Bloody 12
Not Mr. Cray"Oh? Sasama ka ba sa amin,Eris?" Tanong sa akin ni Grace,hindi ko siya magawang sagutin dahil malalim ang iniisip ko.
Bakit nagawa nilang magsinungaling? Sino ba sila?
My decisions are right. I didn't trusted them,pero napamahal na ako sa kanila. Just when I'm planning to trust them,back to zero ulit. Mahirap na talagang magtiwala sa panahon ngayon. Kaya nauuso 'yong mga trust issues dahil sa mga sinungaling at mapagpanggap na mga tao.
Pinapaniwala ka nilang kakampi mo sila pero ang totoo'y pinapahulog ka lang nila sa isang patibong.Tulala na ako simula pa kagabi dahil sa lintik na sulat na ipinabasa sa akin ni Celyn. 'Yong babaeng 'yon, siya ang dahilan kung bakit late na ako nakatulog kagabi at bakit kay laki laki nitong eyebags ko ngayon.
Muling lumitaw sa aking utak ang nabasa ko sa kanyang sulat."Alam kong sinabi sa iyo nila Phoebe na wala kang makakain kapag nahuli kayo ni Mr. Cray,ganoon ang galawan nila kapag may bagong salta dito. Kinakaibigan nila at pinapaniwala sa kanilang gawa-gawang storya. Hindi.
Kapag nahuli ka ni Mr. Cray at may tatak ka na,ibig sabihin nun bawal kang lapitan dahil papatayin mo kung sino man ang lalapit sa'yo.
And, hindi si Mr. Cray ang Presidente ng paaralan. Don't trust them."
-Celyn."Yuhoo? Eris!" Sigaw sa akin Phoebe. Isa pa ito. How can they act so good in front of me. Pero tama ba ito? Tama bang maniwala kay Celyn? She seems to know everything but, uh! I don't know who to trust anymore.
"I don't wanna come." Malamig kong sabi. Plano kasi nilang pumunta sa may mall para daw mamili ng mga kakailanganing gamit dito sa aming Dorm. Yes. You read it right. May mall dito,may mga damit,bags,shoes,basta mga kagamitang nasa isang pangkaraniwang mall din.
Pero sasakyan niyo muna ang bus ng school papunta doon,medyo malayo din kasi.
Every Friday pala ang may ganoon,iyong pupunta ang mga estudyante sa mall,free lang ang mga gamit doon,kailangan mo lang ipakita ang ID mo,pero wala pa akong ID,hindi ko namalayan,masyadong pre-occupied ako noong nakaraang mga linggo kakaisip kung sino si Elizabeth,what happened 7 years ago? Sino si First? Sino si Erzah? Sino si Dark? Tss. Damn, everything's a mess."May problema ka ba?" Concern na tanong ni Channel. Umiling ako. Wala akong problema.
"Okay then. Bibilhan ka nalang namin ng mga gamit. Hehe." Excited na wika ni Grace sabay giggle and they went off. Napairap ako pagkawala nila. Liars! Pretenders!
Boring. Nababaliw na ako kakaisip dito,nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ako sumama sa tatlong bibe. Hays! Kaya ko naman atang makipag-plastican sa kanila ng mga ilang minuto o ilang oras diba?
Lumabas ako ng dorm,isang tahimik na ground ang bumungad sa akin.
Ngayon ko lang nakita ng maayos ang paaralan.
May sampung building na nakapalibot sa open space ng paaralan.
May fountain ito,sa gitna ay may statue ng babaeng may hawak ng kutsilyo at martilyo sa kanang kamay at sa kaliwa naman ay may hawak-hawak itong jar,dito lumalabas ang kulay pulang tubig. Must be a paint? Water Color? Or totoong dugo?Lumapit ako doon para makita ang marka malapit sa may dibdib ng babae.
"The goddess of chaos,strife and discord." Basa ko sa nakasulat.
"Do you know who is she?" Hindi na ako nagulat sa taong nagtanong sa akin niyan. Kanina ko pa ramdam ang presensya niya. Marahil ay kanina pa ako pinagmamasdan at sinusuri,ngayon lang niya napagpasyahang lumapit.
"What took you so long para lapitan ako?" I arched my eyebrow and she chuckled.
"What do you want now? Sana naman ay di ako makakarinig ulit ng maling impormasyon galing sa'yo,Erzah." Dagdag ko ng hindi siya sumagot sa aking naunang tanong. Napakasinungaling niya pinaniwala niya akong may papatay sa akin pero wala naman pala. Sobra-sobra ang kaba ko noon. Halos atakehin na nga ako sa puso,eh.
"Sorry about that tho. But I'm here to congratulate you."
Nagtataka ko siyang tinignan. She give me a smile. Not genuine but it's rare seeing her like this. Gumanda pa siya lalo sa aking paningin."For... Not being weak." Tss iyon lang ba? Akala ko pa naman makakalabas na ako dito. Or, may labasan ba sa Paaralang ito?
"Thank you then." I sarcastically said.
Hindi siya muling nagsalita kaya nilingon ko siya,namilog ang mata ko ng makita kung sino ang tinitignan niya.
None other than,the jerk who stole my first kiss! Dark Eros!
Susugurin ko na sana siya ng sampal at sabunot for stealing something important to me pero pinigilan ako ni Erzah.
Mahigpit ang hawak niya sa mga braso ko. Lintsyak,magkakapasa ako nito panigurado!"He's not Mr. Cray." Huling sinabi niya bago siya nawala sa aking paningin. Sinundan niya ang lalaking may gintong maskara sa kakahuyan.
Ano daw? Hindi iyon si Dark? Pero sino? Diba si Dark lang ang may gintong maskara?
Urgh!
