Bloody Eight

3.7K 122 6
                                        

Bloody 8
In the Dark with Dark?

"Please,don't leave me. Say you'll stay with me please? I'm begging you,Love. Fight for me,fight for us. I love you so much." I cried,my tears won't stop falling.
Nanghihina niya akong tinignan at pinahid ang aking mga luha gamit ang kanyang mga daliri.

"S-stop crying,you know how much I hate seeing you like that." He smiled,pero di ko magawang ngumiti man lang though nakakakilig ang sinabi niya.

"Fight for me,Love. Don't leave me,okay?" Sabi ko sa kanya. Akay akay ko siya sa aking hita,madami ng dugo ang nawala dahil sa tama ng baril sa kanyang dibdib.
Kailangan ko siyang madala sa hospital sa lalong madaling oras. Ngunit papaano? Wala akong alam na malapit na hospital dito sa lugar na ito. Kailangan kong magmadali! Seeing him in so much is breaking my heart into pieces.

"I love you so much." Bulong niya bago ipinikit ang mata. Nagpapanic kong tinapik ang kanyang pisngi. Kinakabahan ako sa biglaan niyang pagpikit. Goodness Gracious, please can someone help us,here?

"Love,gumising ka please,natatakot ako. Love!" Pilit kong kumalma pero hindi ko magawa! Damn it! This is all my fault! I'm so stubborn! Kung hindi lang sana ako umalis,diba? Hindi sana 'to mangyayari! Hindi sana manganganib ang buhay niya!

"Shh,Love. I'm okay." He assured me as he cupped my cheeks,nanghihinang pinahid niya ang mga luha ko.

Napabangon ako bigla dahil may tumapik sa akin.

"Are you okay? You're having a nightmare." Kalmadong sabi ni Grace sa akin. Inabutan niya ako ng tubig at umupo sa kama ko.
Hingal na hingal pa ako dahil sa napanaginipan.

What was that dream for? Sino ang lalaking iyon na tinawag kong "Love"? May naging kasintahan ba ako noon?
Wala naman ata,eh? Ni lalaking gusto ay wala maliban sa BTS member na si Jeon JungKook.

Sumakit ang ulo ko kaya hinilot ko ito saglit.
Nagpasalamat ako kay Grace bago humiga muli, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha bago bumalik sa sarili niyang kama. Nakakahiya naman sa isang 'yon at nagising pa siya ng dahil sa akin.

Two weeks na simula ng napunta ako dito sa Campus na ito. Sa paaralang kahit sa panaginip ay hindi ko nanaising mapuntahan.

At Isang Linggo na din ang lumipas simula ng nagsimula lahat ng mga estudyanteng mag-train para sa nalalapit na giyera,pagsapit ng bilog na buwan. Ganoon ba kalakas ang kalaban para mag-ensayo pa?

Wala pa rin akong maintindihan sa nangyayari. Para itong puzzle na kay hirap buuin. Nag-try na akong tanungin silang 'Tatlong Bibe' (Grace,Phoebe and Channel) about my queries but they don't know the answer either.

I went to the library too,but I found none. Walang kahit na anong libro ang related sa mga nangyari 7 years ago. Sino ba namang gago ang magsusulat patungkol sa nangyaring iyon diba?

Maging ang mga classmates ko,particularly Celyn, ay hindi ako magawang masagot. They are hiding something from me,I can fucking feel it! Yes, triny kong tanungin ang nerd na si Celyn pero nanatiling tikom ang kanyang bibig. Minsan ay bumubuka ang kanyang bibig at parang may nais na sabihin pero pinipigilan niya ito. What's holding her,anyway?

Pagulong-gulong ako sa kama ngunit di pa rin ako makatulog,bumangon ako at sinulyapan ang Tatlong Bibeng mahimbing ang tulog. Mabuti pa sila, payapang natutulog.

Kinuha ko ang aking Cardigan na itim at napagpasyahang lumabas muna at maglakad-lakad. In that way ay baka sapian ako ng espiritong pampatulog.

Malamig na hangin at mapayapang gabi ang sumalubong sa akin paglabas. This is amazing! Nilanghap ko ang sariwang hangin at ngumiti.

Naglakad-lakad ako habang iniisip kung saan ko mahahanap ang mga kasagutan sa aking mga tanong.

Dinala ako ng aking paa sa isang puno,sa likod ng garden kung saan ako nahuli ni Mr. Cray.
I sat down at the trunk of the tree. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa tahimik na gabi.

May narinig akong mga kaluskos sa kung saan,kaya tumayo ako at dahan-dahang naglakad papunta sa may ingay.
Nanlalaki ang mata ko ng nakitang may apat na lalaking nakamaskara ng itim na may mga hawak na patalim.

Parang may hinahanap sila! Sino naman kaya? Freak! Bakit ba hindi ko naisip na baka may papatay sa akin dito?
Humakbang ako paatras at muntik na akong mapasigaw ng may nabangga ang likuran ko. Oh My!

Dahan-dahan kong nilingon kung sino,isang lalaking may gintong maskara ang bumungad sa akin.
Seryoso siyang nakatingin sa akin na nagpawindang sa sistema ko.

Bakit siya pa ang nakakita sa akin? Okay lang kung sino ang mabangga ko, 'wag lang ang isang 'to! Patay ako nito. May curfew pa namang bawal na lumabas kapag 11pm na. Sinulyapan ko ang relong pambisig at nakitang alas dose na ng hating gabi. Shit, what am I gonna do? Tatakbo?

Pareho kaming napalingon ng may marinig na parang nag-aaway.
Tunog ng kutsilyo at espada ang naririnig ko,nanggagaling ito sa kung saan ko nakita ang mga lalaking may itim na maskara.

Napatingin ako sa kanya ng bigla niyang hinawakan ang siko ko.

"Shh." He motion his finger to his lips,and damn! I find it fucking hot! Gosh,ano ba tong iniisip ko? Anlandi. At talagang nakuha ko pang maglandi sa oras na ito?

Sinunod ko ang sinabi niya at maya-maya pa'y wala na kaming naririnig.
He drag me to a near bench and pinaupo doon. He looked at me with his serious face. Uh-oh.

"Do you know the punishment,if you're caught walking at this time?" He asked and I couldn't help but to compliment how angelic his voice is. Nababaliw na ata ako. Kahit seryoso at malamig ang kanyang boses ay nagawa ko pa rin itong hangaan.

"I dunno. Hindi kasi ako makatulog,teka nakakaintindi ka ba ng tagalog?" Parang baliw kong tanong. Baka naman kasi hindi,diba? Sayang lang yung pag-eexplain ko.
He glared at me kaya tumahimik ako. Tumaas ang mga balahibo ko doon ah!

"Tss." Ang huling salita bago siya naglakad ng nakapamulsa.

"T-eka,Mister Cray!" Sinundan ko siya dahil di ko na alam kung saan ang daan patungong dorm namin! Shitzu,Eris Dionne! Why so stupid?

Bloody CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon