonna do now?" Inis na tanong ni Ethan. He's very furious right now. Kaunting kalabit nalang ay sasabog na siya.

"She might think that everything I said were all lies." Mahina at malamig na sinabi ni Dark.

"What do you mean, Mr. Cray? Totoo bang mahal mo talaga siya?" Nagdududang tanong ni Grace. Binigyan naman siya ng nakakapanindig balahibong titig ni Dark.

"I've been in love with her since we were kids." Balewalang sagot nito at nagkibit-balikat. Nagulat ako roon, maging si Channel at Grace. Akala ko talaga ay hindi niya mahal si Eris. Magkakilala na ba sila ni Eris noon pa? Wala akong alam sa kanilang nakaraan. Maliban kay Ethan at Elizabeth na nasaksihan naming mag-ibigan noon.

Ang alam ko lang, naming tatlo ni Grace at Channel ay naging magkaibigan kami nila upang maghigante kay Tita Leticia ang walanghiyang Principal at ang nagmamay-ari ng eskuylahang ito.
Mabuti na lamang ay hindi niya kami gaanpng pinupuna dahil na rin sa problema niya sa mga taga Hell Campus. Ang paaralan na pinamumunuan ng mga halang ang kaluluwa. Kung demonyo na sa paningin ng mga tao ang paaralan namin, pwes mas demonyo ang paaralang 'yon. The school that was led by Mr. Jacinto Gorrie, kapatid ni Leticia Gorrie. Ibang klase, magkakapatid pero nagbabangayan para lamang sa pera.

Tahimik ang lahat ng biglang kumalabog ang pintuan.
Iniluwa roon si Eris na may bitbit na sanggol habang malamig na nakatingin sa aming anim.

Magtatanong sana ako kung kanino ang batang dala-dala niya at saan niya naman napulot 'yon?
Imposible namang may mabubuntis rito, wala ngang magjowa eh.

Walang puwang ang pagmamahal sa lugar na ito. Wala nga ba? Hindi ko alam. I've been in love twice.

Ng biglang nagpakita ang babaeng nakasunod lang sa may likod niya.
Kinurap-kurap ko ang aking mga mata. Shit! This is impossible!

"Elizabeth Divine Chan?" Sabay-sabay naming naibulalas.

**
Forgive me, guys. I forgot what's Elizabeth's true name. Elizabeth Devonne? Elizabeth Dianne? Elizabeth Danna? I don't know but I'm positive that the first letter was letter D. Kung namention ko na 'yon sa ibang chapter. Pakisabi sa akin kung ano. :(

Loves,
RusselaxSamuel❤

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon