Bloody Forty-Nine

2.8K 60 28
                                    


Bloody 49

Phoebe's PoV :

Mabilis pero dahan-dahan ang hakbang namin ni Gregory patungo sa boundary ng Hell Campus at Bloody Campus.

"Stay behind me." Utos iyon ni Gregory ngunit hindi ko na pinansin. Anong akala niya sa akin? Hindi marunong makipaglaban? He groaned violently dahilan upang lingunin ko siya binigyan ng masamang tingin.

"Aish!" Inis niyang sinabunutan ang sariling buhok, napatawa ako ng mahina.

Naririnig ko na ang malalakas na putukan habang papalapit kami ng papalapit sa boundary. Nagkatinginan kami ni Gregory ng may mga yabag ng mga paa papunta sa kinatatayuan namin. Agad akong tumakbo ng walang ingay papunta sa malaking puno at doon nagtago, malayo ng kaunti kung nasaan si Gregory.

Hinawakan ko ng mahigpit ang aking baril ng matanaw ang limang lalaking may malalaki ding armas. Papunta din sila sa boundary. Kinasa ko ang aking baril at kinindatan si Gregory. It was a sign para putukan namin ang limang lalaking ito.

Walang pag-alinlangang kinalabit ko ang gatilyo. Natamaan ang dalawa, ang tatlo ay sabay-sabay na bumaling sa akin. Tinutukan nila ako ng baril pero ngumisi lang ako. The next I thing know,bumulagta na silang lahat sa damuhan. Nginitian ko si Gregory at nauna ng maglakad. I feel his presence behind me.

"How does it feel to save your first love?" Nanunuya kong tanong kay Gregory at bahagya siyang nilingon. Kaagad kumunot ang kanyang noo,his lips protruded.

"Damn it,Phoebe. Hindi ka pa rin ba naniniwalang mas mahal pa kita kaysa sa kanya?" May pagtatampo ang kanyang tono. Nagkibit ako ng balikat. Alam ko namang mahal niya ako,ramdam ko iyon pero hindi ko pa rin maiwasang ikumpara ang sarili ko sa babaeng unang minahal niya. This isn't the time to be emotional, Phoebe!

Mabilis ang hakbang niya patungo sa akin at kaagad akong niyakap. Ngumiti lang ako tsaka kumalas.

"Wag mo na lang akong pansinin." Ngiti ko. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad ng biglang may nafi-feel akong mukhang mahuhulog sa itaas at hindi nga ako nagkamali. Isa iyong malaking net.

We run,but it is too late, naabutan pa rin kami at nakulong sa malaking net na iyon. Napamura ako ng malakas.

"Shit! Damn it! We are trapped!"

Paano na ito? Anong gagawin namin ngayon? We need to save Isabella! Napatingin ako sa maliit na machine sa gilid. Kunot ang niong nilapitan ko iyon at sinuri. Kaagad naman akong sinundan ni Gregory,marahil ay nagtataka kung saan ako pupunta.

"Ano ito?" Natanong ko matapos kunin ang machine na mukhang calculator, malaki nga lang ang screen nito. Nakitingin din si Gregory sa hawak ko.

Nagulat ako ng bigla itong tumunog at biglang may nagflash sa screen na riddle or something.

Take me, and you won't be able to spell the word GODDESS correctly.
Loathe me because I'm evil.
But hey, this is a RIDDLE so bear with me.
River, Feather, Stroller, words without any similarities, but it has a letter which is very important to me.
I, am the queen of mischief. I make wars and fights. Well, I love seeing two persons arguing. Shh! Shh! This riddle sounds so weird. Should I shut up now?
But please! Guess my name! So you'll be able to unlock the cage!
-Gorrie

Inis kong tinignan ang kabuuan ng malaking net na nakatrap sa amin. Walang posibleng madaanan o matakasan. Kung sino man ang may pakana nito ay napakatalino!

"I don't understand the riddle." Tumango ako bilang pagsang ayon sa sinabi ni Gregory. Maging ako'y nalilito sa sulat. At saan naman namin isasagot kung sakaling masagutan namin ito? Tila may nakabasa sa aking isip at may nakita akong umilaw sa gilid. Isa ulit itong machine na mukhang calculator. Sa screen ay nakahanda na ang keyboard upang tipahan ng sagot. This is frustrating! I don't even get this riddle! At sinong Gorrie ito? Leticia o iyong kapatid niya?

Grace's POV :

Kinakabahan ako,hindi ako mapakali! Sana ayos lang si Nico! I know,kakikilala palang namin noon pero hindi ko alam, kumakabog ng malakas ang aking dibdib sa tuwing nababanggit ang pangalan niya at sa tuwing naiisip ko ang una naming pagkikita. Hindi ko naman kasi akalain na sobrang gwapo pala niya,eh!

"Are you okay?" Nagtatakang tanong ni Erzah sa akin. I nodded and smiled. Tinaasan niya lang ako ng kilay bago nagpatuloy sa paglalalad papunta sa kung saan. Seryoso! Hindi namin alam kung saan hahanapin si Nico, kagagaling lang namin sa laboratoryo at wala kaming nakitang mga tao doon. Siguro ay nakaalis na.

Napahinto lamang kami sa paglalakad ng napagtantong mukhang kanina pa kami palibot libot! Pabalik balik lamang ang dinadaanan namin! Nagkatinginan kami ni Erzah.

"Damn! Mukhang nasa isang maze tayo," nasambit niya at nagmura. Namilog ang mga mata ko sa kanyang tinuran. Maze?

"Huh? Papaanong nagkamaze? 'Wag mong sabihing nasa loob pa tayo ng laboratory?" Gulantang na sambit ko. Shit! What the hell! Ano ito? Trap kami dito?

"Ganun na nga, dammit!" Nahihintakutang nilibot ko ang paningin sa paligid at nakitang nasa laboratory lang kami. Kung ganoon ay ilusyon lang namin kanina na may dinadaanan kaming ibang daan? Napahilot ako sa aking sentido. Crap, bakit hindi ko namalayan? Isa itong patibong! Kaya pala pagkapasok namin kanina dito ay may umuusok kaagad ng kung ano. Hula ko ay iyon ang dahilan kung bakit nag-iilusyon kaming nakalabas kami sa laboratoryo.

"Tignan mo ito,bilis!" Tawag sa akin ni Erzah kaya nagmamadali ko siyang pinuntahan. Iniharap niya sa akin ang isang machine na mukhang calculator? Pero malaki ang screen nito.

"Ano naman 'yan?" Nagtataka kong tanong at sinimangutan siya. Seriously? Ano namang magagawa niyan? Mailalabas ba kami niyan dito? Napakurap kurap ako ng makitang umilaw ang naturang machine at may lumabas na sulat. Nagkatinginan muna kami ni Erzah,kapwa nanlalaki ang mga mata bago pinagtuunang pansin kung ano man ang nakasulat.

Take the body but remain the head. So that you will know my name.

Slowly. What am I in Spanish,baby?
Who is this Greek goddess whose name means Spider?
Other name for innocent?
Who is this beautiful girl living in Argos?
How about the goddess whose name means the most beautiful?
Alas! Take my body and remain the head. This riddle is simply easy. If you can answer this, a key will fall from the roof and it will help you to unlock the locked laboratory.
-Gorrie

Napamura ako ng malakas,maging si Erzah ay ganoon din ang ginawa. Anong klaseng riddle ito? I am familiar with the deities pero hindi ko pa rin maintindihan ang ibig ipahiwatig ng sulat. What does "take the body and remain the head" mean?
This is hell! Shitzu!

--
PLEASE READ:

Sorry for the very late update! I was too busy looking for love this past few days. Kidding! Hahahaha. By the way, THANK YOU SO MUCH FOR THE 51K READS DOLLS! Akalain mo iyon ang dami! Ang galing lang :>

Pakihulaan ng riddle. Alam kong panget ang pagkakagawa. Pasensya na, Hindi ako maalam sa mga ganyan :<

And please.... COMMENT! I'm begging y'all. Magparamdam naman kayo para ganahan akong mag update. Please? 10 comments lang naman para sa next chap. Hahaha joke!

-Mnemosyne




Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon