Bloody 2
TaskNarito lahat ng mga estudyante sa may gymnasium ng School. Kung paano ako napunta dito,ay hindi ko alam. Ang pagkakatanda ko ay sumunod lang ako kay Hannah at ito nga't napadpad ako dito.
Iyong ibang mga estudyante,ang sama ng tingin sa akin,'yong iba naman walang pakialam. May sarili silang mga mundo.
Ano bang meron? Pinatawag kasi kaming lahat kanina,pinapapunta lahat kami dito para daw sa announcement. 'Yong ang sabi ng aming adviser kanina sa classroom. Mabuti nalang at nakita ko si Hannah kaya nalaman ko kung saang banda itong gym. Ang weird nga niya,eh. She's wearing a cap to hide her beautiful face. Kung ako may ganoong mukha, I will definitely flaunts it!
Di ko na din mahagilap siya ngayon. Asan na kaya 'yon?
Parang kahapon lang ay naging magkaibigan kami.
Tinulungan niya akong mahanap ang building ng classroom namin. Mabait siya at well, mukhang anghel. Asan kaya ang classroom niya ng mabisita ko siya minsan?Maya-maya pa'y tumunog ang speaker na nakakonekta sa Principal's Office.
"Good day,Bloodies." Humalakhak ito na animo'y may nakakatawa sa pagbati niya. Ano bang meron talaga? Nalilito ako. Kating-kati na ang dila kong magtanong,pero masyadong mailap ang mga tao. Para bang iniiwasan nila ako.
Excuse me? Wala naman akong nakakahawang sakit,lechugas. At maganda at sexy naman ako,ah? Problema nila?Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang tikhim ng Principal.
"As we all know and see,we have a new member." Humalakhak ulit siya na labis na nagpangamba sa sistema ko. Is she pertaining to me? Ako ang newbie diba?
Ano ba itong napasok ko? Impyerno ba ito? Anong impyerno? Diba nga School? A creepy School nga lang.Tumingin lahat sa akin,ng may ngisi sa kanilang mga labi. O-kay? That scared me. What's with their smirks? Parang may masama silang binabalak sa akin,ah? Pero imbes na manginig sa takot ay tumaas ang kilay ko.
"Now,let's see kung karapat-dapat ba siyang mapabilang dito." Halakhak niya ulit ang huli kong narinig bago namatay ang speaker at lumitaw ang mukha niya sa malaking projector sa harap. Tumitig siya sa akin ng mga ilang segundo bago nagpakawala ulit ng ngisi. Kanina pa ang nakakairitang ngisi niyang 'yan ah!
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko,nanginginig kong tinignan ang dalawang lalaking naka-mask na itim. Hinila nila ako papuntang harap.
Oh Lord,please help me. Anong gagawin nila sa akin? Ipapa-rape? Papatayin? Madami pa akong pangarap sa buhay!Biglang nagdilim ang paligid,wala akong makita! Madilim nga diba? Paano ako makakakita? Utak mo Eris, nasaan? I wanna slap my face for being a joker.
Lumiwanag ulit pero ibang klaseng liwanag ang nakikita ko,para akong nasa isang dimensyon. Puro puti at itim lang ang nakikita ko.
Maglalakad na sana ako ng may maramdaman akong presensya ng mga tao.
Pinapalibutan ako ng sandamakmak na mga lalaking naka-itim na mask.
May hawak silang mga patalim.
Unti-unti silang lumalapit sa akin.What to do? Anong laban ko sa mga ito? Wala akong armas panlaban sa kanila. Ang daya ng mga mokong! Kung sinabi nilang may away edi sana binigyan nila ako ng kahit anong patalim diba? Para fair? Cowards! Ako lang mag-isa laban sa kanila?
Napapikit ako ng may marinig na bulong sa utak ko.
"9.12.12.21.19.9.15.14,alphabet."
Anong? Nalilito ako. Ano namang mga number 'yon? May ibig ba 'yong sabihin? Ano 'yon? A code to decode? Kung sino mang bumulong sa akin niyan, please! Sabihin mo nalang ng diretso! Nakakainsulto naman, kitang wala akong alam sa mga codes na 'yan,eh.
Lumalapit pa rin sa akin ang mga lalaki,nakangiti silang lahat sa akin na animo'y ang pagpaslang sa akin ay isang karangalan. Well,karangalan naman talaga kasi maganda ako diba? Kapag nagkataon,makakapatay sila ng Dyosa. *flips hair*
Pero nangangatog talaga ang binti ko. Is this the end of my life?
Kung nalaman ko lang sanang hanggang dito lang ako,eh sana nagpa-rape na ako sa crush ko diba? Ako na sana ang nag-initiate diba? Para naman hindi ako mamatay na virgin! Juiceko,day!"9.12.12.21.19.9.15.14,alphabet." Narinig ko ulit ang malamig na boses ng isang lalaki sa utak ko. Anong ibig niyang sabihin sa mga numerong iyon? Magagamit ko ba 'yan laban sa mga 'to? Naiiyak na ako sa asar.
Napapikit ako ng makitang sobrang lapit na ng mga lalaki,at handang-handa na nilang isaksak ang mga patalim sa akin.
Napangisi ako ng unti-unting ma-gets ang ibig sabihin ng lalaking bumulong sa akin.
"Illusion." Sambit ko, at sa isang iglap lang ay nawala lahat ng mga lalaki at ang mga nakakasilaw na ilaw. Para akong nakawala sa isang dimensyon.
Binuka ko ang mga mata ko at nakita ang mga estudyanteng manghang nakatingin sa akin. Narito lang pala ako sa gitna ng gym. Aba! Akala ko pa naman nasa ibang mundo na ako. Anong pakulo naman 'to? Patibong ba 'yon?
"Pinahanga mo kami,Ms.Chan,nalaman mong ilusyon lang ang lahat pero,may isa pang task na dapat mong lagpasan." Humalakhak ulit ang Principal,nakakaasar ang pagtawa niya. Sayang,maganda pa naman siya. Akala ko pa naman ay hindi siya makabasag ng pinggan!
Nagdilim ulit ang paligid,this time,may higanteng isa lang ang mata ang nakaharap sa akin,may hawak siyang chainsaw sa kanang kamay niya at sa kaliwa naman ay maliit na kutsilyo. OMG! Anong laban ko sa panget na ito?
Ngumisi siya. Bigla siyang tumakbo sa akin.
Sinaksak niya ako sa may binti ko dahilan ng pagkaupo ko sa sahig."Ahh!" Napasigaw ako sa sakit ng bigla niyang bunutin ang nakabaon na kutsilyo.
Nakita ko siyang ngumisi at dinilaan ang dugo ko sa kutsilyo.
Nang makita ko ang ginawa niya ay di ko mapigilang mapangisi. Parang umiinit ang katawan ko. Parang gusto ko din siyang patayin at tikman ang kanyang dugo. Anong nangyayari sa akin? Ano itong nararamdaman ko? A lust to kill? Hunger to taste a blood?Aktong isasaksak niya ulit ang kutsilyo sa kaliwa kong binti ng mapigilan ko ang kamay niya.
Kinindatan ko siya bago sinikmuraan. Kita ko ang gulat sa isang mata niya. Napaupo siya dahil sa bigla,sinamantala ko ang pagkakataon na iyon at kinuha ang kutsilyo.
Isasaksak ko na sana ang kutsilyo sa mata niya ng may pinindot siyang button na nasa kamay niya.
Nabitawan ko ang kutsilyo ng mapagsino ang babaeng nasa hawla ng ibon na nakasabit sa puno katabi ng tarpaulin,walang malay at maraming galos sa katawan."Inay." Naiiyak kong sambit.
Nanghihina ako kaya wala akong nagawa upang iwasan ang mga thumbtacks na pinaulan ng higante.
Tumama ito sa iba't-ibang parte ng katawan ko.How could they do that to my innocent mother? Just how?